Kabanata 12

6 0 0
                                    

"Daddy, who's that girl?" Sabay turo sakin. May bahid ng pagtataka ang mukha ng bata sakin. Syempre bago nya lang ko nakilala at nakita.

"She's daddy's client" binaba nya ang bata mula sa pagka pasan.

Lumapit sakin ang bata at hinawakan ang kamay ko. It feels familiar when she touch me. Di ko alam kung anong klaseng pakiramdam ang meron sa pagkahawak nya sakin at bigla kong naalala si Dahlia sa kanya.

"Hello. Are you really my dad's client?" nakangiting tanong sakin ng bata.

Syempre ako parang timang, natulala sa kanya. She's beautiful at manang mana sya kay Renz.

Para sa sagot ko, yumuko ako para makita ang buo nyang mukha and smiled at her "yes I'm your dad's client",

'and your dad's ex love' gusto ko sanang idugtong ngunit bata ito dapat hindi sya madamay kung ano man meron kami ni Renz noon.

Ramdam kong matiim na nakatitig si Renz sakin kaya tumingin din ako sa paanan nya. Nang tumingin ako sa kanya, nag iwas sya agad ng tingin at kinausap ang yaya ng bata.

"Yaya, where is Elle?"

"May pupuntahan lang po daw. Sabi nya po sasamahan ko si Elly papunta dito sa inyo sir. Sorry po sir may bisita po pala kayo"

Hindi ko na pinansin ang usapan nila. At natuon ang atensyon ko sa bata.

"What's your name?" Tanong ko sa bata.

"My name is Ellaine Zen Salazar"

Bakit nasasaktan ako na may ibang bata na gumagamit ng apelyido ni Renz. Gusto ko kasi sa anak ko lang na si Dahlia ang gumagamit nyan.

"Is your daddy is Clarence?"

Gusto kong siguraduhin kung anak ba talaga to ni Renz. Kahit masakit ang katotohanan na may pamilya na syang iba.

Ngumiti ang bata at nakita ko ang dimple nya kabilang pisngi. They're the same.

Bago pa man makasagot ang bata ay nagsalita na si Renz sa likod ko.

"Elly go with your yaya first ha. I'll finish my BUSINESS here". Diniinan nya ang salitang 'business'.

"Okay daddy" at tumakbo papunta sa yaya nya at sabay silang lumabas.

"What do you think your doing kanina?" May bahid ng pagka inis ang tono ng boses nya.

"What do you mean?" Naguguluhan ako sa tanong nya.

"Bakit mo tinanong kay Elly na ako ba talaga ang tatay nya? Do I have to know something?"

Clarence's POV

Sabihin mo na sakin please. Ikwento mo sakin lahat ng nangyari sa anak natin.

Yumuyuko lang sya sa harapan ko. Parang hirap na sagutin ang tanong ko sa kanya.

"Simple lang naman ang tanong ko. Bakit di mo masagot ha?"

"Di mo kasi alam"

'Kaya nga gusto kong ikwento mo sakin'

"Kaya nga kita tinatanong diba. Para malaman ko kung bakit mo tinanong ng ganun si Elly na halata naman na anak....."

Naputol ang sasabihin ko dahil nakita ko syang umiyak at nagsalita.

"May anak tayo at pangalan nya ay Dahlia. Nawala sya sakin noong 1 year old pa lang sya. Di ko kasi matanggap na tinakwil mo kami noon na sinabi ko naman sayo na ikaw ang tatay ng pinagbubuntis ko. Pero ngayon sobrang sakit na malaman na meron kang anak sa iba."

FINDING SERIES: Be Part of Me....... On GoingWhere stories live. Discover now