+EUNICE RAINE POINT OF VIEW+
So, ito na ang araw para ako'y umalis sa bansang kinalakihan ko, kung saan ako nasakatan at nagpakatanga dahil sa isang lalaki, ang lala ko kasing magmahal eh. Yes, I love him that much siya ang tinuring konh first love, at para hindi na ako maging kawawa sa tingin ng iba aalis na lamang ako need ko lang talagang mapag-isa. Para maging strong na din ako yung tipong hinding-hindi na magpapauto pa, ayaw ko ng masaktan at magmukhang kawawa sa huli.
Habang binabaybay ko ang aming tahanan kasama ang aking mga magulang ay nag-iiyakan na sila, kasi naman wala ng maingay, madaldal sa loob ng bahay namin, kasi aalis na ako para magtrabaho nalang sa abroad. Malay natin, nasa ibang bansa yung tatay ng magiging anak ko. Hahaha, Afam kumbaga.
"Anak, kailangan mo ba talagang gawin ito?" Tanong sa akin ni mama habang patuloy parin siyang umiiyak, tapos nakapasobsob pa siya sa dibdib ni papa, na akala mo doon siya kumukuha ng lakas. I love the boding of my parents, they look really inlove sa isa't-isa even though nag-aaway sila pero sila parin hanggang ngayon.
Sabi nga nila, kakambal ng away, problema, at sakitan ang pagmamahal, and that's true kasi nakikita ko naman sa mismong magulang ko yun.
"Oo, naman mah, para sa akin naman ito, at para na rin po sa inyo," nakangiti kung saad sa kanila tapos pumunta na ako sa gitna nila para mayakap nila akong dalawa.
"Eh anak, stable naman na kasi ang trabaho mo dito, bakit ka pa aalis?" Tanong pa niya sa akin habang hinahaplos ang medyo mahaba kong buhok. Kung alam niyo lang mah, kung ano talaga ang rason ba't gusto ko munang magpakalayo-layo.
"Gusto ko kasing mag-explore mama, alam niyo naman ang anak mo mahilig sa mga bagay na imposibleng mangyari. Saka, hindi ko pa ito nararanasan." Pangangatwirang sabi ko naman sa kanya na ikinatango naman nilang dalawa. Hindi kasi nila alam ang tungkol sa katangahan kong ginawa sa previous work ko.
"Eh, sabi nga ng papa mo, hindi namin maibibigay ang kasayahang gusto mo, malaki ka naman na anak. Alam mo na naman na siguro ang tama at mali, hindi ba?" Wika ni mama na ikinatango ko, pero napasimangot ako ng magsalita si kuya.
"Don't worry mother at father ako na ang bahala sa kapatid ko doon, maski isang lalaki walang makakalapit sa kanya dahil ako ang makakalaban nila." Sabi ni kuya, habang ginugulo ang buhok ko. Siya na yata ang kilala kung pinaka- mahanging taong nilalang na nakilala ko. Feeling macho din siya, baka sa lakas ng kahanginan niya ay liliparin na siya
"Paano mo naman pro-protektahan ang kapatid mo, aber? Kung maski sarili mo hindi mo maprotektahan, huwag mo akong pinagloloko Elexer Jan Quinto, dahil ibibitin talaga kita ng patiwarik, gusto mo!" Pagalit na sabi ni mama na ikinatawa naming lahat.
"Wala kayong bilib sa sarili niyong anak mother, oo na payat man ako sa kanilang paningin may abs pa rin plus malaki pa ang aking sandata." Proud pa niyag sabi na ikinatawa ni papa.
"Mana ka talaga sa akin anak, pero yong bilin ko sa iyo na, hahalagahan mo si bunso, hindi lang ang sarili mong kaligayahan, pag umiyak yan doon, papaiyakin din kita, nahihintindihao ba ah." May awtoridad na sabi ni papa na ikinasaludo naman ng magaling kong kuya.
"Sir, yes sir!" Wika pa niya, na ikinailing namin ni mama.
Nahudlot lang kaingayan namin sa loob ng van dahil nakarating na kami sa Anderson Airlines, kung saan kami sasakay ni kuya papuntang US, oo, sa US kami patungo dahil doon talaga ang trabaho ni kuya kung saan siya ang nagmamanage sa kompaya nila papa na nandoon, ayaw na kasi ni papa ang bumalik doon.
