Chapter 1

30 6 0
                                    

Unedited

Chapter 1

Panay ang pagpapakawala ko ng aking malalim na buntong-hininga. Kasabay nito ay ang paggala ng aking mata sa kabuuan nitong lugar. Ilang minuto na gano'n ang aking ginawa.

Natigil lamang ito nang may narinig akong munting tinig na pumukaw sa aking atensyon.

"Hmm?" Kasabay nito ay ang pagbaba ng aking tingin sa kaniya.

Sa halip na sagutin ako ay tanging pagnguso lang ang kaniyang ginawa kaya natawa ako sa kaniyang ginawa. Napisil ko tuloy ang kaniyang pisnge dala ng panggigigil sa kaniya.

Ang kaninang pagnguso ay napalitan ng kaniyang pagngiwi kaya itinigil ko na ang aking pagpisil na ginagawa sa kaniya. Baka bigla pa itong umiyak ay mahirap pa naman itong patahanin.

"Matagal pa po ba tayo, Mommy?"

"No, anak. May hinihintay lang si Mommy then we will go home na, okay?"

"We will go home to our new home?"

"Yes, anak. We will go home to our new home..." Nakangiting sagot ko rito.

Tumango lang ito pagkatapos. Naghikab din ito, tanda na ito ay inaantok na kaya siya ay pinapatulog ko na muna. Tumanggi naman ito at sinabing hindi pa raw siya antok ngunit, pagkalipas lamang ng ilang minuto ay heto't nakahilig na sa akin at tulog na.

Marahil ay napagod ito sa aming naging byahe lalo na at ito ang unang beses nitong bumayahe ng gano'ng malayuan. Ngayon lang din naman ulit ako nakabyahe ng ganitong malayuan, e.

Matagal na rin noong huli kong byahe na malayuan. Ipinilig ko ang aking ulo sa biglang naisip. Pilit iwinawaksi sa aking isipan ang panahong 'yon.

Hindi ito ang tamang panahon para mag-isip pa ng kung ano-ano.

Muling bumaba ang aking tingin sa aking batang kasama. Ngayon ay nakaunan na ito sa aking hita. Inayos ko ang jacket na nakabalot sa kaniya. Ito ang nagsisilbing pansamantalang kumot niya.

Hinaplos ko ang kaniyang hindi kahabaan na buhok. Ito ay medyo kulot, lalo na sa bandang dulo. Hanggang balikat lang niya ang kaniyang buhok dahil lagi nitong kinakatwiran sa akin na ayaw niya raw magpahaba ng buhok dahil mahirap daw mag-shampoo lalo na kapag nagkakataon na walang power sa bahay.

Habang pinagmamasdan ko ang batang nakaunan sa aking hita ay pinaglakbay ko ang aking mata sa kabuuan ng kaniyang mukha. Medyo mahaba ang kaniyang pilik-mata, medyo singkit din ang mata nito kaya kapag ito ay ngumingiti o tumatawa ay medyo nawawala ito. Medyo maliit din ang mukha nito na hugis puso. Mayroon din itong maliit na ilong pero matangos kung titingnan. Pati hugis ng kaniyang labi ay hugis puso rin.

Kaya hindi ko maiwasang isipin sa tuwing pinagmamasdan ko siya ang isang taong may malaking parte sa buhay ko noon.

Pero aminado akong mahal na mahal ko ang batang kasama ko ngayon. Hindi hamak na mas mahal ko pa ito kaysa sa sarili ko.

Muntik na akong mapatili nang may biglang yumakap sa akin mula sa aking likod. Mabuti na lamang at naagapan ko ito at ang aking kilos dahil baka magising ang batang kasama ko.

Lumingon ako sa taong nasa likod ko at nagulat ako nang bigla nitong hinila ang aking buhok. Mabuti na lang at marahan lang ito pero kahit na gano'n ay ramdam ko pa rin ang kaunting sakit sa aking anit. Tila ito ay gigil na gigil sa akin ngayon. Imbes na magalit dito ay natawa na lang ako sa kaniyang ginawa. Naiintindihan ko naman kung bakit.

"Ano? Gan'yan na lang ba ang isasalubong mo sa akin ngayon, huh?"

Mas lalo lang akong natawa nang makita ko ang nanlilisik nitong tingin sa akin. Kung wala lang nakaunan sa aking hita ay nasabunutan ko na rin ito.

"At ano naman sa tingin mo ang gusto mong isalubong ko sa'yo pagkatapos noong nangyari, huh?!" Singhal nito sa akin kaya napataas din ang boses nito sa akin.

