Kabanata 2

9 3 0
                                    


Nagising ako sa tunog ng aking alarm, at yes nag aalarm pa ako. Parati kasi akong late sa opisina and of course dapat hindi iyon ugali ng isang CEO.

Pagkabangon ko, naligo ako, nagbihis ng corporate attire, nagblower ng buhok at naglagay ng light na make up. Yan ang routine ko araw araw.

Ang plano ko ngayon ay sa office na ko mag uumagahan para makaabot ako sa interview na gaganapin para sa aking hotel na itatayo. Pababa pa lang ng hagdan ng nakita ko si daddy na nag aalmusal.

"Amelia, hindi ka ba mag aalmusal?" tanong nya sakin habang kumakain.

"Dad sa office na lang po ako mag aalmusal, I 'm in a hurry na po kasi."

"You better be in a hurry para sa company, pag iba ang inatupag mo, alam mo na Amelia." dugtong nya habang hindi tumitingin sa'kin.

Hindi ko na sya sinagot pa. Alam kong mag aaway lang kami at ayaw ko ng lumala pa ang sitwasyon namin ng daddy ko.

Pagdating ko sa building, agad akong binati ng guard at naglakad papasok sa elevator. Sa 40th floor pa kasi ang opisina ko.

Pagkabukas agad ng elevator ay si Fatima na agad ang bumungad sakin.

"Ma'am the panel are ready and the applicants are here na rin po. Kayo na lang po ang hininhintay."

"Okay sabihin mo nandito na ko" utos ko kay Fatima.

Of course, CEO ako, pa VIP rin. Ako lang din naman ang nag utos na mag interview ng mga architect kahit di naman kailangan para hindi na ko magsayang sa mga architect na walang kwenta ang designs na pinapakita sakin.

As I enter the room, maraming mata na rin ang tumingin sakin.

"okay let's start", utos ko.

Mahigit isang oras na ko dito pero wala pa rin akong makitang architect na babagay sa taste ko. Syempre gusto ko yung pang high class para sa hotel ko.

"Miss A", pagkuha ng atensyon ko ng isang board director.

Yes, miss A ang tawag nila sakin, short for Amelia.

"Yes, Mr. Santiago? Do we have a problem?" sabay tingin sa kanya.

"We don't have a problem but can we choose na lang for architect, kasi hanggang ngayon wala ka pang napipili and we are here more than an hour." suhestiyon nya.

"Tama naman sya Miss A, we don't have to find a perfect architect, parehas lang yan sila. Kung may gusto ka talagang design para sa hotel mo, you can describe and ask it to them o kung sino mang architect ang mapili mo. I know bihasa naman sila pagdating sa design. Di mo lang binibigyan ng chance." sabat sa usapan ni Mr. Tan.

Pinapakinggan ko ang mga suggestion nila sakin at nalaman ko namang tama sila. Those architects can have or ask what design i want. Bat pa ko nagpapagod kakainterview sa kanila.

"I made my decision, you two suggest that i don't need to continue this interview so I agree to that but you will recommend me a best architect that you know." sabay tingin sa kanilang dalawa.

Sina Mr. Santiago at Mr. Tan ang mga taong mapagkatiwalaan ng dad ko sa kompanya nya, noon hanggang ngayon ay sila pa rin ang pinagkakatiwalaan ni dad so do I. Mahirap na ngayong magtiwala lalong na ngayong panahon. My trust doesn't go anywhere and with anyone, mahirap masaktan at mawalan tiwala sa isang tao. Kaya sinisigurado ko na parating tamang tao ang paligid ko in short trusted people.

I discontinue the interview at I gave the task to Fatima to find a good architect. Kahit hindi na best basta maibigay ang design na gusto ko para sa hotel na itatayo.

Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay nagmukmuk nanaman ako sa paper works, kaliwa't kanan ang mga papeles na kinakailangang pirmahan. Kapagod talaga pero kailangan ko tong gawin kung nandito lang talaga ang kuya, sure sya ang nandito at ang aasikasuhin ko na lang ay ang akin.

Si Kuya Axel dapat ang nandito dahil sya talaga ang tagapagmana ng kompanya ng dad. Pero dad force kuya na ibigay muna ang responsibilidad na to sakin to punish me. Dahil takot ako kay dad, sinunod ko ang gusto nya.

I take a break from paper works and call kuya. Isang ring pa lang at sinagot na ni kuya ang tawag.

"Kuya", matamlay kung panimula.

"Oh little sis, mukhang pagod ka", sabay tawa sa kabilang linya.

"Shocks kuya, stop calling me little sis because i'm not little and i'm a woman na, and to answer, yes i take a break from paper works so pagod ako." sabay buntong hininga.

Biglang nalungkot ang boses ni kuya Axel sa kabilang linya. "Ako dapat ang nandyan Zel, pero si dad kasi, i can manage the company at matagal na rin nung nangyari na hindi natin gusto."

"It's okay kuya i deserve siguro, kasi kung hindi ko lang sya naiwala", nagsimula na akong humikbi.

"sssshhhh don't cry, soon uuwi ako, kakausapin ko si dad na tama na, you already have your punishment and its done, okay", seryosong sambit ni kuya.

Natapos ang tawag ko sa kanya at naalala ko nanaman ang nangyari noon. Kung pwede ko lang maibalik ang nakaraan, binalikan ko na sana. Kung di ako naging pabayang ina, hindi ko sya mawawala. Sana kasama ko pa rin sya. Sana sa pag uwi may sumasalubong sakin at sana may tumatawag saking mommy.

Mangiyak ngiyak kung inisip iyon ng biglang may kumatok at nagpabalik ako sa tamang huwisyo.

"Ma'am, hindi pa po ba kayo uuwi?" tanong ni Fatima habang nakasilip ang ulo sa pintuan.

Tinignan ko ang aking pambisig na relo at hindi ko namalayan na pakagabi na.

"Mauna kana Fatima, aayusin ko na lang tong mga papeles at saka ako uuwi." sagot ko sa tanong niya.

Pagkatapos ng ilang minuto ay natapos ko na rin ang mga gawain sa araw na to. Paniguradong may bago naman bukas. Hinimas himas ko ang aking batok dahil sa pagod at napag desisyunan na umuwi. Pagod pero kakayanin ko to.

FINDING SERIES: Be Part of Me....... On GoingWhere stories live. Discover now