KABANATA 4

704 20 0
                                    

+EUNICE RAINE POINT OF VIEW+

Natatawa ako sa tuwing nag-aaway ang kuya at ang ate dahil sa selos. Hayst, ganito din siguro ako kapag may asawa na, kahit walang ginagawa ay praning ang isa sa kakaisip kung bakit late siya umuwi? Kahit nag-over time ka lang naman sa trabaho.

"Ano ba itong naiisip ko, parang tanga Eunice." Naiiling na wika ko saka ako lumabas para umupo sa mga upuan na nakita ko doon pagkarating namin dito.

Habang naka-upo ako sa may bolkonahe ay may lalaking naglalakad, I think half Filipino siya dahil sa tinding niya, mahahalata mo naman kung pure afam siya o hindi diba.

Hmmm, gwapo siya, ang ganda ng pangagatawan. "Ano ba itong naiisip mo Eunice, para ka talagang tanga." Bulong ko ulit sa aking sarili, saka titingin na naman sana ako sa kanya, pero nagulat nalang ako ng mapatingin din siya sa gawi ko tapos ngumiti sa akin at kumaway pa saying hello to me.

I just smiled back at him, and hindi na ako nagtaka ng maglakae siya papunta sa gawi ko. Naiiling na lamang ako kasi bakit siya pupunta sa akin eh may mga bakod-bakod naman ang bawat bahay saka hindi ngalang ito kalakihan, tatalunin mo nga lang ito.

"Ngayon lang kita na silayan dito binibini," sabi niya sa akin pero napatawa ako the way he talked dahil luma ang pananagalog niya, halatang nag-aaral siya sa lengwaheng tagalog.

"Ah oo, kakarating ko lang galing sa Pinas, dito kasi ako maghahanap ng trabaho, I think mas maganda ang opportunity here." Sagot ko naman sa kanya na ikinangiti niya ng malapad. Even though pwede naman ako magtrabaho sa company namin dito.

"Kung gusto mo, ako ang susi sa problema mo binibini," wika niya na ikinakamot ko sa aking noo.

"What do you mean, na ikaw ang susi sa problema ko?" Tanong ko sa kanya.

"Well, naghahanap kasi ako ng new secretary ko," Sagot ulit niya.

"Eh, ngayon mo palang ako nakita, aayahin mo na ako, what if DH lang ang kaya kony gawin tapos magiging secretary mo lang." Nag-aalanganing na sabi ko na naman sa kanya.

"Well, I'm observant lang naman, I know if yun nga lang ang hanap mo, nga pala ang pangalan ko ay Eddie Rae Verzosa." Sabi na naman niya na ikinamulagat ko, dahil naaalala ko ang ex-boss ko ka kaapelyedo niya.

"Hindi naman ako namomobrema beside ang kuya ko na daw ang bahala, and by the way I'm Eunice Raine Quinto." Wika ko naman sabay kuha sa nakalahad niyang kamay nakakahiya naman kung hindi ko kukuhanin hindi ba, saka pinapasok ko na din siya para makaupo, halata namang mabait ang taong ito.

"So, interesado kaba sa halok ko Raine?" Tanong niya na ikinatawa ko ng kaunti lang dahil siya lang ang tumawag sa akin ng second name ko.

"Ang bilis natin huh," natatawang sabi ko na ikinatawa naman din naman niya.

"Huwag mo na kasing patagalin, kung doon din ang bagsak mo, kaya nga hinahalok kita para huwag ka ng mag-aksaya pa ng anong oras sa kakahanap ng trabaho dito sa US." Pangangatwirang sabi niya sa akin.

"Feeling close, lang hahahaha," saad ko naman na mas ikinatawa na naman niya.

"Hindi ko kasi mapigilan ang lumapit sa iyo, dahil sa taglay na alindog at kagandahan mo," wika niya na ikinangiwi ko ng marinig ko ang alindog na salita, napakalalim ng pananagalog ng isang ito.

LO #4: Sweet Of Love(COMPLETED)Where stories live. Discover now