Kaagad ko naman siyang pinanlakihan ng mata dahil sa tono ng boses niya.

Iimik na sana ulit ito at alam kong malakas na naman ito kaya agad kong itinuro sa kaniya ang batang nakaunan sa aking hita. Kung kanina ay pinanlakihan ko siya ng mata, ngayon naman ay siya na ang gumawa nito sa akin ngunit, hinayaan ko na lang ito.

"Alam kong marami kang gustong sabihin...itanong...isumbat o ano pa man at naiintindihan ko naman 'yon pero pwedeng sa ibang pagkakataon na lang muna? May kasama ako ngayon at baka magising ito. Mahirap pa naman itong patahanin kapag ito ay biglang umiyak. Ikaw din." Mahinahong sabi ko sa kaniya.

Sa pagkakataong ito ay ang bibig naman niya ang nakanganga habang palipat-lipat ang tingin sa akin at sa batang kasama ko.

Nakakatawa talaga ang reaksyon nito ngayon. Sayang at hindi nakalabas ang aking telepono.

Mukhang naintindihan naman nito ang aking sinabi kaya muli akong nagpatuloy. "Nahanap mo ba 'yong pinapahanap ko sa'yo?" Tumango lang ito sa akin habang nakanganga pa rin. "Baka pasukan pa 'yan ng langaw kung hindi mo pa 'yan ititikom." Natatawang wika ko sa kaniya.

Tila nagising naman ito sa aking sinabi kaya itinikom na nito ang kaninang nakangangang bibig.

Bigla naman ako nitong sinugod ng yakap. Medyo nasasakal pa nga ako kasi sa bandang leeg ko nakaano ang kaniyang braso. Hindi ko alam kung sinasadya ba nito o hindi, e.

Balak pa nito akong patayin ngayon?

Humiwalay na ito sa akin. Akala ko ay tapos na ngunit 'yon ang akala ko. Bigla lang naman kasi ako nitong binatukan.

Jusko, hindi pa ba siya tapos?

Nabasa ata nito ang aking reaksyon kaya bigla itong napatawa. Sa pagkakataong ito ay kontrolado na ito.

Mabuti na lang.

"Simula pa lang 'yan, Kim, kaya humanda ka na..." Hindi ko tuloy alam kung seseryosohin ko ba ang pagbabanta niya o ano, e. Pero alam kong kailangan ko talagang maghanda lalo na at ganito ang sinalubong niya sa akin.

Hindi ko rin naman ito masisisi lalo na at alam kong hindi niya nagustuhan ang ginawa ko noon. Miski ako rin naman pero wala na rin naman akong magagawa. Hindi ko na rin naman maibabalik pa ang nakaraan kasi tapos na, nangyari na.

"Tara na?" Yaya ko rito. Nakakaramdam na rin kasi ako ng ngimay sa aking paa dahil sa pwesto namin.

Dahan-dahan kong binuhat ang batang kasama ko. Buong ingat ko itong binuhat dahil kita ko na mahimbing itong natutulog at ayoko namang magising lang ito sa maling kilos ko.

Mahirap na...

Si Noreen naman ang may dala ng aming mga gamit. Mabuti na lamang at kaunti lang ang mga ito. Hindi ito masyadong mahihirapan sa mga gamit namin.

"Hindi ba kayo mananatili rito?" Biglaang tanong nito habang naglalakad kami. Marahil ay napansin nito na kakaunti lamang ang aming dalang mga gamit.

"Mananatili naman..."

"Gano'n naman pala. E, bakit kaunti lang ang dala niyong mga gamit?"

"Basta."

"Bakit basta?" Pangungulit nito sa akin. Mas lumapit pa nga ito sa akin kaya bahagya akong napatigil sa paglalakad kaya napatigil din ito sa kaniyang ginagawa.

Hayst, ngayon ko lang ulit naalala na makulit nga pala itong si Noreen. At aaminin kong na-miss ko rin itong pagiging ganito niya.

"Gaano kayo katagal na mananatili?" Muling tanong nito nang hindi ako sumagot sa kaniya.

Nagsimula na ulit akong maglakad at gano'n din siya.

"Depende..."

"Paanong depende?" Sinagot ko na lang ito ng aking pagkibit-balikat.

Hindi ko rin naman kasi alam kung hanggang kailan kami mananatili rito. At mas lalong hindi ko rin alam kung anong buhay ba ang kahaharapin namin dito simula ngayon.



Itutuloy...

Bittersweet (SLOW UPDATE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon