Kulay asul ang buwan nung pumasok ka, bilog na buwan naman nung umalis ka.
-'-
*Mala anghel na babae ang siyang nakita ko kaninang umaga,pamilyar pa ang mukha niya, nagkita na ba kami? Ano ba kaseng ginagawa ko dito sa taas ng building na to.
"A.A Company huh?" Bulong ko sa sarili ko, paano kaya kung naging tao ako? Ayos din kakalabas lang din ng babaeng inaabangan ko kanina.
Sinundan ko kaagad siya kung saan siya pupunta at ayun nga sa starbucks gaya kahapon. Pinagmasdan ko lang lahat ang mga kilos niya napakamasayahin niya.
"Yep, all grande po please" mahinhin na sagot niya sa cashier. Tipong babae nga.
At dahil nga magpapakilala ako sa kanya mamaya ay pumunta muna ako sa cr tsaka tinanggal ako sombrero ko para makita niya ako. Walang tao masyado kaya agad ko iyon natanggal pero bago pa iyon ay tumunog ulit ang relo ko at nakita ang pangalan ng babae.
'ALLISON VIVIANE CORCELLES, 23, @7:50 PM'
Seryoso?!
Teka baka sira lang 'to.
Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil ako ang susundo sa kanya o malulungkot dahil wala na akong dahilan pumunta rito.
Mukhang kakatapos niya lang mag order at naiwan pa nga yung wallet niya
"Miss, wallet nyo po naiwan nyo sa counter" sabi ko.
"Thank you po" malamig na sagot niya pero ngumiti naman, mukhang masungit pero mukha ring mabait.
Tumutunog na relo ko at may susundoin pa akong iba, at dahil nga ako lang makakarinig nun ay di ko na nagawang mag paalam sa kanya at umalis na lang.
Sayang nga.
Ako sana ang kasabay mo patungo, nauna na pala pinsan ko. Ewan ko pa'no naging si Zed yun at dahil siguro marami na akong nasundo ngayong araw!
"Ah bahala na di na ako lalabas!" Sigaw ko kay Ethan pagkauwi ko kaagad.
"Asus kung di ka lang sana natamaan ng pana ko di ka sana baliw doon sa babaeng yun" sagot niya naman
"Tumigil ka kung ayaw mo hampasin kita" pagbabanta ko sa kanya
"Pero alam mo ba? Pre? Pre pakinggan mo'ko"
"Nakikinig ako!"
"Balita ko, kulay asul ngayon..." mukha pa siyang may tinatagong malaking lihim at pumunta pa talaga sa harap ko
" o? Tapos?" Walang gana kong tanong
"Yung babae? Kanina? Maaring di siya makakabalik ngayong araw!" Bigla akong nabuhayan sa sinabi niya at ibig sabihin non ay siya na naman ang ipapadala ni Ginoong Isagani para sa potanginang kabobohan niya. BINGO!
Masaya akong naglalakad patungo sa opisina ni Ginoong Isagani kung iyon ba ang gagawin niya. Nilalaro ko pa yung ballpen ko habang naglalakad nang may biglang bumangga sa'kin.
"Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" Inis na sabi niya. Hindi ako makapaniwalang ang babaeng napaka-mahinhin doon ay isang napaka malditang nilalang dito. Iwan ko pero sa simpleng ganoon lang ay pakiramdam kong umiinit na ang pisnge ko kaya tinakpan ko na iyon. Tsaka na rin ako nakahinga ng maluwag ng makaalis na siya.
"Nagkita na naman tayo, bata" kinapalan ko na talaga mukha ko ngayon, gusto ko lang naman sana magpakilala pero kasama niya pinsan ko kaya di ko na magawa, kailangan ko umaktong kinatatakutan ng lahat.
