Liandra's POV
"Liandra!" Nakarinig ako ng boses galing sa malayo. I don't know what it is, pero pag naririnig ko yung boses niya, hindi ako mapakali.
"Liandra!" Pagtawag ulit.
"Sino ka?!" Sigaw ko.
"Liandra!"
"Sino ka?! Magpakita ka please!"
Nagising ako at ang sakit talaga ng ulo ko. Nasobrahan ako ng pag inom ah.
Pero teka! Paano ako nakauwi?! Tsaka sinong nagpalit ng mga damit ko?! Jusko! Virgin pa ba ako?!
Chineck ko yung sarili ko at okay naman ang lahat. Virgin pa rin as usual! Hahaha!
Tumawag agad si Claude sa phone at agad ko itong sinagot.
"Oh?"
"Ang kulit mo talaga kahit kailan!" Inis na sambit niya.
"Huh? Bakit?"
"Diba sinabi ko sayo na mag hinay ka sa pag inom?!" Panermon niya.
"Sorry na. Pero sino bang nagpauwi saakin dito?" Tanong ko na may halong pagtataka.
"Basta sa susunod, maghinay ka sa pag inom. Hahampasin kita sa mukha!" Sambit niya bago i-end yung call.
Napaisip ako kung sino yung naghatid saakin, tas bigla kong naalala.
"Khalid nga pala."
S**t! Si Khalid yung naghatid saakin!
A few hours later
Naglalakad na ako palapit sa may Pizza Hut nang makita ko si Khalid na nakatayo at nakatingin saakin.
"Khalid!"
"Oh, Liandra."
"Anong ginawa mo saakin?!" Tanong ko na may halong inis. Alam ko naman na lasing ako nung hinatid niya ako pauwi eh.
"Wa-wala! Hinatid lang kita pauwi! Lasing ka nun eh!" Pagpaliwanag niya.
"Eh paano ako nakapalit ng damit?! Ginahasa mo ako?! Nakita mo ba ang katawan ko?! Ang bastos mong lalaki ka!" Inis na sambit ko.
"Pinalit ko damit mo, oo! Pero hindi ko namang intensyon na bastusin ka ng ganyan eh! Okay, sorry kung ako nagpalit ng damit mo. Alangan naman na suotin mo pa yang damit mo na puro suka!" Pagpaliwanag niya na ikinalaki ng mata ko.
So which means, hindi talaga intensyon ni Khalid na bastusin ako. Ang shunga mo Liandra!
"Ga-ganun ba??"
"Ang problema kasi sayo, pag lalaki ang naghatid sayo ng pauwi, babastusin ka na lang ng ganyan."
"Sorry na!" Sambit ko na ikinatahimik namin.
Pero nacu curious ako...
"Maganda ba yung katawan ko sa paningin niya?" Bulong ko sa sarili ko.
"Huh?" S**t! Narinig niya ba yung sinabi ko?!
"Wala! Magtha thank you lang ako sayo." Sambit ko na nakangiti. Bwisit ka Liandra!
Khalid's POV
Hindi pa rin ako maka get over sa nangyari. Just why the hell would Liandra do that?
But honestly, there's something about her that makes me kinda curious.
I know I didn't expect her to do that... I don't wanna talk about it!
Anyways, I'm still here lying down at my bed. Thinking about that dream that keeps on being here in my mind.
I'm wondering who really is that girl.
Suddenly, I received a chat from someone. Chineck ko siya at nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.
Liandra: Khalid, pwede ba tayong magkita?
Oh s**t! I knew she would kill me.
A few hours later
Andito ako sa Pizza Hut at sa di inaasahang pangyayari, dumating si Mindy at naglalakad siya palapit saakin.
"Khalid..."
"Mindy, what the hell are you doing here?"
"Khalid, alam kong galit ka saakin. Pero gusto ko sanang mag sorry."
"Sorry?! Ganun ganun lang?! Sa pagkakaalam ko, pag nagso sorry ka lang sa mga bagay na hindi mo sinasadya. Pero anong ginawa mo?! You cheated on me for five f******g times!" Pag real talk ko sakanya na ikinabagsak ng mga luha niya.
"Tsaka kung wala kang matinong sasabihin, umalis ka na please." Sambit ko bago maglakad palayo sakanya.
Habang naglalakad, napatameme na lang ako nung nakita ko si Liandra.
Damn it! Bigla ko na lang naalala yung nalasing siya.
"Khalid!"
"Oh, Liandra."
"Anong ginawa mo saakin?!" Tanong niya na pagalit. Ewan ko lang, pero pag binanggit niya yan, kinakabahan talaga ako.
"Wa-wala! Hinatid lang kita pauwi! Lasing ka na nun eh!" Pagpaliwanag ko.
"Eh paano ako nakapalit ng damit?! Ginahasa mo ako?! Nakita mo katawan ko?! Ang bastos mong lalaki ka!"
"Pinalit ko damit mo, oo! Pero hindi ko namang intensyon na bastusin ka ng ganyan eh! Okay, sorry kung ako nagpalit ng damit mo. Alangan naman na suotin mo pa yang damit mo na puro suka!" Sambit ko na ikinalaki ng mata niya.
"Ga-ganun ba??"
"Ang problema kasi sayo, pag lalaki ang naghatid sayo ng pauwi, babastusin ka na lang ng ganyan."
"Sorry na!" Sambit niya bigla na ikinatahimik naming dalawa.
"Maganda ba katawan ko sa paningin niya?" Bulong niya sa sarili niya na ikinalaki ng mata ko.
"Huh?"
"Wala! Magtha thank you lang ako sayo." Sambit niya na nakangiti.
"Malala ka nga umungol eh." Bulong ko sa sarili ko.
"Ano?!"
"Wala yun! Basta sa susunod, wag ka nang magpakalasing! Baka hindi ka pa makauwi at baka hindi rin kita mahatid pauwi." Panermon ko sakanya.
"Oo na boss! Pero thank you ha?"
"Wala yun. Siya nga pala, gusto mong kumain? Libre ko."
"Wag na! Nakakahiya naman eh!"
"I insist! Libre ko na to, and maghanap tayo ng restaurant na pwede nating kainin." Well, wala naman siyang choice kundi tanggapin. Nagpilit pa ako eh.
A few minutes later
Nakaabot kami sa McDonald's at nagsimula na akong mag order. Kinuha ko yung number ng table kung saan yung waiter ang maglalapag ng order namin.
Pero napapansin ko si Liandra na nakatingin sa malayo at nagpipigil ng pag iyak.
Agad akong lumapit at umupo sa upuan na kaharap siya.
"Sino yun?" Tanong ko sakanya, pero hindi pa rin siya sumasagot.
Tumingin ako sa direksyon niya at may tinitignan siyang lalaki.
"Ex mo?" Tanong ko na ikinatango niya lang.
"Hayaan mo na, I'm sure hindi siya yung lalaki para sayo. Diba linoko ka rin niya ng limang beses? I know you deserve someone better than that jerk." Sambit ko na ikina-ngiti niya lang.
"Salamat Khalid. Sana makahanap ka rin ng taong magmamahal sayo ng tunay." Sabi niya habang nakangiti.
Ewan ko lang, pero nung sinabi niya yan parang may nararamdaman akong kakaiba.
There really is something about her.
BINABASA MO ANG
Panaginip
FanfictionHanggang kailan pa ba ako mananaginip na may magmamahal sa akin ng seryoso? Gusto ko lang naman may magmahal saakin ng totoo. Yung walang halong biro.