KABANATA 3

927 25 1
                                        

+EUNICE RAINE POINT OF VIEW+

Napapangiti ako ng malanghap ko na ang hangin mula dito sa U.S. how I wish ganito palagi ang buhay, payapa, tahimik, malimis at walang problema.

Tignan mo nga naman ang mga banyaga wala silang pakialam sa isa't-isa walang tsismisan na nagaganap, o diba kahit anong suotin nila walang pakiaalamanan.

Hindi tulad sa Pilipinas na kahit isang galaw o pagkakamali mo ay tsismis doon, tsismis dito na akala mo talaga ang lilinis at walang bahong itinatago. Sa Pilipinas ka lang yata nakakakita na kahit kamag anak mo pa yan ay sisirahin ka ng sisirahin.

It's more fun in the Philippines, char, fun ba ang tawag sa paninirang puri ng ibang tao. Tulad ko, kaya nga umalis ako para iwas issue. I know nabalitaan siguro ng buong mundo na ganito siya, kaya umalis nalang siya dito sa ating bansa.

"Hoy Eunice kanina pa ako salita ng salita dito, anak naman ng tupa oh, lumilipad na naman ang utak mo, kung meron ka pa ba no'n?" Naiinis na wika niya sa akin. Ang sakit naman niya magsalita, hindi ba niya ako kapatid? Anong akala niya sa akin bobita, oo, bobo ako pero hindi sa ganito, I'am stupid lang naman pagdating sa love na yan.

"Excuse me Mr. Quinto, baka sa akala mo ang kinakausap mo ay Ang velidictorian noong Elementary, ang with high honor noong junior high school and senior high school, nagtapos sa kolehiyo bilang Magna Cumlaude, anong wala akong utak na pinagsasabi mo ah?" Mahabang lintatya ko, kaya ang bilis kung nakakakuha ng work as secretary ng isang Rush Verzosa na paasa. Hindi naman kagwapuhan, "pero hindi nga ba?" Ah whatever!

"Para ka kasing lantang gulay, tapos yang utak mo nasa Pilipinas pa rin, baka sa akala mo nandoon ka palang at nakikipagsabayan sa mga tsismosa at tsismosong kapitbahay natin, sa mga walang kabuluhang pinag-uusapan nila? Tapos qmang matindi pa non-stop sila kabubuka ng bibig nila, nakakairita." Naiiling na sabi niya sa akin, so means hinahantulad na naman niya ako sa mga iyon.

"Da pak, kuya kahit magkamatayan tayong dalawa ngayon, ni hindi ko nga jayang lumabas ng bahay ng ako lang lang mag-isa, kasi kapag lalabas man ako kapag wala akong work dapat kasama ko lagi si Bella." Nakasimangot na sabi ko naman na ikinaismir niya sabay bukas sa sa isang bahay dito sa subdivision. Sinabi ko bang napangasawa niya ay isang Amerikana kaya naging citizen na siya dito, tapos dito na din siya nagwowork sa mismong company ni papa.

"Bakit naka-lock? Wala ang asawa mo?" Tanong ko sa kaniya na ikinasimangot naman niya, pustahan nag-away na naman ang mag-asawang ito.

"Nag-away kami, susuyuhin ko mamaya sa bahay nila." Dire-diretsong sabi niya, Oh see, kaya pala talaga wala ang hipag ko, kaya pala aya siya ng aya na uuwi na dahil nag-away pala sila ng kanyang kumander.

"Kaya ayaw ko magka-boyfriend, hmmm mag-asawa pa kaya, buti nga sayo, sana habang buhay ng ganun si ate Jane para makikita ko palagi ang ka-corny'an mo sa pagsuyo sa kaniya hahahhaha." Panunuksong sabi ko  at. tapos sumunod sa kanya sa loob ng kanilang bahay. Malaki din pero mas malawak ang bahay namin ng kaunti lang naman.

"Magtigil ka nga Eunice, hindi ka nakakatuwa, pumunta ka nalang sa taas yong pinakadulo ang magiging kwarto mo, pupuntahan ko lang ang ate Jane mo." Inis na sabi niya sa akin na ikinatawa at tango ko nalang baka umiyak na eh. Kinuha lang niya ang makapal niyang jacket saka siya lumabas ng kanilang bahay.

LO #4: Sweet Of Love(COMPLETED)Where stories live. Discover now