Prologue

14 5 2
                                    

Nagulat si Zel nang bigla tinawag sya ng kanyang anak.

"Mommy, mommy, mik mik pleash"
Sabi ni Dahlia na hindi makapag sabi ng diretso.

"Gutom na pala ang baby ko, wait kay  mommy ha, i will make a milk, stay there okay?" sabi ni Zel sa anak. Wala kasing trabaho si Zel kaya pinasyal nya ang anak  sa park kahit ngayon araw lang makapag bonding sila, parati kasi siyang busy sa work nya at ang bestfriend nya na si Sofi ang nagbabantay sa anak pagwala sya.

"Yesh mommy, i will" sabi ng anak habang nakangiti sa ina.

"Hmmm yum yum mommy".

Habang umiinom ng gatas ang anak nya, nagligpit na si Zel ng gamit nila para uuwi na pero nabigla syang wala na ang anak nya. Palinga linga sya at tinawag ang pangalan ng anak. "Dahlia, anak asan ka?" mangiyak ngiyak na hinahanap ni Zel ang anak nya pero di nya mahanap.

Nagtanong tanong sya sa mga tao sa paligid. "Manong, nakita nyo po ba yung anak ko? Maputi, light brown ang mata at naka suot ng dress na color pink."

"Pasensya na hindi ko po nakita" sabat naman ng lalaki.

Patuloy pa rin sa paghahanap si Zel sa kanyang anak. Hanggang inabot na sya ng hapon hindi nya pa rin nakita ang pinaka mamahal na anak.

"Diyos ko po, sana walang masamang nangyari saking anak, ayaw ko na pong mawala sya sa buhay ko, nawala na po ang ama nya sa'min, please po." bulong nya sa sarili habang nakatingala sa kalangitan. Ilang minuto may tumawag kay Zel at nung tinignan nya, si Sofi ang bestfriend nya ang tumatawag.

"Zel nasaan ka kanina pa ko tumatawag?" tanong ni Sofi sa kabilang linya.

"Sof andito ako ngayon sa labas" habang umiiyak, "nawawala kasi si Dahlia, di ko na alam ang gagawin ko, tulungan mo ko sof, please."

"Susmeyo marimar Zel! Si Dahlia nawawala?! jusko sige puntahan kita jan, saan ka ba?" tanong ni sof, habang nag aalala at nabigla sa sinabi ni Zel.

"Andito ako sa park, ayaw kong umalis dito baka bumalik ang anak ko" sabat ni Zel.

"wag na wag ka talagang aalis jan, antayin mo ko" at natapos ang usapan nila sa telepono.

Pagkatapos ng ilang minuto na pag aantay ni Zel kay Sofi ay dumating din sa wakas ang kaibigan. Agad agad namang dinamayan ni Sofi ang kaibigan nang makita na umiiyak ito.

"Uy Zel tahan na, andito na ko, sasamahan kita hanapin si Dahlia, baka nanjan lang yan sa gilid gilid. Tahan ka na" alo ni Sofi.

"Sof kanina ko pa sya hinahanap, di ko pa rin makita, nawawala na talaga sya at natatakot ako na baka sya rin mawala na sakin" unti unting humagulgul si Zel.

"sssshhhh tahan na, nareport mo na ba sa police? Baka nag emote ka lang jan, di mo pa nireport" tanong ni Sofi.

"Hindi pa"

"Susmeyo po, yan kasi iniyak mo ng iniyak dapat nag isip ka muna ng paraan kung paano mo hanapin ang anak mo".

"Sorry na Sof, nalilito na kasi ako".

"Oh sya kaysa masermonan kita, pumunta na tayo sa police kahit papaano mareport na natin"

Sinamahan ni Sofi ang matalik na kaibigan na parang kapatid nya na dahil noon pa man, ito na ang kasama nya noong college sila, kakampi sa tuwing may nag aaway sa kanya noon, at nag alaga sa kanya nung nabuntis sya hanggang sa nanganak. Kaya kahit nasesermonan sya nito, malaki ang pasalamat at utang na loob nya dahil may tinuturing pa syang pamilya tulad ni Sofi kahit hindi nya kadugo. Kaya labis ang kanyang pagkalungkot ng mawala ang kanyang anak dahil sa tingin nya hindi sya responsableng ina kay Dahlia.

Hindi nya namalayan na naka abot na pala sila sa police station dahil sa kakaisip sa problema nya ngayon.

"Zel, tinatanong ka ni mamang police, ano daw yung suot ni Dahlia ngayong araw?"

Bigla syang bumalik sa reyalidad ng dahil sa pagtanong ng matalik na kaibigan.

"Naka color pink po sya na dress at naka sandal rin po na pink"

"Ano po ang physical features nya mrs.?" tanong ng police.

"Maputi, light brown ang mata at saka mataas ang ilong".

"May picture po ba kayo nga anak nyo?" dagdag ng pulis.

"Eto po, please po hanapin nyo po ang anak ko. Gawin nyo po ang lahat, makita nyo lang sya."

"Gagawin namin mrs, pero for now, antayin muna natin mag 24 hrs, para kumpirmahin na nawawala po yung anak nyo."

"Sandali lang, 24 hrs? ilang oras pa ang aantayin ko ha. Gusto ko ng makita ang anak ko, parang awa nyo na, kung ayaw nyo ako na lang! Mga walang silbi!" pasigaw na sabi ni Zel.

"Sandali, hindi pa po ako mrs, ms lang wala po akong asawa!" dagdag pa nya.

Hanggang sa nakalabas na sila sa police station at parang wala na syang ganang maglakad.

"Zel ipagdasal natin na makikita nila agad si Dahlia, alam ko naman na gagawin din ng police ang trabaho nila"

"Di ko kaya kapag wala yung anak ko Sof, sya na lang at ikaw ang pamilya na meron ako."

"Wag kang mag aalala sa awa ng Diyos makikita natin ang anak mo."

Sana nga makita nya ang anak nya. Sana kung nandito ka lang love hindi mawawala ang anak natin kasi sigurado ako na magiging sya kasama ka. Bulong nya sa sarili nya habang pinapakalma ang sarili.

AN: first story ko po ito sana po suportahan nyo po ako dito sa wattpad. You can ask and suggest for some names and for the next series of this. Let's help each other po.

Ig: faye_ryy
Fb: Ariel Faye Panes Pagulong
       Ariel Faye Pagulong

FINDING SERIES: Be Part of Me....... On GoingWhere stories live. Discover now