Chapter Nine

31 3 0
                                    

Chapter 9

Kinabukasan ay maaga akong nagising upang magtungo ng hospital dahil ngayon ang labas ni Mommy.

Pagkababa ko ay bumungad sa akin ang mga kasambahay namin na naglilinis sa salas at hindi naman nakatakas sa pandinig ko ang ingay sa kusina.

Nang makalapit sa isang kasambahay ay agad akong nagtanong. "Bakit ang ingay sa kusina? Anong ginagawa ni Manang?"

Agad na binalingan ako ng isa sa mga kasambahay namin at bahagyang yumuko saka ako binati muna bago ito sumagot. "Kasi po, Ma'am. Sabi po ni Sir Christian na maghanda daw po ng pang-agahan at tanghalian para mamaya para daw po paglabas ni Ma'am, may makain na daw po kayo."

Napatango-tango ako. Hindi naman kami ganito sa tuwing may makakalabas ng hospital noon. Sabagay... Wala pa namang na-hospital samin na ilang araw na nagtagal sa hospital. Pero kahit nasisiyahan akong makakalabas na si Mommy ngayon matapos ng ilang araw nya sa hospital at kagagaling niya lang sa opera, bakit parang ambilis naman ata na makakalabas na siya? Minsan talaga hindi ko maintindihan ang hospital. Kahit hindi naman malala ang nangyari, matagal pinapalabas pero kapagka malala naman, atat na atat silang pauwiin ang pasyente. Naku, hospital, nagpapahalata ka na masyado, ha.

Matapos kong magpaalam kay Manang ay agad akong nagtungo sa kotse ko at nagtungo sa hospital kung saan sina Mommy.

Hindi ko na mabilang kung ilang ulit akong napapabuntong-hininga sa tuwing nasusulyapan ko ang aking telepono. Kagabi pa man ay paulit-ulit ko na 'yong ginawa kahit inaantok na ako.

Talaga bang galit siya sa 'kin dahil sa hindi ko pagsama sa kanya sa lakad namin ni Wise kagabi? Ginagawa ko lang naman 'yon para protektahan siya, eh. Pero parang sarili ko na ata ang dapat kong protektahan sa ngayon. Lalo na't alam ko na ang susunod nilang plano.

Nang ma-stack sa traffic ay agad kong inabot ang aking telepono nang hindi makapag-timpi. And when I found Faustino's name in my contact list, I'm stack between calling him or I'll just text him. But what would I say? Hindi naman kasi ako ang nagfi-first move samin, e. Siya kasi, kasi siya ang lalaki at siya ang bumabawi dah sa ginawa niya sa 'kin noon.

Dahil sa gulo ng isip ko ay naabutan nalang ako ng go signal ng traffic light ay wala akong naipadala sa kanya maski kahit greetings man lang para sa umaga.

May pride naman ako at ayaw na ayaw kong ako ang nagfi-first move pero sa ngayon, paiiralin ko muna ang kagustuhan kong maka-usap siya at makasama kesa sa magpapataasan kami ng pride namin. Kilala ko ang lalaking 'yon. Kapagka galit, galit talaga at hindi makikipagbati. Para nga talaga siyang babae. Kunti nalang, iisipin ko na talaga na bakla siya.

Pagkarating ng hospital ay agad akong nagtungo sa kwarto ni Mommy at nadatnang nakabihis na siya at ang mga gamit niya ay nakahanda na.

"Excited lang umuwi, Mommy?" Iyon ang bungad ko sa kanila nang makapasok sa loob.

Ngumiti si Mommy sa akin at saka ako hinalikan pabalik sa pisngi. Ganon din ang ginawa ko kay Kuya at Pinya. Si Pinya ay bagong ligo lang rin kagaya ko na nagpapahiwatig na magkasunod lang kaming nakarating dito sa hospital.

"I just badly want to get out of here. You know how much I dislike being here and how much I dislike seeing people with blood all over them." Nakangiting sambit ng aking ina at saka nagpatuloy sa pag-liligpit ng kanyang gamit na hindi pa naiilalagay sa loob ng kanyang bag.

Tumango ako. Maski ako ay ayaw na ayaw kong makakita ng mga taong naliligo sa dugo kahit na andami ko nang napatay na masasamang tao. Kaya nga noong nakita ko ang larawan ni Mommy na punong-puno ng dugo, nawalan ako ng lakas. Parang nanlambot ang buo kong katawan sa nakita. At aaminin ko ang nasa isip ko lang sa mga oras na iyon ay kung pano makipag-higante sa kanila dahil sa ginawa nila sa Mommy ko. Hinding-hindi ko talaga sila mapapatawad kahit bumaliktad pa ang mundo. Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na 'yon. Hinding-hindi.

INSATIABLE 2: Precious Game (ON-GOING)Where stories live. Discover now