Kabanata 6

1 2 1
                                    


I was in the middle of cooking nang may narinig akong pumasok sa loob ng bahay, wala naman kaming ineexpect na bibisita but i guess siguro mga ka isusyo ni daddy sa work nya.

Hinayaan ko na lang ang ingay na narinig ko sa labas ng kitchen at pinagpatuloy ang pagluluto.

Naka rinig ako ng yapak sa aking likod, pumasok pala si Manang Fely, ang matagal na naming maid at sya na rin ang nag-alaga sakin nung panahon na parang ayaw ko nang mabuhay.

"Iha, ako na ang tatapos nyan." Gustong agawin ang aking niluluto.

"Manang, ako na. Madali na tong matapos at ngayon na nga lang po ako nakapagluto dito sa bahay." Sabi ko habang hinihinaan ang apoy.

"Oh sya na, ireready ko na lang ang hapag kainan. At tulungan kita sa paglabas ng pagkain mamaya ha, wag matigas ang ulo." Paalala nya sakin.

"Opo manang fely" natatawa kong sabi sa kanya at kinuha ang apron saking bewang.

Naglalapag ako ng pagkain sa mesa and suddenly I notice na may isang plato na sobra. Agad ko namang tinanong si Aling Fely.

"Aling Fely, bakit may sobrang plato?" Hindi naman kasi bago na magkakaroon ng bisita dito sa bahay pero first time ata tong may kakain na hindi ko kilala sa hapag.

"Ay oo nga pala hindi ko nasabi sa iyo, may bisita ang daddy mo siguro close yun sa daddy mo. Ang daddy mo pa kaya nagsabi na dito sya kakain kaya may pa sobrang plato." Sagot ni aling fely habang inaayos ang hapag kainan.

Nagpatuloy na lang ako sa pagtulong sa pag ayos ng kakainin. Napatingin ako sa itaas kung saan nakita ko nang lumabas si daddy at ang kanyang bisitang kakain sa bahay.

Hindi ko pa naaninag ang kanyang mukha pero ang hubog ng kanyang katawan, kung gaano sya kataas at ang tinig nyang hindi ko malilimutan na syang bumuo at nagwasak sa aking pagkatao. Hinding hindi ko iyon malilimutan.

Gusto kong magtago kung saan kahit sa cr, sa loob ng ref o kahit sa ilalim ng lababo. Oo tama sa ilalim ng lababo nalang. Hindi ako dun makikita kahit hanapin ako ni daddy. Di naman pwede sa kwarto ko dahil magkatabi lang ang kwarto ko at kung saan sila nag uusap.

Bwesit na buhay, kung saan ko naman kinalilimutan ko na sya doon pa sya magpapakita.

Nang nakita ko na silang pababa na sa hagdan ay dali dali akong tumakbo sa kusina at nagtago sa ilalim ng lababo. Mabuti na lang talaga hindi ako kalakihan o mataas na babae. I can always fit anywhere.

Naisara ko na ang maliit na pintuan ng lababo pero naririnig ko pa rin ang usapan nila. Naririnig ko ang halakhak ng tao sa labas nang biglang nagtanong si daddy.

"Manang nasaan si Amelia?" Dinig kong tanong ni daddy kay manang fely.

"Ay andito po yun kanina sir, sandali lang po hanapin ko lang." Tugon ni manang fely kay daddy.

Nagtagal ako sa ilalim ng lababo at medyo mainit na rin. "Shit ano ba tong napasukan ko." Untag ko sa sarili.

Medyo binuksan ko ang pintuan ng lababo para may pumasok na hangin kahit kaunti, sobrang init pa naman. At saka yung sikmura ko tumutunog na rin.

"What are you doing there huh?" Isang baritonong boses ang narinig ko.

Kinabahan ako kaagad dahil sa narinig kong boses. It can't be. Walang nakaka alam na nandito ako. Puteks na buhay naman oh.

"Meow, meow" nagpanggap akong pusa para di malaman na nandito ako sa loob.

"Mag papanggap ka pa bang pusa jan. I know someone's in there." Sabi ng boses habang hinahawakan ang kabinet na gusto nang buksan.

FINDING SERIES: Be Part of Me....... On GoingWhere stories live. Discover now