Warning: spg sya! HAHAHA
I Love you
Tatlong araw ko na syang pinagsisilbihan, at tatlong araw rin akong masaya. Sa sobrang saya halos nakilala ko na ang lahat ng kasambahay namin at naging close ko na rin.
"Ma'am tapos ko na po ang paglilinis ng kwarto mo." Ngumiti ako kay lema, ilang araw ko na rin kasing hindi nalilinisan ang kwarto ko kaya sya na ang nag linis.
Mas lalong sumarap ang lugaw ko na araw araw ko namang niluluto para kay gaizen. Ngumiti ako at hinalo ulit ito at hinayaang kumulo sa rice cooker.
Naupo muna ako ng maalala yung nangyare noong nakaraang araw, halos ipagmalaki kong napahiya si ate sa harap ni gaizen. Hindi na ulit din sya bumisita simula nun, i wonder kung alam nyang may mga babaeng dinadala si gaizen dito.
"Ano ka ba naman avory! Nasusunog na ang niluto mo!" Nagulat akong napatingin sa rice cooker dahil sa sigaw ni manang.
Ohh fuck! Dali dali ko itong pinatay.
Fuck fuck fuck... Ulit ulit kong mura sa isipan.
Halos maiyak ako dahil sa medyo umiitim na lugaw sa harapan ko, ito ang pinakamasarap na niluto ko at nasunog pa! ARGHH!!!
naka simangot akong pumasok sa kwarto ni gaizen. Nagulat akong nag bibihis na ito para sa trabaho.
Magaling na kaya sya?
Unti unti kong nilapag ang tray at tinignan sya. Nakatalikod ito habang inaayos ang neck tie.
"Okay ka na ba?" I ask and slowly walk towards him. Tinignan nya naman ang ng malamig na tingin, ito ang tingin nya sakin.
Nalungkot naman ako, siguro tapos na ang kasiyahan ko.
"Uminom ka muna ng gamot." Pilit na ngumiti ako. Hindi nya ulit ako sinagot at kinuha na ang coat at umalis na pero bumaling sya sakin ng nasa tapat na sya ng pinto.
"You should lock my room after cleaning and don't enter this room without my permission." Halos manghina ako sa lamig ng boses nya.
Parang hinihiling ko na lng na magkasakit sya araw araw at ng maalagaan ko sya.
"Ohh? Gaizen magaling kana ba?" Rinig kong tanong ni manang sa labas.
"Yes manang."
Lumipas ang isang linggo at bumalik na sa dati ang tratuhan namin ni gaizen. Pansin kong hindi na sya dumadala ng mga babae.
Kinagabihan hinihintay ko syang umuwi mga 9:00 pm ang out nya at hanggang ngayon ay wala pa sya, it's already 1:00 in the morning! Nanonood lang ako ng marathon.
Tumayo muna ako at pumunta sa kusina para uminom. Halos iluwa ko ito ng biglang may humawak sa baywang ko, amoy ko agad ang amoy nya at ramdam ko sa leeg ko ang hininga nya.
"Im sorry..." Nilapag ko ang baso sa mesa at gulat na hinarap sya.
What? Sorry?
Mapupungay ang mga mata nyang sinalubong ko.
Inangat nya ang baba ko gamit ang mga daliri nya at tinapat iyon sa kanya, makita ko lang ang malulungkot nyang mga mata nanghihina nako.
Naalala ko nung mga nakaraang linggo ay naging cold ulit sya sakin nakakapagtataka lang na humihingi sya ng paumanhin.
"What--"
Pinutol nyako sa pamamagitan ng halik, yung halik na pinaramdam nya noon, yung halik na ikinasabik ko noon, yung halik na miss na miss ko na ngayon.
BINABASA MO ANG
Between The Marriage
RomanceOnce a Spoiled Brat said "I don't care! Kung mahal nyo ang isa't isa pwes! Ako ang hahadlang sainyo! Papakasalan kita Gaizen sa ayaw at sa gusto mo! Gagawin ko ang lahat mapaibig lang kita sa pamamagitan ng kasal." Makakaya nya kayang mapaibig ang i...