Chapter 7
Hindi ko alam ang gagawin sa bawat segundo, minuto at oras na lumilipas habang naghihintay kami sa labas ng A&E (Accident and Emergency Department) kung saan agad na sinugod si Mommy pagkarating ni Liphonie at Kuya dito sa ospital.
Nanggagalaiti man sa galit ay wala akong magawa sapagkat hindi ko pwedeng iwanan ang ospital upang hanapin ang mga demonyong may gawa nun sa aking ina. Sa sobrang sakit at galit na nararamdaman ko ay wala ni isang butil ng luha ang tumulo sa aking mga mata. Ang tanging nasa isip ko lang ay ang kaligtasan ng aking ina at kung paano ko tatapusin ang buhay ng demonyong gumawa nito sa kanya.
"Are you okay? Do you want to rest? Lean on me.." Hindi ko ulit pinansin si Faustino na nasa gilid ko, hawak ng mahigpit ang aking dalawang kamay. Nang makita niya ako sa rooftop na nakatunganga sa telepono ay siya mismo ang gumawa ng paraan upang makabalik kami kaagad dito sa Maynila.
Tinatanong, kinakausap niya ako maya't-maya pero ni isang salita ay walang lumabas sa bibig ko. Naaawa ako sa kanya pero ang atensyon ko ay nasa mukha parin ng demonyo na pinapatay ko na isip ko dahil sa ginawa niya kay Mommy.
Naramdaman ko nalang na marahang hinapit ako ni Faustino at iginiya ang ulo ko sa balikat niya. Kapagkuwan ay hinaplos ang ng marahan ang buhok ko dahilan upang unti-unting bumuhos ang luha ko.
Hindi ko magagawang patawarin ang taong gumawa nun kay Mommy. Hindi ko alam kung bubuhayin ko pa ba siya sa oras na malaman ko kung saan siya nakakuta. Sa sandaling iyon ay ang gusto ko lamang ay patayin siya kahit ang kapalit nun ay makukulong ako. Wala akong pakialam sa kung anong kalalabasan nun basta't magbabayad siya sa ginawa niyang kahayupan sa ina ko. Wala akong pakialam na makulong basta't mapatay ko lang siya.
"Shhh. Your mom is gonna be okay." Muling pag-aalo sa akin ni Faustino nang mas umiyak pa ako sa bisig niya. Iniyakap ko ang kamay sa baywang niya at ibinaon ang mukha sa dibdib niya at saka muling humagulhol sa iyak.
I'm glad that Faustino is here. Ang Kuya ko naman ay nakatunganga lang rin sa pinto ng kwarto kung saan nasa loob ang ina namin at inaasikaso, habang si Liphonie ay naroon sa baba at kausap ang mga pulis. Kung hindi agad nalaman ng kaibigan ko ang nangyayari sa loob ng mansyon namin ay tiyak wala na ang ina ko ngayon. Mabuti nalang at naroon pala si Manang Sesa- ang kasambahay namin- at agad nakatawag ng tulong gayong wala ang Kuya ko sa mansyon dahil sa trabaho.
Nanatili ako sa ganoong posisyon at pati rin si Faustino hanggang sa bumukas ang pinto at mabilis na inilabas si Mommy at nagmamadaling itinutulak ang higaan nito patungo sa kung saan na nagpataka sa amin at mas nagpausbong ng kaba na nararamdaman ko.
"Where are they taking my mother?!" Pasigaw na tanong ni Kuya sa mga nurse ngunit ni isa ay walang sumagot dahil sa pagmamadali.
"Where are you taking her?!" Muling pasigaw na tanong ng aking kapatid.
"Teka lang! Saan nyo dadalhin ang Mommy ko?!" Ako naman ang nagtanong habang sumusunod, kinakain ng takot at nanginginig ang boses. Panay ang salita ng doctor na hindi ko maintindihan until they reached one room that also had sign 'Operating Room'.
"Sir, hindi po kayo pwede sa loob." Pigil ng nurse sa aking kapatid nang akma itong papasok.
"No! Let me in, damn it! My mother is inside!" Nagdadabog ito, pilit kumakawala sa hawak ng dalawang lalaking nurse upang makapasok sa pinto kung saan ipinasok ang ina namin.
Hindi ko magawang makawala sa hawak ni Faustino sa akin upang makapasok rin sa loob. Kahit siya ay hindi ako hahayaang papasukin sa loob kung saan ang ina ko.
"Calm down. She's gonna be okay." Pangungumbinsi sa akin ni Faustino at pilit akong iginigiya sa upuan malapit sa operating room.
"Calm down, Christian. Tita's gonna be okay and you're not allowed inside." Si Liphonie na mismo ang pumigil sa kapatid ko na agad ring huminahon at saka sumalpak sa sahig na tila nawalan ng lakas.
YOU ARE READING
INSATIABLE 2: Precious Game (ON-GOING)
Fiction générale| CASSIOPEI SLOANE AGUILA | Cassiopei has a secret feeling for Faustino. The greatest play boy of the year. She thought that she dearly loved by Faustino Fajardo but it comes out wrong. It was just a plain game. A bet to be exact. She was hurt and b...