Prologue

27 7 0
                                    

Prologue

Ramdam na ramdan ko ang lamig ng simoy ng hangin na dumadampi sa aking balat. Nakatingin ako sa mga taong nasa harapan namin. May mga ngiti sa kanilang labi habang may pinag-uusapan sila.

Hindi ko na ito masyadong pinagtutuunan pa ng pansin lalo na at hindi ko rin naman ito masyadong maintindihan. Basta ang alam ko lang, tungkol lang ito sa business.

"What's on your arm, Kim?" Nabigla ako nang lumapit pa ang Ginang sa mismong harapan ko at pinagmasdan ang aking braso.

Bigla tuloy bumilis ang tibok ng puso ko. Samahan pa ng lalong panlalamig ng aking kamay habang nakatingin sa Ginang.

"What's that?" Muling tanong nito at kasunod nito ay nakarinig ako ng tikhim sa aking katabi.

Tila mas lalong dumoble ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko ito magawang tingnan lalo na at ganito ang nararamdaman ko.

"A-Ah...nadali lang po sa may lamesa sa b-bahay..." Hindi ko magawang bigkasin nang maayos ang aking bibig kaya hindi naiwasan na hindi ako nautal.

"Gano'n ba, Kim?" Marahan lamang akong tumango. Bumaling naman ito sa aking katabi.

"Son, Kiyo...alam mo ba ito?" Mababakasan ng pag-aalala ang boses ng Ginang nang magsalita ito.

Parang may kung anong humaplos sa aking puso.

"No." Maikling salita ngunit, iba ang dulot sa aking sistema.

Nagpaalam muna pansamantala ang Ginang sa aming dalawa. Napabuntong-hininga na lang ako.

Pagod na ako, e.

"Kim." Pangalan ko lang ang sinabi niya ngunit, kakaiba na agad ang hatid nito sa aking sistema.

Hindi ko ito magawang tingnan lalo na at ganito.

"Gamutin mo 'yan at ingatan mo ang sarili mo..." Bigla tuloy akong napangiti sa sinambit niya.

Nag-aalala ba siya? Nag-aalala ba siya sa akin?

Titingnan ko na sana ito nang muli itong nagsalita.

"Ako ang mapapahamak sa ating dalawa kaya umayos ka." Bakas na may diin ang bawat salitang binigkas niya.

Pagkatapos nito, umalis na ito sa aking tabi.

Hindi ko maiwasang hindi pangilidan ng luha sa aking narinig.

Hindi pa ba ako nasanay?

Nakakatawa. Nakakatawa at naisip ko talagang nag-aalala siya sa akin. Imposible namang mangyari 'yon.

Kung mag-aalala man siya, 'yon ay para sa kaniyang sarili at hindi para sa akin.





Itutuloy...

Bittersweet (SLOW UPDATE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon