Liandra's POV
"Salamat Khalid. Sana makahanap ka rin ng taong magmamahal sayo ng tunay." Pangiting sambit ko.
Iba rin itong si Khalid eh. Hindi lang siya basta basta nanghahaya ng mga taong kailangan ng tulong, kahit alam niya na kailangan din niya ng tulong.
Oo, medyo tinanggap ko na wala na talaga kami ni Jax. Pero dahil kay Khalid, medyo gumaan ang pakiramdam ko sakanya, hindi dahil parehas kami ng pinagdadaanan. Pero binigyan niya pa rin ako ng lakas para dumire diretso sa buhay.
"Ma'am/Sir, here's your order!" Sambit ng waiter bago niya ilapag yung pagkain namin.
"Thank you po." Sambit naming dalawa ni Khalid.
Nang nakaalis na yung waiter, nagsimula na kaming kumain ni Khalid.
"Siya lang ba yung naging ex mo?" Tanong ni Khalid.
"Sino? Si Jax? Oo, siya yung first boyfriend ko." Sagot ko.
"Eh ikaw? Nung linoko ka ng ex mo? Siya lang ba yung naging girlfriend mo?"
"Nope, may iba rin akong ex. Pero yung recent ex ko, sakanya yung may pinakamasakit na breakup ko."
"Kaya pala nung kumanta ka kagabi, nagpipigil ka ng pag iyak."
"Exactly. But the support of my audience made me feel happy. And because of that, I tend to forget about my recent breakups." Sagot niya na nagpipilit ngumiti.
"Kung sakaling makakahanap ka ng panibagong girlfriend, okay lang ba sayo?" Tanong ko ulit.
"Well... as of now, I'm still trying to move on from her. Pero if given the chance, why not?"
"Same." Sambit ko bago ko sinubo yung kinakain kong pagkain.
"Sana nga lang hindi ko lang yan nararamdaman sa panaginip." Sambit niya na ikinalaki ng mata ko.
Wait! Bakit ako nagulat sa sinabi niya? Ano to?? Does this mean parehas kami ng pinapanaginipan ni Khalid?!
Ewan ko ba! Naguguluhan ako!
"Liandra?"
"Sorry. Napaisip lang ako." Sambit ko bago yumuko.
"You know what... you can hang out with me whenever you're available. Libre naman ako for the whole month."
"Sige." Sambit ko na nakangiti.
Lumipas ng kalahating buwan medyo naging masaya yung samahan namin ni Khalid. Dun ko na rin nakilala yung mga kaibigan niya na si Edwin at Paul.
Mabait din sila tulad ni Khalid. At grabe rin yung samahan ng tatlong to. Makulit tong si Paul sa too lang, habang si Edwin at medyo chill lang.
Sa ngayon ay nasa bar kaming apat. At eto namang isang mokong ito, pinapahinay lang ako sa pag inom. Ewan ko lang kung bakit, pero naiintindihan ko naman dahil sa pagiging concerned niya.
"Alam niyo, bagay kayo ni Liandra." Pag asar ni Paul.
"Umayos ka nga Paul! Nakakahiya kaya kay Liandra yung sinasabi mo!" Pag awat ni Khalid.
"Hindi, okay lang. Sanay naman ako sa ganyan eh." Sambit ko na nakangiti.
"Well, suit yourself. Aasarin ko talaga kayo." Pagbanta ni Paul.
"Ayos lang. Eh kung siya naman yung lalaki para saakin, I don't mind kung aasarin mo ako sakanya." Pagsagot ko na ikinatahimik niya.
"Paano ba yan bro? Bumanat si Liandra!" Pagsabat ni Edwin.
"Eh kung totohanin na natin yung pagiging tayo." Pagbanat ni Khalid saakin.
"Kung kaya mo. Kahit hindi mo na kailangang sabihin saakin, tatanggapin ko naman eh."
"Kahit na masaktan ka?"
"Sanay na akong masaktan."
"Pero hindi mo kayang tiisin yung sakit habang buhay."
"Tama na nga yang banat! Cheers muna tayo!" Sambit ni Edwin na ikinasunod namin.
Sobrang saya talaga ng gabi namin, at nagkaroon ako ng mga panibagong kaibigan na kaya kong mapagkakatiwalaan.
Nang makaalis na si Edwin at Paul sa harapan namin ni Khalid, agad niya akong linibre ng Ice Cream at pumila sa bentahan.
Habang hinihintay si Khalid, may lumapit saakin na ikinagulat ko lang.
"Liandra..."
"Jax... a-anong ginagawa mo dito?"
"Wala naman. Lakwatsa lang kung saan saan." Sagot niya na ikinakunot ng noo ko.
"It's almost a month no? Kumusta na pala?"
"Nagmo move on na." Sagot ko na may diin.
"Grabe ka naman, parang wala naman tayong pinagsamahan ah."
"Jax kung wala kang sasabihin na matino, umalis ka na." Inis na sambit ko.
"Well, suit yourself." Sambit niya bago umalis.
"And by the way..." Pagtigil niya sa paglalakad.
"... may araw na makakabalik ka rin saakin." Pagbanta niya bago umalis ng tuluyan.
Umasa ka ng umasa Jax, hinding hindi ako babalik sa loko lokong tulad mo!
"Liandra! Oh, eto na Ice Cream mo." Sambit ni Khalid habang binibigay yung ice cream niya saakin.
"Liandra, ayos ka lang?" Tanong niya na may halong pag alala.
"Ah... oo! Ayos lang ako Khalid!" Sagot ko na pautal.
"I don't think so. Something's bothering you." Sambit niya habang tinapik yung balikat ko.
Napabuntong hininga ako at nagsalita na.
"Si Jax..."
"Bakit? Anong ginawa niya sayo?"
"Binantaan niya ako na babalikan niya ako. Eh ayoko nang bumalik sa mga manloloko na katulad niya." Sambit ko na nakayuko.
"Don't worry Liandra, kung magpapakita man yung lokong yan, akong makakaharap nun." Pagpaalala niya na ikina-ngiti ko.
"Alam mo Khalid, kung sakaling magkakajowa ulit ako, ikaw yung pipiliin ko." Sambit ko na ikinalaki ng mata niya.
"Uhmm..."
"Bakit?"
"Uhh... it's nothing. Let's go."
Nakauwi na ako sa bahay ko, bumaba agad ako sa kotse ni Khalid at pumasok sa bahay ko.
Napatingin ako sa kotse ni Khalid na lumalayo sa bahay ko at napabuntong hininga ako.
Nang makaakyat ako papunta sa kwarto ko, nagpalit ako ng pantulog ko at humiga ako sa kama ko para matulog.
"Liandra!!"
Nagising ako nung narinig ko yung boses ng lalaking yan.
This time, hindi na puro puti yung nasa paligid ko. Nasa beach ako at ang ganda ng paligid.
"Liandra!!" Pagtawag niya ulit. Tumakbo ako papunta sa direksyon ng boses at hinanap siya kung saan saan.
"Liandra!!" Napalingon ako at nakita ko yung lalaking nasa harapan ko.
Ewan ko lang, pero napapaluha ako sa tuwing nakikita ko siya. Tatakbo ako palapit sakanya para yakapin siya, ngunit...
Nagising ako at ramdam na ramdam ko yung luha ko na tumutulo. Sino ba yang lalaking yan?? Anong meron sakanya at napapaiyak na lang ako ng ganyan?
BINABASA MO ANG
Panaginip
FanfictionHanggang kailan pa ba ako mananaginip na may magmamahal sa akin ng seryoso? Gusto ko lang naman may magmahal saakin ng totoo. Yung walang halong biro.