Kabanata 9

1 1 0
                                    

Zel's POV

"Hindi ka ba naghire ng maghahakot ng gamit mo? Tingnan mo nga to." Sabay turo sa mga gamit na kailangan pang hakutin. At mabibigat pa ang iba rito.

"Sayang pera, kaya naman natin to nuh" kumuha ng box at pinasok sa loob.

Wala na talaga akong magawa sa babaeng to. Ang kuripot ha.

Lumabas na sya ng bahay at naghakot ulit. "Kaysa sa magreklamo ka dyan, maghakot ka na lang para matapos tayo"

"Sasahuran mo ba ko nito. Pagod na ko eh" sabay hawak saking bewang. Hay ang sakit na ng katawan ko.

"Ililibre kita mamaya, don't worry" and wink at me.

"Do you need help ba tita Zel?" Tanong ni Wil galing sa paglalaro ng phone ni Sofia.

"It's okay Wil, kaya na namin to. Go on what you are doing" at nginitian ko ang bata.

Nakita kong bumalik sa labas si Sofia. "Mabuti pa ang bata concern sakin. Magtawag na lang tayo jan ng pwedeng maghakot nito", tinuro ang malaking box, "at heto hindi natin to kakayanin sobrang laki at bigat nito". Pinunsan ko ang pawis na tumutulo saking noo. "See, pawis na pawis na ko"

Tiningnan nya ko at nagsalita, "okay fine. Sino naman ang kukunin nating tutulong sa paghahakot, aber." She crossed her arms into her breast at nakataas pa ang isang kilay.

Nagtinginan lamang kami ni Sofia ng biglang narinig ko ang boses ni Renz sa likod. "Do you need help ladies?" Nakangisi pa ang mokong.

Tumingala ako sa kanya. Hanggang dibdib nya lang lamang ako. Nagmukha pa kong pandak sa taas nya.

"Tito Renz" sumigaw si Wil at napatingin kami sa kanya.

"Hey kiddo" at kinarga ang bata.

Hindi ako nagpatinag sa nararamdaman ko. "Actually we don't need a help" mataray kong sabi.

"I hear you na pagod kana and you want some help. And looking those boxes, i don't think you can make it".

"Yes tita Zel, tito Renz is correct. Kanina ka pa po nagrereklamo"

"Wil control your mouth, pang matanda lang tong usapan" putol ni Sofia kay Wil.

"Come here, get inside of the house" at binaba ni Renz si Wil mula sa pagka karga. But Wil look back at Renz with a sad face.

"It's okay kiddo, get inside" at nginitian ang bata.

Kasama ni Wil si Sofia na pumasok sa loob ng bahay kaya natira kaming dalawa ni Renz sa labas.

Lumukob ang katahimikan pagitan sa aming dalawa. Nabasag lamang iyon ng magsalita sya.

"You want to carry that big box? If you want to carry that, I can carry the small one" sabay halakhak.

"Namimilosopo ka ba? Gusto mo kong tulungan pero yung maliit na box ang hahakutin mo?" Sinamaan ko sya ng tingin. "Gago ka rin" babatukan ko na sana sya ng biglang nagsalita ang mokong.

"Watch your words miss" at hinalika nya ko sa labi.

Tinulak ko sya kasi baka may makakita samin dito.

"Watch your moves rin! Wala kang karapatan na halikan ako!" pagalit kong sabi.

"Karapatan? Why are you married or even have a boyfriend?" While slowly leaning on me.

"Ano ba umatras ka nga" tinulak ko sya.

"You're so cute baby. Look at you, you're blushing" at kinurot na pa ang pisngi ko. Aba nakakachamba na to ha.

FINDING SERIES: Be Part of Me....... On GoingWhere stories live. Discover now