𝐒𝐈𝐌𝐔𝐋𝐀

1.6K 30 0
                                        

𝐃𝐄𝐂𝐋𝐀𝐈𝐌𝐄𝐑:

This book is a work of fiction. All names, characters, locations, and incidents are products of the author's imagination or have been used ficdictiously. Any resemblace to actual person's living or dead, locales or events is entirely confidential.
************************************************************
Series 1: Te Amo Cariño (Completed)

Series 2: Hello! My Love (Completed)

Series 3: Te Tengo Cariño (Completed)

*************
𝐖𝐀𝐑𝐍𝐈𝐍𝐆:
I'm not perfect Author. Expect the gramatical errors, typographical errors, wrong spelling or whoever mistaken. So if your perfect dont read my story.

I respect you reader so you should Respect me back. Natangsit nak kakabsat no siyak iti makaunget.

Thank you and enjoy reading.
*********************************************************
Sweet Of Love
Lighting Organization Series IV
By: Sweet_Angel-27


×𝐄𝐔𝐍𝐈𝐂𝐄 RAINE 𝐏OINT OF VIEW×

Naglalakad ako sa kalye, kasama ko ang isa sa pinakamagandang pinsan ko dahil dumalo kami sa fiesta sa lugar namin. Since day-off ko naman sa aking trabaho kaya na isipan ko nagpunta kami para maglibot-libot.

Nang makarating kami sa plaza namin ay napatingim ako sa may stage sa aking kaliwa kasi madami ang nanonood doon, kaya nakipagsiksikan kami.

"Insan," narinig ko pang sabi ng pinsan ko pero hindi ko siya pinansin kasi nagpatuloy ako sa paghila sa kanya, pagkarating ko doon sa pwesto na mapapanood namin ang nangyayari ay napatawa ako, dahil ang nagpapaligsahan pala ay ang mga bading, na akala mo naman ay mga babaeng-babae sila.

"Talo ka pa niya, insan." Natatawang wika sa akin ni Bella na ikinasimangot ko naman, pero hindi ko nalang siya pinansin kasi aliw na aliw ako sa mga pinaggagawa ng mga nasa harapan namin, ng matapos na ang palabas ay umalis na kami doon.

"Alam mo Bella, hindi parin talaga ako maka get over sa mga bading kanina, ang gagaling nila." Natatawang sabi ko kay Bella habang kumakain kami ng fishball na binili namin sa may gilid ng plaza.

"Tumigil ka nga Eunice, wala naman nakakatawa doon, puro sila kaengotan." Sagot niya sa akin na ikinailing ko, habang nagngunguya pa.

"Hmmm, tara na nga Eunice, doon tayo, punta tayo sa kabila, dahil may hihintayin tayo." Nakikilig na wika niya sa akin na ikinatango ko naman, kasi may tiwala naman ako sa pinsan ko na hindi ako ipapahamak.

Nang makarating kami sa kabila ay may mga benchea doon na pwedeng upuan, kaya umupo na muna kami doon habang umiinom ako ng buko juice na binili ko rin kanina.

Habang nakaupo kami ay may biglang kotseng huminto sa harapan namin. Napapailing ako ng biglang tumayo si Bella para harapin kung sino man ang nasa loob ng sasakyan na ito. Tinitingnan ko lang habang bumaba ang taong nasa loob nito.

Pero ng masilayan ko kung sino ang lalaking yun ay napayuko ako. Napayuko ako sa hiya, as in hiya kasi hindi ko ineexpect kung sino ang kinababaliwan ng aking pinsan.

Si Sir Rush Verzosa, ay siya ang kasintahan ng pinsan ko, yung lalaking napagsabihan ko na 'Mahal ko siya, higit pa sa salitang sobra'. Ang nakakatawa pa doon ay na sabi ko din sa kanya na baliw na baliw ako sa kanya, kaya ako sumusunod sa lahat ng ipinapagawa niya sa Kompanya niya sa akin.

"OMG, what should I do?" Bulong ko sa sarili ko habang pinaparamdaman silang dalawa.

"Hello babe, nga pala kasama ko ang pinsan ko, pwede ba siyang sumama please, please." Narinig kong sabi ni Bella kaya napatingin ako sa kanila pero sa masamang palad nakatingin din sa akin si sir Rush. Huhuhuhu

"H-hindi na, Bella u-uuwi nalang ako," nauutal na sabi ko sa kaniya, pero halata sa mukha niya na nag-aalanganin kasi alam niyang kakambal ko minsan ang mga aksidente, basta kahit na anong aksidente o disgrasya ay naranasan ko na, except lang yung 'S*X', kahit ganito ako ay I will never papabayahan ang sarili ko.

"Sigurado ka ba diyan insan, look gabi na baka mapano ka pa." Nag-aalalang sabi sa akin ni Bella. Tumango ako pero, nagulat ako kasi pagtingin ko sa kasama niyang lalaki ay masama ang tingin niya sa akin.

"No, you better come with us, for your safety." May awtoridad na sabi ni sir Rush sa baritong boses, kahit nahihiya at nanginginig ako sa kaba ay tumingin parin ako sa kanya.

"H-hindi na, ka---" hindi ko na natuloy ang sa sabihin ko sana dahil nagsalita na muli ang boss ko, boss ko lang naman siya sa loob ng opisina niya, why naman ako nanginginig kapag kaharap ko siya.

"I insist, so come with us," wika na niya ulit, kaya wala na akong nagawa pa ng hilahin ako ni Bella patungo sa kotse ni sir Rush.

Pagkapasok ko sa loob ay tumingin nalang ako sa may bintana, naramdaman ko din na pumasok na din siya sa driver sit. First, time ko palang sumakay sa kotse ng boss ko, ang bango ng loob niya, malinis din saka wala kang makikitang kahit na anong dumi.

Buong byahe akong balisa at hindi mapakali, sa kinauupuan ko dahil sa kagagahan ko. Bakit ba kasi ako nagpatianud sa pinsan ko. Napayuko na naman ako dahil naalala ko na naman ang dapat hindi na pwedeng alalahanin pa.

Narealize ko din na sana hindi ko na dapat sinabi ang katagang iyon sa kanya kasi may mahal na pala siyang iba, at pinsan ko pa yung kinababaliwan niyang babae.

Tumingin na naman ako sa labas ng bintana kasi ayaw kong tumingin sa harapan, ewan ko, pero nagseselos ako sa tuwing naaaninagan ko ang paghawak ni Bella sa kamay niya, napabuntong hininga ako dahil napagpasyahan kong magresign kaumagahan sa opisina ng boss ko, maghahanap na lamang ako ng bagong trabaho.

Dahil totoo pala ang sinabi niya sa akin na pinaglaruan lang niya ang feelings ko, noong umamin ako sa kanya na hulog na hulog na ang loob ko sa kanya na dapat ay hindi nalang nangyari yun.

"Fight lang Eunice," bulong ko pa sa aking sarili, saka nagpatuloy sa panonood sa mga kotse din. Nananalangin na sana makarating na kami agad sa bahay namin para makaiwas na agad sa love birds sa harapan ko kasi mas lalo akong nasasaktan sa nakikita kong paglalambingan nila.

Paano nalang kung maaksidente kami sa kalandian ng pinsan ko. Buti, hindi ako ganung babae, na kahit na sino ang tumitira sa kanya ay go lang siya ng go, as long as may datong.













#Next Chapter coming

#Lets the story begin charizz🤣🥴🥴

#Vote/Comment

Sweet_Angel-27

LO #4: Sweet Of Love(COMPLETED)Where stories live. Discover now