Unedited
Chapter 4
"Noreen, si KM, huh!" Bilin ko rito habang ako'y abala sa pag-aayos ng aking sarili. Hindi na nga ako magkaintindihan kung ano ang aking uunahin. Hindi ko alam kung magsusuklay ba muna ako, magsasapatos o aayusin ang pagmumukha ko.
"Ay ang taray! Pasaan ka naman, aber?" Tanong nito habang naglalakad papalapit sa akin. May hawak na tinapay sa isang kamay habang sa kabila naman ay juice.
Umupo muna ako at huminga. Jusko, parang nasasakal ako na ewan e. Kasi naman, tinanghali ako ng gising ngayon. Sabagay, hindi ko rin naman alam na papupuntahin ako roon sa pinag-applyan ko kahapon.
"Tinawagan kasi ako kanina ng secetary noong huli kong pinag-applyan kahapon ng trabaho. Biglaan lang din naman kaya heto't pandalas ako ngayon," paliwanag ko rito habang nagsusuot ng sapatos. "Ay 'yong anak ko Noreen, huh? Hindi pa 'yon gising kaya nakatitiyak ako na hahanapin ako nun. Sabihin mo na lamang na umalis muna ako at may pinuntahan," habilin ko at tumayo na.
Pinagpagan ko muna ang suot ko bago magwisik ng pabango sa aking sarili.
"Ano ba naman 'yan, Kim?! Kulang na lang ay paliguan mo ang buong sarili mo niyan, e!" Reklamo ni Noreen habang nakatakip ang kamay sa kaniyang ilong.
Mukhang napasobra nga ata ang ginawa ko. Inamoy ko tuloy ang sarili ko ng wala sa oras. Pati tuloy ako ay napatakip din sa aking ilong nang maamoy ang sarili.
Tama nga si Noreen. Kulang na nga lang ay paliguan ko ang aking sarili. Masyadong mabango at sa tingin ko'y kung sino man ang makakaamoy nito ay maaaring hatsingin pero wala na akong oras pa para magpalit ng suot. Mas lalo lamang akong tatanghaliin kung magpapalit pa ako e tanghali na nga ako ngayon.
"Magpalit ka kaya muna, Kim?" Suhestyon nito subalit gustuhin ko man talaga ay hindi ko na magagawa.
"Hindi na, tanghali na ako kasi Noreen. Magbibiyahe pa naman ako kaya maaaring kumupas din ang bangong mayroon ako ngayon. Okay na rin ito para hindi na ako magpabango pa mamaya pagkarating ko roon sa kompanyang pinag-applyan ko." Wala na naman itong sinabi pa. Nagpaalam na rin ako at umalis na. Muli ko itong pinaalalahanan tungkol kay KM. Mukha ngang nakulitan na rin ito dahil kumukunot na ang noo nito habang naghahabilin ako sa kaniya.
Pasensya, ganito lang talaga siguro ang isang ina sa tuwing napapahiwalay sa kaniyang sariling anak. Hindi rin naman nagtagal at nakasakay na ako.
"Miss Romero?" Kaagad akong napatayo nang marinig ko ang pangalan ko.
"Ako nga po," sagot ko kasabay ng pagtayo at paglapit sa taong tumawag sa akin.
Isang babae ang tumawag sa akin. Mukha siyang mas matanda sa akin nang kaunti pero kahit na gano'n, kapansin-pansin pa rin ang gandang taglay nito.
"Sorry for calling you too early and keeping you waiting here...."
I immediately shook my head at her. I even waved my hand as a sign that it's really okay. "No, it's okay, Ma'am. I understand."
She just smiled at me and I did the same thing. Sabi na e, mas lalo siyang maganda kapag nakangiti. Ang ganda niya kasing ngumiti. Parang nakakahawa nga ang ngiti niya.
Iginiya niya na ako papasok sa isang pinto. Nang buksan niya ito ay sumalubong sa aking paningin ang malawak at malinis na kuwarto. Kaunting mga gamit lamang ang makikita rito ngunit kahit na gano'n ay masasabi ko't mahahalata rin na may kamahalan ang mga bagay na nandito.
"Pasensya ka na talaga kung biglaan ka naming tinawagan."
"Naku, okay lang po 'yon, Ma'am!" Mabilis na sagot ko sa kaniya. She kept on apologizing to me and all I could do was saying that it's okay.
BINABASA MO ANG
Bittersweet (SLOW UPDATE)
RomanceKimberlyne Romero believes that everything happens for a reason. No matter how bad day she had, she still find a reason to smile and be happy. Something happened, and it included that she will be the wife of Kiyo Ramirez. She has a huge crush on him...