Khalid's POV
Habang naglalakad kami ni Jax at Liandra papunta sa barangay, pinaupo na kami ng guard sa upuan at kinausap yung isa sa mga officers.
"Liandra. Lumabas ka muna please." Utos ko na ikinasunod niya.
"Sir Edgar! Nahuli po namin tong dalawang to na nakikipag suntukan." Sambit ng guard.
Edgar?! Yung guidance counselor namin ni Edwin at Paul dati sa school?!
P**a! Bakit sa dami daming barangay officer na pwede namin makausap, yung talk s**t pa naming guidance counselor yung kailangan naming makausap?!
"Uy! Khalid Clarkson! Yung numero unong adik sa school!" Sambit niya na ikinairap ko.
He hasn't changed. Still the same toxic person I met.
"Gusto ko lang tanungin kung bakit kayo nakipagsuntukan?! Ano kayo mga adik?!"
"Sir, ganito po kasi. Aalis na dapat po ako kasama yung girlfriend ko, kaso po etong lalaking to, hinarangan yung kotse ko at pinilit niya akong ibaba. Nakipag usap ako ng maayos na lumayo na siya sa girlfriend ko, pero hindi pa rin ito nakinig at balak pa niyang palabasin yung girlfriend ko, kaya dun na po ako nag init." Pagkwento ko.
"Sir! Hindi po yan totoo! Naglalakad ako pauwi, tas muntikan pa akong masagasaan dahil sa lokong yan! Tas siya pa yung malakas ang loob na suntukin yang pagmumukha ko!" Pagkwento ni Jax na nagsisinungaling.
"Hindi lang kita susuntukin kung hindi ka nagpapansin! Tsaka wag ka ngang pa victim! Ikaw naman nagsimula ng gulo eh!" Inis na sambit ko.
"Kahit sino man may kasalanan sainyo, dapat nakipag usap kayo ng maayos! Tsaka Khalid, majority ng mga suntukan, laging ikaw yung naririnig ko sa balita! Napaka adik mo Khalid!" Sambit ni Edgar na ikinakuyom ng kamay ko.
"Siya po talaga may kasalanan nun sir!"
"At diyan ka nagkakamali!" Pagsulpot ni Mindy na kasama si Liandra.
"Mindy! Anong ginagawa mo dito?!" Tanong ni Jax.
"Tigil tigilan mo yang pagsi sinungaling mo! Ikaw talaga may kasalanan nun Jax!" Inis na sambit ni Liandra.
"Babe..."
"Tigilan mo yung pagtawag sakanya ng babe! Kung ano yung akin, akin dapat!" Inis na sambit ko.
"Sir! Eto po yung nagsimula ng gulo! Kitang kita ko yan sa dalawa kong mga mata! Aalis na po dapat kami ni Khalid, kaso hinarangan niya yung daan namin ni Khalid at doon na po sila nag kainitan." Pagkwento ni Liandra.
"Pakisabihan mo nga yang boyfriend mong adik tumigil na siya makipagsuntukan kung kani kanino!"
"Ginawa po yan ni Khalid para protektahan ako! Tsaka diba dapat ikaw yung nakikipag ayos sakanila?! Pero bakit pinapakita mo saamin na kumakampi ka sa masama?! Galit na galit ka ba sakanya kaya mo kinakampihan yung mali?!" Inis na sambit ni Liandra.
"Matagal niya na akong pinag iinitan! Kaya ayokong magsayang ng oras para lang kumampi itong hinayupak na to sa isa pang hinayupak!" Pag real talk ko.
"Wow!! Edi ikaw na magaling!! Officer, hindi mo rinerespeto!"
"Eh ikaw Jax?! Rinespeto mo ba yung relasyon namin kaya ka nagpapapansin saamin?!" Inis na sambit ko.
"At ikaw naman, Edgar! Init na init ka na ba saakin kaya mo kinakampihan yang g***ng yan?! Kung ganun, ayoko nang magsayang ng oras dito!" Inis na sambit ko bago ko hilain si Liandra palabas.
Pagkalabas namin, sumunod si Mindy saamin at yinakap niya si Liandra.
"Don't lose Khalid okay? Pahalagaan niyo yung relasyon niyo." Sambit niya na ikina-ngiti namin.
"Salamat Mindy. Kundi dahil sayo, baka magkakainitan pa kami ni Jax."
"Wala yun Khalid. At siya nga pala, aalis na ako next week. Pupunta na ako sa L.A."
"Mag iingat ka Mindy. Napakabuti mong tao. And I hope na may lalaki kang makikilala na magmamahal sayo ng tunay. At sana natuto ka sa mga pagkakamali mo." Sambit ni Liandra na ikina-ngiti niya.
"Sige, mauuna na ako. Mag ingat din kayo."
"Ikaw rin Mindy." Sambit ko bago siya maglakad palayo saamin.
Napatingin kami ni Liandra sa isa't isa at bumalik na kami sa mall kung saan nakaparada doon ang kotse ko.
Liandra's POV
Pagkabalik namin ni Khalid sa kotse, agad ako nag seatbelt at nginitian ko si Khalid dahil sa ginawa niyang pag protekta saakin.
"Khalid salamat ah."
"Wala yun Liandra. As your boyfriend, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para sigurado ako sa kaligtasan mo."
"As your girlfriend, gagawin ko din lahat ng makakaya ko para pasayahin ka. I'll always be there through good and bad times." Sambit ko na ikina-ngiti niya.
"I love you my dream girl."
"I love you too my dream boy."
BINABASA MO ANG
Panaginip
FanfictionHanggang kailan pa ba ako mananaginip na may magmamahal sa akin ng seryoso? Gusto ko lang naman may magmahal saakin ng totoo. Yung walang halong biro.