Chapter 6

181 7 0
                                    

Liandra's POV

Nakakahiya yung ginawa ko kanina!! Jusme!! Nakita pa ni Khalid yung pagiging wild ko kanina!

Alam ko na nagpapanggap lang ako na nakipag s*x sakanya para lumayo si Jax saakin, pero sa tuwing naaalala ko yan, naiirita lang ako lalo sa sarili ko!

"Liandra." Pagkatok ni Khalid sa pintuan ng banyo.

"Ano nanaman gusto mo?!" Tanong ko na may halong inis.

"Kanina ka pa diyan sa banyo! Anong ginagawa mo?" Tanong niya.

"Uhmmm... nagje-jebs!" Pagpalusot ko.

"O siya siya. Magbibihis lang ako ng pantulog." Sambit niya bago lumayo sa pintuan.

Sa totoo lang, kanina pa ako nakatingin sa salamin at pilit kong kalimutan yung ginawa namin ni Khalid.

Paglabas ko sa banyo, nakita ko siya ulit na nakahiga sa kama at ngumiti nang makita ako.

"Success?" Pag asar neto na ikinairap ko lang.

"Liandra. About what happened a while ago, I'm sorry about what I did."

"Ayos lang. Hindi ko naman ginusto na makita siya ulit eh. Pero kung hindi mo ako tinulungan, aabot ata kami sa punto na magka scandalo kami ni Jax." Sambit ko na ikinatango niya lang.

"You know what Liandra, I always wanted to help you move on with your ex. Ever since na nalaman ko na limang beses kang linoko nung g***ng yan, I wanted to help you get over his stupid acts." You know what, Khalid can be really trusted.

Pero nakakainis lang nung nalaman niya yung pagiging wild ko.

"Khalid may tanong lang ako."

"Ano yun?"

"If ever na nalaman mo yung panaginip mo, kakalimutan mo na ba ako?" Tanong ko sakanya na ikinailing niya lang.

"No. Never in my life na makakalimutan kita. You're just to hard to forget." Sambit niya na ikinalaki ng mata ko.

Ramdam ko yung puso ko na kabog ng kabog sa sinabi ni Khalid.

Ewan ko ba kung ano talaga yung nararamdaman ko.

"Liandra, nung nalasing ka, diba sinabi ko na ako nagpalit ng damit mo?"

"Oo. Pero matanong ko lang, maganda ba yung katawan ko?"

"I can't say it if I'm being honest."

"Okay lang Khalid, may tiwala naman ako sayo eh." Sambit ko na ikinabuntong hininga niya lang.

"I must say maganda katawan mo." Sambit niya habang iniiwasan ako ng tingin.

"Bakit ka nahihiya?? Ako lang to no? Eh what more kung girlfriend mo ako?"

"Hindi ka ba nahihiya na pag usapan to, lalo na't lalaki ako?"

"Okay, let's just say na girlfriend mo ako ngayon. O kaya, asawa mo."

"Okay, what really happened that night was just... argh! How do I even explain this!" Sambit ni Khalid na naguguluhan.

"Nase-sexyhan ka saakin?"

"Okay okay! Oo, sexy ka! Ang wild mo nung nalasing ka!" Sigaw ni Khalid na ikinatuwa ko lang.

"Anong nangyari nung nalasing ako?" Tanong ko sakanya.

"You wanna know what happened? Okay let me tell you!" Bakit bang hiyang hiya si Khalid nung nalaman niya yung pagiging wild ko?

Wild lang ako sa salitaan, wag kayo!

"What happened is nung binigay ko yung damit mo, lalabas na sana ako para makapagbihis ka. Pero hinila mo ako pahiga sa kama mo hanggang sa nag kiss tayo." Pagkwento niya na ikinalaki ng mata ko.

Actually, natatawa ako pag kwinekwento ni Khalid yung nangyayari. Hindi siya makatingin ng diretso saakin eh.

"Then..."

"Tinanggal mo yung dress at bra mo sa harapan ko!" Pagkwento niya ulit.

"Ahahahaha!"

"Nakakatawa yon?! Baka nga mawala yung virginity mo kung ibang lalaki yung nagpauwi sayo!" Sambit niya na nag aalala saakin.

"So nakita mo boobs ko?"

"Sa tingin mo hindi ko yan nakita? Pinahawak mo pa nga yan saakin eh!" Ewan ko ba, pero natatawa talaga ako nung nalaman ko yung nangyari saamin ni Khalid nung nalasing ako.

And what's even funny is hindi ako nagagalit sakanya. He really is a respectful man.

Sorry naman kung ganun ako ka wild.

"Tigil tigilan mo kasi yung panonood ng mga explicit na movies! Ayun tuloy! Kung ano ginagawa nila, nagagawa mo rin!" Panermon niya.

"Sorry na Khalid!" Sambit ko habang yinayakap siya.

"Ang cute mo kapag nahihiya ka Khalid. Sana nga lang ikaw na lang boyfriend ko." Sambit ko na ikinalaki ng mata naming dalawa.

"Uhmm... what did you just..."

"Sorry Khalid! Nabigla lang ako sa sinabi ko." Sambit ko bago umiwas ng tingin.

Ano ba tong nararamdaman ko kay Khalid?? Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganyan sa lalaki.

Hayyst!

Nagising ulit ako at may kumakanta sa may gilid.

Heaven

Castle on a hill
Let's build it out of steel
Girl, I know that this love it will last
Let's journey up the road
Ain't gotta take it slow
You know that I don't want no one else

I put my pride aside
I traded this whole life
Just for one night
Just for one night
Yeah

It's like heaven, ooh
Feels like heaven
When I'm with you
It's like heaven, ooh
It feels like heaven
When I'm with you

Ramdam ko yung puso ko na kumakabog ulit at kusa lang ako tumakbo patungo sa boses na yan.

"Liandra..."  Pagtawag niya saakin.

Nagising ako sa panaginip ko at lumingon kung saan saan.

"Liandra?" Pagtawag ni Khalid saakin.

"Khalid! Kanina ka pa gising?" Tanong ko sakanya.

"Nope. Kagigising ko lang."

"Same."

"I'm having this weird dream again." Sambit niya na nagtataka.

"Ano yun Khalid??" Tanong ko.

"I was singing on a stage all alone, I didn't actually care if there's no one watching me. Until a girl came and she's been running towards me." Pagkwento niya na ikinalaki ng mata ko.

"You mean..."

"Yeah, but the weird thing is, ang blurry ng mukha niya."

Does this mean na parehas yung panaginip namin ni Khalid?! Does this mean siya yung lalaking lagi kong napapanaginip?!

Does this mean siya yung lalaking para saakin?!

"Liandra..." Pagtawag niya.

"You had the same dream as mine?" Tanong niya, pero hindi ako makasagot.

"Liandra... so ikaw yung babaeng napapanaginip ko all this time?"

PanaginipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon