Chapter Four

33 23 0
                                    

Chapter 4

Hindi ako mapakali kanina pa. Pabalik-balik ang tingin ko sa malaking salamin sa harap ko at tinitignan ang sarili ko kung bagay ba sa akin ang suot kong dress para sa gabing ito.

I'm wearing a one shoulder silver thigh high-slit dress. I let my curly hair down. Ako lang ang nag-lagay ng make-up sa mukha ko. I don't need a make-up artist to do it for me because I know how to. I've been watching a lot of make-up tutorials in YouTube.

Naalimpungatan lang ako nang marinig ang katok sa aking pinto. Nasa mansyon namin ako ngayon dahil nandito ang ibang gamit ko. Mamaya pagkatapos ng event nalang ako uuwi sa condo unit ko. Kahit gusto ni Mommy na huwag akong kumuha ng unit para raw mas makasama ko sila ay kumuha parin ako. May dahilan kasi ako. Minsan lang rin naman akong manatili sa condo unit ko. Kapag gusto ko lang. Gusto ko rin namang makasama sina Mommy at Kuya sa iisang bubong. Lalo na ngayon na umikli ang bakasyon ko.

"Ma'am? Nasa baba na po ang hinihintay nyo." Ani kasambahay namin. Wala sina Mommy at Kuya ngayon dito sa mansyon. Siguro ay mamaya pa uuwi ang dalawa dahil sa trabaho. Total ay alas-sais parin naman ng gabi.

Huminga ako ng malalim bago lumabas ng kwarto at nagtungo sa baba. Pagkalabas ko ng bahay ay nandoon na nga ang kotse ni Faustino sa harap ng aming mansyon. Nakasandal rin si Faustino sa sarili niyang sasakyan.

Kahit anong itsura niya ay nagsusumigaw talaga ang kagwapohan niya. Hindi ko maiwasang mamangha sa suot niyang tuxedo at puti ang panloob. May neck tie pa. Isali pa ang slacks na yumayakap sa mga binti niya. Pati ang suot nito ay hindi man lang binigyang hustisya. Talagang hapit na hapit sa katawan niya kaya ang ganda ng postora. Ang hindi kahabaan nitong buhok ay magulo.

Malayo palang ay kita ko na ang nang-aakit na ngiti niya para sa 'kin. Ang puso ko naman ay marupok kaya naakit talaga.

"Beautiful." Bungad sa akin ni Faustino at saka binuksan ang passenger seat ng sasakyan niya. Inirapan ko lamang siya bago sumakay sa sasakyan niya. Pagkapasok ko ay agad na nanuot sa ilong ko ang pabango ni Faustino. Nagpapahalatang lagi niyang gamit ang sasakyang ito.

Our travel to the venue where the grand will happen was so annoying for me. Faustino's mouth can't keep to shut just for a fucking minute. Tatahimik lang siya ng ilang segundo at babalik na naman sa pakikipag-usap sakin ng kung ano-ano. I wonder kung pinaghandaan ba niya ng magigi ang mga tanong na ibinabato niya sa akin? Hindi kasi nauubosan, eh.

Nakahinga lang ako ng maluwag nang sa wakas ay makalabas na ako sa kanyang sasakyan. Sa wakas at hindi niya na maririnig ang boses niya dahil sa ingay ng hotel at sumabay pa ang mahinahong musika. Pero doon ako nagkakamali. Dahil hindi pa ako tuluyang nakakalayo sa kanya ay agad na pumulupot sa baywang ko ang kamay niya. He wrapped his hands around me like he owns me.

My heart slowly beat faster and faster because of his sudden moves. "You should have wait for your date, baby. That was rude. Iniwan mo ako."

Inirapan ko lang ulit siya at hindi nagsalita. Takot na baka manginig ang boses ko dahil sa kilig. Letseng lalaki!

"Oh, my! Cassiopei!" Iyon ang bumungad sa amin pagkapasok na pagkapasok namin ng hotel. Agad na humalera ang mga photographer at reporter sa bawat gilid ng red carpet kung saan lalakad ang lahat ng mga malalaking tao sa industriya na imbitado sa ball na gaganapin ngayong gabi.

Nakipagbatian ako sa mga dati kong kaklase noong college ako. Imbes na sa akin ang atensyon nila ay napupunta iyon kay Faustino na nakapulupot ang kamay sa akin. And when they asked me who is he, Faustino introduce his self as my boyfriend to them instead. Hindi ko narin tinatama dahil ayaw na ayaw kong magsayang ng laway sa mga taong kaharap namin ngayon na halatang-halata sa mukha ang pagkadismaya sa narinig at ang iba ay peke kung makitungo sa akin. What do you expect? Ganyan ang tao ngayon, bilang nalang ang totoo.

INSATIABLE 2: Precious Game (ON-GOING)Where stories live. Discover now