"Ali!!"Tawag na naman ni Ethan sa'kin. Simula talaga noong magkasama na palagi sila Zed at Felix, mas lalong dumidikit na naman sa'kin 'tong si Ethan. Was he a lizard in his past life?
Andito kase kami ngayon sa Eros o kung tatawaging lugar ng mga cupido. Tapos na din ang kaligayahang araw namin ni Zed, andali lang ng 10days naming pahinga, halos wala naman kaming nagawa kundi ang tumakas dito, pero mula noong pinagalitan si Zedniah ni Ginoong Isagani ay hindi na namin gaano nakakasama si Joaquin, gaya nga ng sabi ni Felix, according from the chismis here ay palagi na raw magkasama sina ng magiging asawa niya.
____Flashback___
"Anong ginagawa niyo" kakatapos lang mag usap sina Zed at Ginoong Isagani mukhang iniwan niya sila Dextine doon
"Wala! Ano!? Hoy Binibining Allison ba't ka.... yumayakap ..sa'kin!!" Nag papanic na sigaw niya
"Huh? Ako pa talaga? You were the one wh-" deny ko kaagad pero di pa ako natapos magsalita ay pinutol na niya kaagad
"Huh? Huhtdog!" He mocked walked away
Ang kapal naman ng bituka niya.
"Ano yun?" Tanong ni Zed, parang di makapaniwala sa nangyari ngayong lang, nakatitig lang kaming dalawa sa kanya habang lumalakad paalis
"Ewan ko sa unggoy na yun, kapal ng mukha ... by the way pinagalitan ka ba?" hinayaan ko nakang ang kupal na yon at binalik ang attensyon kay Zed
"Kunting sermon lang naman keri" nag ok sign pa siya gamit mga daliri niya.
"Hoy! Allison..kanina pa kita tawag ng tawag ano ba iniisip mo diyan?" Inis na napakamot sa ulo si Ethan
"Bakit ba? Kasalanan ko bang sira na naman yang bulok na pana mo?" Kinuha ko ang pana niya na nakahiga sa lamesa tsaka ito inikot-ikot para makita kung saan ang diperensya nito
"Kaunting hangin nalang Ethan" Seryoso ko siyang tinitigan ngayon
"Ano?" Tanong niya
"Kaunting hangin nalang ay masisira na naman 'to...gumawa ka nakang kasi ng bago o 'di kaya manghiram ka nalang muna sa iba" payo ko sa kanya pero umiling lang siya
"Espesyal kasi 'to, ito ang kauna-unahang pana na bigay sa'kin ni Zed, kaya di ko 'to kayang itapon lang" ngumuso siya
"O bakit sinabi ko bang itapon mo? Sabi ko lang naman ay hanap ka na ng bago luma na yan" pangungulit ko sa kanya
"Anong bago! Walang magbabago. Kahit maging kabayo pa si Zed handa akong maging balahibo niya!" Hambog niya
"ALLISON! VIVIANE! CORCELLES!!!!" Sabay kaming napalingon ni Ethan at napatigil sa ginagawa namin ng marinig namin ang ingay na boses ni Zedniah.
"Napano 'to" tanong ni Ethan kay Felix na sumusunod din sa pagtakbo ni Zed pareho pa silang huminga ng malalim parang nawalan ata to ng hangin
"Ingay! Bakit ano meron?" Reklamo ko
"Binabati kita!" masayang masaya si Zed habang hinahawakan niya ang kamay ko
"Huh? Bakit 'di ko naman kaarawan ah?" nagtatakang tanong ko
"Tanga, binabati kita dahil maari kanang makabalik sa katawan mo bilang tao!" Sigaw niya
"Asos, akala ko ano na makakabalik lang naman pala sa katawan ko 'e" walang malay na sagot ko,
