4

19 5 0
                                        

[This is a work of fiction]

"Lalim naman ng iniisip mo" his voice is kinda familiar. O right Felix! The cupid. Naka upo ako ngayon sa tabing ilog nagpapahangin baka mamaya hindi na ako makahinga. Tumabi na ren si Felix saakin tsaka umupo.

"May iniisip lang" i answered.

Medyo kinakabahan na ako ngayon. Di ko alam gagawin ko. Paano kung papatayin niya ako? Huhu. Ayoko mamatay......uliit

"Ano bang iniisip mo?" Tanong niya.

"Ganito kasiiii...kapag nakabasag ka ng mamahalin o mahalagang bagay ano ang gagawin mo? Magpapakita ka pa ba??" Tanong ko sakanya.

Kanina kasi habang may pinapahanap si Ginoong Joaquin sa akin bigla kong nahulog yung pusang figurine niya!! Hindi ko alam ang gagawin ko kaya tumakbo nalang ako paalis dun....pero alam kong di ko matatakasan yun! Baka pinapahanap na ako nun...

"Bakit nakabasag ka ba? Kanino?" Ang kulit naman ng cupidong ito!

"Secret lang natin to ah" bulong ko sa kanya. Lumapit din siya sa akin hanggang sa ma amoy ko ang matamis na pabango niya. Wow strawberry flavor.

Tumingin pa ako sa ibang direksyon baka may makakita sa amin o makarinig.
"Nabasag ko yung pigurin sa lamesa ni Ginoong Joaquin" bulong ko.

"Se...seryoso?" nakita ko pa kung paano kumunot ang noo niya di makapaniwala sa sinabi ko. Mukhang siya pa kinakabahan para saakin. Tumango lang din ako sa kanya.

"Lagot ka? So ano plano mo?" pang aasar pa niya saakin, mas lalo pa akong nagalala ngayon.

"Kung lalayas ka tawagin mo lang ako, lagi akong handa itatakas kita" pang-aasar niya ulit. Ngumingiti pa ngayon na parang natatae.

Seryoso anong gagawin ko? Simula pa nung una ko dito andami ko nang ginawang mali! Felix glanced at me first before standing up and offer his hand to me.

"Tara na" he said.

"Ha? saan?" Nagtatakang tanong ko.

"Mukhang kailangan mo ng kaibigan ngayon" he casually said with a smile on his face.

Kinuha ko naman ang kamay niya sabay tayo, halos wala na akong pake kung anong susumod nito. Labag ba ito sa rules o hindi? Pwede ba kaming lumabas dito? Paparusahan ba kami pag uwi namin? Ewan ko basta habang tumatakbo kami ngayon kitang kita ko kung gaano ka saya si Felix, o masayahin lang talaga siya?

Tama friday ngayon at every friday my friends would gather around it's their free time naman. And I'm sure andun sila ngayon sa hospital taking care of me.

But I was wrong.

"Matutuloy ba yung sinabi ng Daddy ni Alli, na kapag hindi na gumising tong anak nila ay ibibigay nila ang compay kay Natalia?" Enzo suddenly asked. Why would my father do that? Right Natalia was my bestfriend since grade 1 and I'm an only child, tapos my cousins..,. They're not in good terms.. But why does it have to be my friend??

"Yeah, bullsh*t I thought they would give it to me since my mother and her mother are bestfriends" sagot naman ni Chloe.

"Hayaan niyo nalang kase! Pag ako saakin ipapamana yung kompanya ililibre ko parin naman kayo" pagyayabang ni Natalia.

"Alam kaya ni Allison na, kaya tayo sumasama sa kanya dahil sa pera niya?" biglaang tanong ni Jake sabay kagat sa apple. Tumatawa pa.

Are they even my friends?

"Oh, Sofia good thing duty mo ngayon" napalingon agad ako kay Sofia na kakadating lang. Tinitigan kaagad ni Chloe sina Enzo, Jake, at Natalia para manahimik. Pagkatapos hinatak niya palabas si Sofia.

Knight of the Living SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon