Unedited
Chapter 5
Being a single mother is not that easy. We could say that it's easy to think but I doubt in terms of responsibilities. Mahirap magpalaki ng bata lalo na kung nag-iisa ka lang din. Mahirap magbigay ng mga pangangailangan at gusto niya lalo na kung wala kang regular na trabaho dahil hindi mo maiwan-iwan mag-isa sa bahay.
It's difficult but the experienced, it's worth it. Everything is worth it for my daughter.
"Mommy, I want that!" I saw KM pointing something inside of a store.
"You really want that?" She nodded her head. "Let's go?" She ran fast inside. I'm just following her, not taking my eyes off of her. Mahirap na at baka bigla pa itong mawala sa paningin ko.
Kung ano-ano ang pinagtuturo nito sa akin kaya kinukuha ko ang mga ito. She couldn't carry all of it.
"KM, remember what Mommy told you about these?" She nodded her head. "Then, what is it?" I asked.
"Don't kuha ng maraming toys kasi hindi naman lahat magagamit. But Mommy, I want it all!" She even pouted her cute lips as if she was in the verge of crying.
Nasapo ko tuloy ang noo ko sa narinig. Parang bigla tuloy akong may naalala sa kaniya.
"Pero hindi mo naman lahat 'yan magagamit, KM..." Malumanay na paliwanag ko rito. Pansin ko na may namumuo ng luha sa sulok ng kaniyang mga mata pero pingilan ko ang sarili ko na magpadala rito. Hindi kasi maganda na habang bata pa ay binibigay na lahat ang mga gusto. Mas gusto ko pa ring lumaki si KM na may disipilina at pagpapahalaga sa mga bagay na nasa paligid niya. Materyal man ito o hindi dahil gano'n din ako pinalaki ng aking mga magulang at gusto kong makuha rin ito ni KM.
Gusto kong lumaki siya na pinaghihirapan ang mga bagay na gusto niya.
"But Mommy..." I touched her both cheeks. Bahagya pa akong yumuko para lang siya ay mapantayan. Umiiyak na kasi, e. Pinagtitinginan na tuloy kami ng ilang mga tao rito.
"You can have it all, KM but not this time. We can go back here again and buy again but of course, one at a time only," I explained.
"Why po?" She stopped crying, she's now wiping her tears.
"Dahil gusto kong lumaki kang may disiplina sa sarili at marunong magpahalaga sa kung ano lang ang mayroon at kaya ni Mommy. You can't have those just because you liked it."
Matapos ang mahaba at masinsinang paliwanagan kay KM ay umuwi na rin kami. Mabuti na nga lang at hindi na siya umiyak nang nagbayad na kami sa may cashier. Hindi na rin ito naging mapilit pa na bumili pa ng kung ano-ano. Siguro'y naliwanagan sa aking sinasabi sa kaniya kanina.
Ito ang labis na ikinatutuwa ko kay KM. Bukod sa masasabi kong matalino ito habang bata pa ay marunong din itong makinig at umunawa lalo na kapag ako ang nagsasabi.
"KM, call your ninang. Sabihin mo ay kakakain na." She obey and went upstairs.
I was busy preparing our dinner when Noreen came. Nagulat ako nang bigla itong pumalakpak pagkatapos tulungan si KM na umupo.
"Ay ang taray naman, gurl! May pa-Jollibee si Mayora. Anong mayroon at naka-Jollibee tayo ngayon?" Sunod-sunod na sabi nito. Tila wala na namang preno ang bibig sa pagsasalita.
Gusto raw kasi ni KM ng Jollibee kaya pinagbigyan ko na. Hindi ko napagbigyan kanina, e. Saktong wala pa rin naming luto sa bahay lalo na at kakauwi lang din ni Noreen galing sa trabaho.
"Ang ingay mo!"
"Luh? Parang nagtatanong lang, e!" Naupo na ito katapat naming dalawa ni KM.
"Ang ingay mo kasi. Kumain ka na lang kaya riyan para naman matahimik 'yang bibig mo kahit na papaano." Sagot ko habang pinaglalagay ng pagkain si KM sa kaniyang pinggan.
BINABASA MO ANG
Bittersweet (SLOW UPDATE)
RomanceKimberlyne Romero believes that everything happens for a reason. No matter how bad day she had, she still find a reason to smile and be happy. Something happened, and it included that she will be the wife of Kiyo Ramirez. She has a huge crush on him...