Kabanata 7

0 1 0
                                    


Natapos ang kainan na wala nang imik. Dumiretso ako sa kusina para tulungan si manang Fely sa hugasin.

"Iha, ako na lang dito. Ikaw na kanina ang nagluto, ako naman ang maghugas" pilit ni manang fely inaagaw ang mga plato.

"Manang gusto kong tumulong sayo" gusto ko ring malayo sa lalaking yun.

Nasa kalagitnaan na ko ng panghuhugas ng biglang pumasok si kuya sa kusina, "Zel can we talk?" Nakapamulsa nyang sabi.

"Yes kuya" kinuha ang apron sa aking katawan at saka naghugas ng kamay.

Pumunta kami sa likod bahay kung saan naroon ang swimming pool. Humarap si kuya sakin at nakita ko ang pag aalala nyang mukha.

"Kuya are you okay?"

"I should asked you that, are you okay?" Pabalik nyang tanong.

Nginitian ko si kuya para mawala ang pag aalala sa mukha nya. "Yes kuya, I'm okay. I'm strong kaya"

Ngumiti na rin si kuya dahil nakangiti ako. "But are you comfortable na nakita mo sya ulit I mean baka masaktan ka ulit"

"Kakayanin ko kuya, this is just a business thing wala na tong personalan"

"That's why I'm always proud of you, lahat pinapagaan mo. You are already improved" at pinisil ang aking pisngi.

"Kuya naman eh, I'm 23 na so kailangan maging mature na ko sa mga nangyayari."

"Okay but tell me kung may problem ha" habang hinahawakan ang aking balikat. At tumango na lang din ako.

Maya't maya lumabas na rin ng bahay si Sofia. "Nandito ka lang palang bruha ka" Hindi nya tinitingnan si kuya.

"Wait may napapansin ako sa inyo, nag away ba kayo?" Sumama ang tingin ni Sofia kay kuya Alex.

"Ang suplada kasi tong bestfriend mo" sabay tingin ng masama kay Sofia.

"Ay nagsabi ang hindi suplado, akala mo kung sino tama palagi eh tipaklong naman" sabay irap kay kuya.

"Fine!" And kuya walk out.

"What the hell, nilayas ako ng tipaklong na yun" inis na sabi ni Sofia.

"Ano bang nangyari sa inyo ni kuya? Parang okay naman kayobsa unang kita nyo ah"

"Ewan ko sa kuya mo. Hayaan mo na lang muna sya. By the way" pang iiba nya ng topic, "paanong nandito ang lokong yun I mean si Clarence?" Pabulong nyang tanong.

"Diba sinabi na ni daddy, na sya ang architect na gagawa ng hotel"

"So you're working with him na?"

"Ano pa bang magagawa ko, nandyan na sya eh. Edi I accept sya bilang architect. At saka business lang naman to, i will set aside what we have in the past." Pinalidad kong sabi.

"Wow, mukhang defensive ang sagot natin. Pero kapag may mali syang ginawa sayo or sinaktan ka nya ulit sabihin mo sakin ha sasapakin ko yan."

"That's why we became bestfriends eh, you always there for me" nakangiti kong sabi sa kanya pero mukhang maluluha ata ako.

"Ay bruha, wag kang drama queen jan. Ayaw ko ng iyakan. Basta be strong ha. Hahanapin pa natin ang anak mo. Sige alis muna ako baka hinahanap na ko ni Wil at maging monster ang kuya mo" tumalikod at umalis si Sofia.

Sofia talaga, parang may sapi talaga tong babae. But thankful that i have those people in my life. Diyos ko po sana gabayan mo ko sa haharapin ko ngayon lalo na bumalik na naman sya sa buhay ko. Sana hindi na bumigay ang puso ko, ayaw ko nang mawasak to.

FINDING SERIES: Be Part of Me....... On GoingWhere stories live. Discover now