Chapter 3

11 6 0
                                    

Unedited

Chapter 3

"Oh, kumusta ang lakad mo?" Salubong sa akin ni Noreen nang makita akong papasok ng bahay. Imbes na sagutin ang tanong niya ay tinanong ko muna kung nasaan si KM. Wala kasi ito rito sa loob ng salas at hindi kasama nitong si Noreen. "Nasa taas, sa may kwarto niyo," sagot nito at muling binalik ang atensyon sa kaniyang pinapanood.

"Anong ginagawa?" Muling tanong ko habang nagtatanggal ng suot na sapatos. Hinubad ko rin ang suot kong coat para makahinga ako nang maayos.

Jusko, ang init sa labas!

Mabilis lang ako nitong tinapunan ng tingin. "Ah 'yon ba? Ayun, natutulog..."

"Bakit? Ang aga naman ata?"

"Magtaka, Kim, bata 'yon. Sino ba naman ang hindi aantukin at makakatulog kung pagod ka kakalaro?" Nakita ko pang pinagtaasan ako nito ng kilay. Ang taray talaga!

"Parang nagtatanong lang, e. Masamang maging curious, gano'n?" Bwelta ko rito. Binato ko pa ito ng coat ko at ang bruha, benelatan lang naman ako!

Hilahin ko kaya ang dila nito? Ewan ko na lang kung mabebelatan pa ako nito.

"Ay pinagpahinga mo ba muna 'yong bata bago mo patulugin?"

"Uh, hindi na."

"Ano?! Nasisiraan ka na ba ng bait, huh? Bakit mo hinayaang makatulog agad e hindi mo pala muna pinagpahinga, huh?"

"Kailangan pa ba nun?" Mababakasan mo ng kainosentehan ang boses niya kaya mas lalo lamang akong nainis sa kaniya.

Naku naman!

"Hindi ko na iiwanan sa'yo si KM sa sunod, Noreen," iiling-iling kong sabi.

"Hoy, walang gan'yanan! Parang binibiro lang, e," mabilis na alma nito nito sa sinabi ko.

Napahawak tuloy ako sa bandang noo ko. "Hindi kay KM ako mabilis tatanda, e at sa'yo."

"Binibiro lang talaga kita 'no! Like duh! Wala ka bang tiwala sa akin? Malamang pinagpahinga ko muna 'yong bata bago patulugin. Pinaliguan ko pa nga muna at pinakain, e." Kaya pala may nakita akong dalawang kahon ng pizza sa may lamesa.

"At talagang pizza pa, huh?"

"Well... I let her to decide what food we gonna eat."

Kung kanina ay nakahawak ako sa bandang noo ko, ngayon naman ay hinihilot ko na ang bandang sentido ko. Jusko naman!

"Isa pa, Kim, inaalagaan kong mabuti ang anak mo 'no. Mahirap na at baka ako ang mapag-abutan, masisi pa ako. Tapos baka balikan pa ako ng ama niyan."

"Ano ba 'yan, Noreen, tumahimik ka nga!"

"Oo na, oo na." Tinaas pa nito ang kaniyang dalawang kamay, animo'y sumusuko. "Maiba tayo, kumusta nga ang lakad mo?" Sumandal ako sa aking inuupuan at nag-iwas ng tingin sa kaniya. "Hoy! Ano nga?" Pangungulit nito.

"Wala, e..."

"Huh? Anong wala?"

"Ano pa? Edi wala akong napala..." Hindi lang isa, dalawa o tatlong kompanya ang napuntahan ko ngayong araw. Sa katunayan ay marami na akong mga kompanya na napuntahan. Balak ko na kasing maghanap ng trabaho ngayon.

Magdadalawang buwan na rin kami ni KM dito sa bagong tinitirahan naming na pinahanap k okay Noreen. May naipon naman akong pera pero iba pa rin kapag may trabaho. Hindi ko rin naman masasabi ang panahon nayon. Hindi ko masasabi kung anong mangyayari, mamaya o sa susunod na mga bukas kaya mas mabuting may maipon pang pera para kung talagang kailanganin ay magagamit.

Bittersweet (SLOW UPDATE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon