2

35 8 3
                                    


   [This is a work of fiction]

Nagising ako ng papunta na ng emergency room yung katawan ko at ako tumatakbo lang sumusunod I don't know what's happening here! I badly wanted to cry. Am i dead? Am i a spirit right now?  nakita ko ren si Sofia ngayon umiiyak dahil sa kalagayan ko she is assigned in this hospital because her dad owns this. Sinubukan ko siyang hawakan kaso lumutang lang ako, wala na akong magawa kundi ang umiyak.

[hello Sofia? Why are you crying?]  Narinig kong tinawagan niya si Chloe, nakauniform pa si Sofia ngayon at naka upo sa may sulok.

"Chlo-Chloe...Si ano kase...Si..si Alli" her voice broke which made Chloe worry even more

[What? Ano? Bakit? Can you talk properly Sofia!]

Iyak pa ren ng iyak si Sofia habang kinakausap niya si Chloe. Nakita ko ang babaeng naka itim kanina kaya sinusundan ko siya ngayon. Mabilis siyang naglakad at lumiko dun sa morgue.



"Sinabihan na kitang lumayo ka sa mga sasakyan" she hissed.  Huminto na ngayon sa harapan ko. Pano yun? Andun lang siya kanina sa malayo ah.


"Patay na ba ako? Grim reaper ka ba? Ano ako kaluluwa? Susunduin mo na ba ako?" Sunod sunod kong tanong sa kanya.

"Andami mo namang tanong, sumunod ka na nga saken" wala akong magawa kundi ang sumunod sa kanya dumaan den kami kung saan emergency room kung saan dinala ang katawan ko dun ko nakitang andun na lahat ang mga kaibigan ko umiiyak hindi ko kayang makita silang ganun.

Nang makalabas na kami sa Hospital ay may pintuan dun na kulay Pula ano to? Patay na nga ba ako?

"Dito ba talaga pupunta pag namatay na yung tao?" tanong ko sa kanya. Hindi niya ako sinagot at parang natawa pa sa sinabi ko patuloy pa ren sa lakad namin.



"Yung sa drama na nakita ko po nagsasakay sila ng car eh, bat tayo nakalakad lang? Low budget po kayo?" tanong ko na naman after a very long silence.

"Manahimik ka nalang" ang cold naman.


Pero totoo nga ang lamig dito, wala man lang pa lights lights para di gaano boring sa paglalakad e noh? Ay oo nga naman low budget e.

Nang makarating na naman kami sa kulay asul na pintuan dun na kami huminto at pumasok ulit. Pagpasok ko may matandang lalaki dun nakaupo mukhang opisina niya to at maraming mga papeles.

"Magandang gabi, Ginoong Isagani"  nag bow pa nga yung babae, siya siguro yung boss nila.

"Zedniah, napadalaw ka anong maipaglilingkod ko sa iyo" bati niya pabalik.

"Isang ligaw na kaluluwa na naman pong hindi na nakabalik sa kanyang katawan dahil sa aksidenteng naganap kanina Ginoo" pagpapaliwanag niya sabay tingin sa akin. Ligaw na kaluluwa? Ako yun? Napatingin naman ang matandang lalaki sa akin na si 'Ginoong Isagani' nakataas pa ang kilay.

"Paano po natin siya ibabalik dun Ginoo? Hindi pa niya oras" dagdag pa niya.
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Weh? Pwede pa ako mabuhay ulit? So di pa ako patay? Andaming tanong sa utak ko punyeta.

"Hindi yan maari Zedniah, kulay asul ang buwan ngayon walang kaluluwa ang siya mang bumalik sa katawan niya." Napabalik naman ang tingin ko kay Zedniah. Tumingin den ang lalaki sa akin.

"wait lang kase naguguluhan ako, Am i dead naba? Or spirit ako na pwede pa bumalik sa katawan ko? Care to explain din saakin please" pagsingit ko sa kanila, tinignan ako ni Ginoong Isagani mukhang naguguluhan. Binalik ko ren kaagad ang tingin kay Zedniah.

Knight of the Living SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon