"Kadire ka!" tanggi ko sa kanya.
"Ohoy! Allison interesado saakin, ano? May gusto ka sa'kin no?! Aminin!" Pangungulit niya sinisigaw pa niya
"Bahala ka na nga diyan" napipikon na sabi ko sa kanya,
"hayaan mo na yang si Felix, Ali! lumaking may sakit sa utak e" singit naman ni Ethan
"Binibining Allison, may pag-uusapan pa tayo" napalingon din ako agad kay Joaquin ng biglaan niya akong tinawag.
"ey, eto nama, pwede mo naman po akong tawaging Ali o di ka Allison, Ginoong Joaquin" i said.
"ikaw nga nag 'Gi-Ginoong' pa saakin"palusot pa niya.
"ikaw na nga ginalang ikaw pa tong ano, esh sapakin kita diyan e" reklamo ko sa kanya.
"E, kung ikaw kaya sabihan ko ng ganyan" he even fired back.
"e kung ikaw kaya sabihan ko ganyan nyenye mama mo ganyan" inulit ko ang sinabi niya bilang ganti ko
"ohoy, away mag asawa ata to e" singit naman ni Zedniah tinutulongan niya ngayon si Ethan linisan ang kanyang espada.
"eh? kung may maaasawa man ako hahanap ako nang katulad ni Felix 'noh" seryoso ang tono ng boses ko kaya napalingon silang lahat sa'kin, tinignan pa ako ng masama ni Zedniah.
"oh, bakit? " tanong ko ng halos di na sila maka imik sa sinabi ko
"sabi ko na nga ba may gusto ka talaga sa'kin" pangungulit naman ni Felix tinataasan pa ako ng kilay. Ba't ko pa kasi sinabi yun
"seryoso?" ngumiti naman ng mapang-asar si Ethan sa'kin
"kayo naman hindi mabiro! syempre joke lang!" tanggi ko kahit totoo naman, nagkunware akong umubo at saka naman nila binitawan ang hininga nila.
"kabado bente Zed?" tanong ni Ethan ni Zedniah, ewan ko kung tanong yun o inaasar niya na naman si Zedniah.
"Pag hindi ka titigil diyan papakain ko to sayo" agad namang tinaas ni Zedniah ang espadang pinupunasan niya at tinutok ito kay Ethan. Inaasar pa rin niya si Zedniah kaya napikon ito at hinabol siya hawak hawak pa rin ang kanyang espada.
"Tumigil nga kayo parang mga bata e!" saway ni Joaquin sa kanila. Umiling lang ako at natawa sa kanila, Si Felix naman halos di na makahinga kakatawa
"Ali" napalingon din kaagad ako ng tinawag ako ni Joaquin at walang 'Binibini' ngayon ah.
"Aba pwede naman pala walang Binibini sa unang pangalan ko" biro ko sa kanya pero seryoso niya akong tinignan kaya agad ko namang binawi yon
" I mean po? bakit?" tanong ko sa kanya.
"Wala sinubukan ko lang pwede naman pala" nakangising sagot niya
Tignan mo nga 'to wah! ako nalang ata normal dito! Sina sapak sapak ko pa siya nang ayaw niya pa rin akong tantanan sa kagaguhan niya.
"Mamaya ka sakin, pag nahuli kitang hayop ka!" sigaw ko sa kanya, mas lalo pang natawa si Felix nang kaming apat na ang naghahabulan ngayon.
"Ginoong Joaquin!" nabawi rin kaagad ang atensyon naming lahat ng marinig ang boses ng isang babae ngumiti ito ng matamis kay Joaquin, nawala naman kaagad ang tawa ni Joaquin nang makita niya ang babae. Pati rin si Zedniah parang galit.
