AN: Paalala lang. The scenario of this story happens two years after Lincoln and Arianna's nuptial (actually sa mga susunod rin pala na Series ay kagaya nito. Two years after..). Yes po, may agwat po sila. Bali ay si Arianna ang naunang nag-asawa dahil istorya rin naman talaga niya ang ISB1🙄. Enjoy reading!😘 And another paalala....
Mature Content | SPG | R-18
Chapter 1
"Huy gurl! Tapusin na natin 'to! Gaga, gusto ko na magbakasyon." As always, madaldal talaga si Pinya. Noon pa. Ewan ko ba kung bakit ganito kadaldal ang kaibigan ko-namin. Kung tutuusin ito lang talaga ang may shotgun na bibig sa aming magka-kaibigan.
Umirap ako at saka inayos ang leather jacket na suot. "Ako rin, sis! Gusto ko ng makasama mga ina-anak ko 'no!" Ang pinapahiwatig ko ay ang anak nina Arianna at Lincoln. Si Casey, Aaron at ang baby cute boy na si Sage.
Hanep rin iyong si Lincoln, eh. Ang lakas makaputok tapos ang kaibigan naman naming marupok ay gustong-gusto naman na pinuputukan ng asawa. Pero masaya parin ako para sa kanya kasi sa wakas at sumaya narin ito sa kabila ng nakaraan nito kay Lincoln. Well, past narin naman kasi iyon kaya move-on move-on rin pag may time.
"Haler? Let's go na gurl!" Ani Liphonie sa akin at saka isinuot ang itim nitong helmet at sumampa sa motor na bigay sa amin ng agency. Yes, oo, we are both secret agents. I can still reminiscences when a man-part of the agency-approached us.
I and Liphonie are both in a exclusive club that night and having fun. Iyon 'yong araw na nalaman kong pinaglalaruan lang pala ako ng pesteng Faustino na iyon. Ang plano namin ni Pinya nun ay mag-lasing pero ewan ko ba at nauwi kami sa pagsama sa limang kalalakihan na pulos nakaitim at may mga ID na nakasulat doon na isa silang mga Agents na ipinadala upang imbitahan sila.
Dinala nila kami sa isang private room sa exclusive club kung saan naroon ang tinatawag naming 'Lord Dragomir' ngayon. Ang aming boss namin ngayon ni Pinya. Ang may-ari ng secret agency na walang ni-isang nakakaalam maliban nalang sa mga naging asawa ng co-agents namin at nagretiro na. Isa itong agency na ang lahat ng hindi kayang iresulba ng mga pulis ay sa agency kung saan kami nagta-trabaho ngayon inaatang. And also, the president and chief director of police gaved us the credit to kill when iwe only needed to. In short, only for self defense. Yes, kapag kinakailangan lang. Lahat ng baril na pagmamay-ari namin ay may mga lisensya.
Kaya ngayon ay ito ang huli naming misyon. Ang pasabugin ang kuta ng mga intsik na drug lords na nagkukuta sa Tagaytay. Ipinagsasalamat ko nalang dahil nasa gitna ito ng dagat kaya walang madadamay na sibelyan. At talagang doon pa talaga naisipan ng mga letseng intsik na 'yon magkuta. Akala guro ng mga hilaw na iyon na hindi namin malalalaman kung saan nila tinatago ang sandamakmak na mga in-registered guns, dozens of fake money and countless boxes of drugs.
"Ano? Isa-isa tayo?" Ani Liphonie nang makarating kami sa port. Ang tinutukoy nito ay ang jet-ski.
Tumango ako at saka sumampa sa isang jet ski. "Sa kaliwang bahagi ka at sa kanan ako. Don't forget to update me where you are at baka pasabugin ko ang kuta nila at nasa-loob ka pa. Ayoko pa namang maglamay."
Inirapan ako ng Pinya. "Hoy! Baka ikaw pa ang maiwan roon."
"Aba! Eh ikaw nga ang mahinang kumilos!"
"Uh-hem!" Tumikhim ang lalaking nasa kabilang linya. Si Wise, ang aming tracker at hacker. Ang aming gwapong tracker. Ito ang nagbibigay sa amin ng hudyat kung kailan kikilos at kung may kalaban ba patungo sa aming direksyon sa tuwing mapapalaban kami. Ito rin ang nagbibigay sa amin ng update tungkol sa misyon namin. Halos lahat ng secret agents ay may kanya-kanyang tracker. At in fairness ang galing ng nakapares namin ni Pinya. Mabilis ang kamay at saka gwapo pa. Ang problema hindi namin alam ang totoong pangalan niya. Tanging ang code-name lang na ibinigay sa amin ng agency. Ang katauhan kasi namin ay isang sekreto na dapat walang makakaalam ni isa sa mga nagta-trabho sa Agency.
YOU ARE READING
INSATIABLE 2: Precious Game (ON-GOING)
Narrativa generale| CASSIOPEI SLOANE AGUILA | Cassiopei has a secret feeling for Faustino. The greatest play boy of the year. She thought that she dearly loved by Faustino Fajardo but it comes out wrong. It was just a plain game. A bet to be exact. She was hurt and b...