Chapter 2

23 7 0
                                    

Unedited

Chapter 2

Tirik na ang araw nang lumabas ako sa aming tinulugang kwarto. Medyo tinanghali na rin akong nagising. Hindi na rin naman 'yon nakakapagtaka dahil halos madaling araw na rin akong nakatulog.

Pagkagising ko ay ako na lang ang naiwan sa aming kama. Wala na sa tabi ko si KM. Siguro ay lumabas na ito kasama ni Noreen. Hindi na umuwi si Noreen dahil hindi ba naman ako tinantanan pagkarating na pagkarating namin dito. Hinintay lang niyang makatulog si KM saka ako kinulit.

Hindi na rin naman ako makakatakas sa mga tanong niya. Kumbaga, wala akong takas kaya sinagot ko na lang ang mga naging tanong niya. Sasagutin at sasagutin ko rin naman ang mga 'yon kaya bakit patatagalin ko pa, diba?

'Yon din ang naging dahilan kung bakit kami napuyat. Para ngang gusto pa akong sabunutan o batukan niyon, e. Mabuti na nga lang at hindi niya ginawa maliban na nga lang sa minsanang paghampas nito sa akin.

Gigil na gigil nga sa akin.

Hindi naman daw siya galit sa akin. Nagtatampo lang daw gan'yan kasi magkaibigan daw kaming dalawa tapos gano'n pa raw ang ginawa ko. Pinagkakatiwalaan niya raw ako kaya dapat, gano'n din daw ako.

Naiintindihan ko naman ang pinupunto niya. May kasalanan naman talaga ako, e. Kaso ewan... pinangunahan ako ng takot, e. Gusto ko na lang lumayo muna. Gusto kong lumayo muna sa lahat kaya humantong ako sa ganito at alam ko sa sarili ko na wala akong pinagsisisihan doon.

Siguro sa ibang bagay dito ay may pagsisisihan ako pero hindi ako nagsisising lumayo muna ako noon kasama ang anak ko lalo na at 'yon ang alam kong mas tama nang panahon na 'yon.

Ipinilig ko ang aking ulo noong naalala ko ang kung anong nangyari kanina.

Nakapagluto na kaya si Noreen?

Nasagot din naman ang tanong ko nang makita ko silang kumakain na. Magkatabi silang dalawa kumakain. Napangiti ako nang makita kong inaasikaso ni Noreen si KM. Todo asikaso pa nga, e. Kita ko namang bumabawi ito sa anak ko lalo na at nalaman niyang ninang siya nito.

Pft, naalala ko tuloy ang himutok nito sa akin. Bakit daw hindi ko siya kinuhang ninang man lang gan'yan. Jusko, naging ninang nga siya ng hindi niya nalalaman, e.

Paano? Sinabi ko lang naman sa kaniya na ninang siya ni KM. Aba't pinaghahampas ba naman ako. Bakit daw hindi ko agad sinabi. Sayang daw ang mga taon na hindi niya raw nabibigyan ang anak ko ng mga regalo.

Basta kung ano-ano na lang ang mga sinabi niya sa akin na himutok o nararamdaman niya. Pinabayaan ko na lang nga dahil naiintindihan ko rin naman kung saan nanggagaling ang mga ito. Kasalanan ko rin naman, e.

"Mommy!" Ngumiti kaagad ako nang marinig ko ang matinis na boses niya. Bati pa lang 'yan pero grabe na ang katinisan. Mabuti na nga lang at nasanay na ako sa boses niya.

Lumapit na ako sa kanila at umupo sa harap nila. "Magandang umaga!" Nakangiting bati ko sa kanilang dalawa. Ngumiti lang si KM sa akin at nagpatuloy na sa pagkain.

Pinagtaasan lang naman ako ng kilay ni Noreen kaya bahagya akong napanguso sa kaniya. Inirapan lang ako nito nang makita niya ang ginawa ko. Hindi ko na lang ito pinansin at naglagay na rin ng pagkain sa aking plato.

Pagkatapos kumain ay ako na ang naghugas ng aming pinagkainan. Nakita ko silang nanonood ng TV sa salas. Magkatabi na naman silang dalawa habang masaya silang nag-uusap.

Muli na naman akong napangiti sa aking nakita. Mukhang nagkakalapit na silang dalawa sa isa't-isa. Mabuti naman kung gano'n.

Tumabi ako sa kanila ng upo. Pareho nila akong hindi pinansin kaya napanguso ako sa ginawa nila. Ang daya naman. Sila na ang mas close ngayon. Parang naging hangin na lang ako rito, e.

Bittersweet (SLOW UPDATE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon