KABANATA 1

1K 26 1
                                    

+EUNICE RAINE POINT OF VIEW+

"Shashanak!" sigaw ng kinaiinisang kong tao sa buong mundo na sana ay hindi ko nalang nakita o nakilala pa. I swear to God, na hindi ko siya gusto. Pero hindi nga ba? Tsked, Whatever.

Hindi ko nalang siya pinapansin sa pangbubully niya sa akin, pero binato ba naman niya ako ng matigas na bagay, ewan ko kung ano yun, kaya tumigil ako sa aking ginagawa at tumingin sa tumatawang Unggoy na nakilala ko.

" Pwede bang, tigil-tigilan mo akong Unggoy ka, kung hin....." sabi ko, pero hindi ko natuloy dahil nagsalita na naman siya, na akala mo ay hindi siya lalaki, mas malala pa siya sa akin.

"Kung hindi, ano? Mamahalin mo na ako. Hoy shanak, hindi tayo talo, ayaw ko sa mga kagaya mong engot." Mapatapang na sabi niya sa akin na ikinailing ko, hindi ko din naman siya gusto, in his dream.

"Oh wow naman Unggoy, ang kapal-kapal talaga naman yang pagmumukha mo, sinong may sabing mamahalin ko ang isang tulad mo, F-Y-I, itaga mo ito sa makitid mong kukute na hinding hindi kita type, ang ugali mo palang ekis na sa akin, yung mukha mo pa kaya na mukhang unggoy." Inis na sabi ko sa kanya tapos ay tumalikod na ulit ako at naglakad na lamang palayo, pero may narinig akong isinigaw niya sa akin.

"Mahuhulog ka rin sa mga bitag ko Shanak ka!" Sigaw niya sa akin. Ano ako tanga may pabitag-bitag pa siyang nalalaman, kabaliwang ng Unggoy na yun, akala mo ikinagwapo niya.

--------

"Eunice," sabi ng Unggoy na nasa harapan ko dahil nasa gusali kami. Yes boss ko siya sa loob ng Kompanyang ito. Pero kapag nasa labas na kami ay mapang-asar to the highest mountains. At para kaming aso at pusa kung magsagutan, kasi naman mapang-asar siya talaga, kumbaga may pagkaisip bata. Ito, kinatatakutan nila, kabaliwan.

"Yes Mr. Verzosa?" marespeto na sabi ko sa kanya, kahit deep inside ay gusto ko siyang bigwasin.

"Sorry na," sabi niya. Ewan ko ba pero kapag nagsosorry siya, hindi talaga siya sincere.

"Tigil-tigilan mo ako boss, hindi ako nagbibiro ipapakain na talaga kita ng buhay, sa Manila Zoo." Inis na sabi ko sa kanya naikinatawa naman niya, saka baka may makakita pa sa amin, maissue pa ako.

"Well, ako yata ang kakain sayo ng buhay," mapang-akit niyang sabi sa akin. Pero hindi ko nalang siya sinagot dahil tumunog ang phone ko, senyales na may tumatawag sa akin.

Ganito lagi ang set-up naming dalawa, tapos ganun parin ang pakikitungo niya sa akin. Natatawa din ako sa part na kapag may nangliligaw sa akin ay lagi siyang galit, ewan ko ba kung bakit? Dapat thankful siya kasi may nangliligaw sa mukhang shanak na ito.

LO #4: Sweet Of Love(COMPLETED)Where stories live. Discover now