5

16 6 0
                                        

[This is a work of fiction]

"Wag mong hahawakan kung di sayo"

ngayon alam ko na kung bakit takot na takot si Zedniah sa kanya. Tinititigan niya yung kamay ni Jeyden na nakahawak sa akin at binalik din ang tingin sa amin.

"Bakit? Sino ka ba?" sabi ni Jeyden ng napansin niya yung takot ko, sinubukan kong bawiin yung kamay ko pero mas hinigpitan niya nag paghawak niya.

"Kailangan pa ba yun?" tanong pabalik ni Joaquin. May kinuha siya sa bulsa niya at agad ito tinutok ang baril kay Jeyden. Nabigla din ako ng bigla akong hinila ni Jeyden papunta sa kanya at nilagay ang kanyang espada sa leeg ko.

"Punyeta ayoko mamatay ulit jusko po" halos hindi na ako makahinga pero nagawa ko pa rin ang magreklamo.

"Ibaba mo ang iyong baril kung ayaw mong masaktan tong babaeng to" utos ni Jeyden sinenyasan ko pa si Joaquin na ibaba ang baril niya.

"Wala akong pake diyan, hindi yan ang pinunta ko rito" he made an eye to eye contact with Jeyden as if they were interacting with eachother. "Ngayon! " sigaw niya.

Napalingon kaagad ako ng lumabas sina Zedniah, Felix at Ethan. May sari-sariling espada. Mukhang naguguluhan pa si Jeyden kaya agad ko siyang kinagat at nabitawan niya ako kaya tumakbo ako at agad ito binaril ni Joaquin. Nang makahiga na ito sa lupa binuhat naman ito nila Felix at Ethan at nilagay sa kulungan na bitbit ni Zedniah. Hindi pa rin mawala saakin yung kaba kanina akala ko kung mapapano na ako! Bwesit na Joaquin to. Walang pake ah wala rin akong pake sayo. Tinignan niya ako kaya inis ko rin siyang inirapan.

"Ayos ka ba diyan pre?" niyabangan pa nga ni Ethan yung nahuli nila, mukhang proud.

"Tama na nga yan" Felix stopped him.

"Wag kang mag-alala di pa naman yan patay, pampatulog lang yung binaril" bulong ni Zedniah saakin ng makita niya akong nakatitig doon, pero di naman ako nakatitig dun, tinignan ko lang naman sina Ethan at Felix parang magkapatid e.

"Paano ba yan, mukhang di na tayo pwede sa kaligayahan nila rito, Ano Zedniah punta tayo sa harden natin" pag aaya ni Ethan.

"Saang harden? bago ba yun " lumapit kaagad si Felix saamin at iniwan si Joaquin doon kay Jeyden.

"Oo, secret sana namin ni Zedniah, pero ngayon hindi na ata" tumawa pa si Ethan. Biglang lumipat ang tingin nila saakin.

"Ah? Bakit? Hindi ko alam yan" pagtatanggol ko sa sarili ko mukhang may pinatay ako sa reaksiyon ko.

"Sama ka Alli" aya ni Felix saakin, ngumiti pa siya saakin kaya wala akong magawa kundi tumango.

Nilipat din nila kaagad ang tingin kay Joaquin nang makita nila itong naglalakad na paalis, mukhang kinuha na nang iba yung isang kaluluwa.

"Hoy! Joaquin sama ka!" Sigaw ni Felix kaya sinapak siya ni Zedniah.

"Magbigay galang ka nga"

"Asus, wala naman si Ginoong Isagani" pagdedepensa niya. Napatawa tuloy ako.

Tinignan din siya ng masama ni Joaquin at nagtama pa ang tingin namin. Tumango siya kaya tuwang tuwa yung tatlo.

"Nasasabik na akong makita yung sikretong harden na yan!" Parang bata si Felix ngayon, pero seryoso mukhang mas bata siya saakin e.

"Ginoong Joaquin, huwag mo kaming isusumbong kay Ginoong Isagani ah" sabi ni Ethan kay Joaquin.

Muntik na akong madapa buti nalang nahawakan ni Joaquin ang kamay ko. Hindi niya ito binitawan kaagad at tumitig pa saakin, ng namalayan niyang nakahawak pa siya ay bigla niya itong binitawan at nagpatuloy sa paglalakad.

Knight of the Living SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon