Kabanata 10

2 0 0
                                    

Zel's POV

Maaga akong nagising. Di ko na natapos ang pagtulong ko kay Sofia sa paghahakot ng mga gamit nya kahapon. Kahit nga sa pagtulog ko biglaan siguro dahil yun sa kakaiyak ko.

Naimulat ko na ang aking mata pero di pa ko bumabangon at nakatulala lang ako sa kisame ng aking kwarto.

"I should stop crying and making drama for myself. Let this day start with the good vibes" untag ko sa sarili.

Pagkatapos ng ilang segundo, hinawi ko ang kumot at inunat ang aking katawan. "Aaaahhhhh!" Sumigaw ako.

May nagbukas ng pinto at nakita ko ang nag aalalang mukha ni kuya. "What happen?"

Nakangisi lang ako, "nothing kuya" at kinagat ang aking kuko.

"Akala ko kung ano na ang nangyari sayo. Okay go downstairs, kakain na"

Napalakas siguro yung sigaw ko. Gusto ko lang naman ilabas yung bad vibes.

Tatayo na sana ako nang marinig ko ang phone ko na tumunog. I saw a unregistered number. "Sino kaya to?" Habang binubuksan ang message.

Unknown: Our meeting will be at Salazar Architectural Firm. 8 am. Don't be late.

Napatigil ako sandali. "What the...." Muntik na kong magsabi ng bad words.

Si Renz ba to? Paano nya nakuha number ko?

Tumingin ako sa wall clock na nandito saking kwarto. Napatapon ako ng phone saking kama at dali daling kinuha ang aking tuwalya. Shit ano ba naman to 7 am na.

Pagdating sa CR ay napaigik ako sa sakit ng balakang ko. "Aray! Owww. Shit ang sakit" napakapit ako sa iniduro at dahan dahang tumayo. Nadulas ako sa basang sahig ng CR.

Sa sobrang sakit ng balakang ko parang hinambalusan ako ng kahoy. Di ko na lang ininda ang sakit kasi baka malate ako sa meeting namin at saka di ko pa alam ang Building na tinutukoy nya.

Patakbo akong pumasok sa closet ko at kumuha casual attire. Long puff sleeves ang top ko at high waist na pants na color black at saka stilettos para formal tingnan. Inilugay ko ang aking hanggang bewang na buhok na wavy. I keep it that waay kasi wala na kong time para mag ayus pa. I wore a simple make up, hindi naman party ang pupuntahan it's just a simple meeting and excuse me, si Renz lang sya.

Napatigil ako sa ginagawa ko at napatingin sa salamin na nasa 'king harapan. "Yeah right. Si Renz lang naman yun bakit nagmamadali ako. Bahala sya kung maghintay sya sakin. Ano nya ko robot na pwede nyang sabihan na kung anong oras dadating, dadating agad? Hell no."

Tumingin ako ulit sa wall clock at 7:30 na. Bahala sya. Edi maghintay sya, ako naman ang client nya. So let's see whose the boss.

Kinuha ko ang aking LV na bag at lumabas na ng kwarto. Pababa na ko ng hagdan and same scenario ang nadatnan ko sa hapag kainan, si dad, kuya and Wil na kumakain.

"Kuya where's Sofia?" Tanong ko kay kuya at inilapag ang aking bag sa katabi kong upuan.

"Tulog mantika pa siguro sa bahay nya. Napagod siguro sa ginawa namin kahapon." Sabi ni kuya habang ang atensyon nya ay sa pagkain.

Nagulat ako sa sinabi nya. I don't want to think dirty or whatsoever pero hindi ko mapigilan. Napansin siguro ni kuya ang pananahimik ko kahit si daddy nagulat at napatigil sa pagkain dahil sa di maintindihan ang sinabi ni kuya na 'may ginawa sila kahapon kaya napagod si Sofia'.

"Wait, why are you not eating at bakit parang nakakita kayo ng multo dad, Zel. Don't tell me...."

Si daddy na ang nagsalita, "ano ang ginawa nyo ni Sofia kahapon at napagod sya?" mapanga hulugan na tanong ni daddy.

FINDING SERIES: Be Part of Me....... On GoingWhere stories live. Discover now