three

63 8 4
                                    

Keegan > Kijan. (Pronunciation of Keegan's name)

———————————————

[JASMINE's POV]

"Best, kinakabahan ako!" Sambit ko. Ewan ko nga ba kung bakit ako kinakabahan eh... ano kayang meron? Girlfriend lang yun ni Lorenzo ahh. Aish! Baka masama yung ugali?! Nakita kong itinigil ni Lorenzo yung kotse sa isang mamahaling restaurant. Sabagay, mayaman tong sila Lorenzo. Tss. Parang first time kong makita yung restaurant na to. Maganda kasi tong restaurant na to eh. Ewan.

"My girlfriend owns this restaurant.." Nakita ko siyang ngumiti. Sa girlfriend niya ba talaga to? Lumabas siya ng kotse at nakita ko siyang pinagbuksan niya ako ng pintuan... ang swerte naman ng girlfriend ni Lorenzo. Hayyyy. Kailan kaya ako magkakaroon ng boyfriend? Lumabas na rin ako ng kotse at nakita ko siyang inalalayan akong makatayo. \

Pumasok na kami sa restaurant ng girlfriend niya.. Shems! Ang ganda ng restau ng gf niya. Maganda rin kaya yung gf niya? Napahampas ako sa mukha ko. Syempre! Maganda yun para kay...LORENZO! Aish. Ano ba nanyayari saakin?! May lumapit saamin isang waiter.

"Sir Lorenzo? Hinihintay po kayo ni Keegan sa loob ng royal room." Ani ng waiter. Pero teka.. bakit hindi Ma'am Keegan or Madam Keegan? Tuhray. Mabait ata yung girlfriend ni Lorenzo. Syaka royal room raw? EH? 

"Tara." Hinila ako ni Lorenzo. Nilibot ko ang paningin ko sa restau ng gf ni Lorenzo. Carpet yung floor nila...kulay pula ito at ang mga upuan ay malalambot. May unan yung mga upuan tapos color white yun. Parang white at gold yung restaurant ng gf ni Lorenzo eh. Yung ilaw naman ay Chandelier. Basta, ang ganda ng restaurant ng gf ni Lorenzo! May hagdanan pa nga eh. May seond floor ata. Umakyat kami patungo sa second floor.. at pumasok sa isang golden door na ewan. Ang cute ng doorknob! May beads na white na ewan. Basta ang cute!

"Hi my prince!" Yumakap yung babaeng napaka-ganda at simple. She's wearing a dress, but she's not wearing a make up. I think nag-lip gloss lang siya. Tapos nakangiti pa siya, ang puti ng ngipin niya. Ohmygod! Naiinsecure ako sakanya! Ewan ko ba.

"Hi my princess." EW! Ang pangit ng endearment nila! Gosh. Ang corny! Niyakap ng pabalik ni Lorenzo yung girlfriend niya. Kumalas rin siya, at hinalikan to sa noo. Ngumiti si Lorenzo. Naalala ko yung sinabi ni Lorenzo. Pag hinalikan niya sa noo ang isang babae, ibig sabihin aalagaan niya ito at mamahalin ng sobra. Pero, hindi pa ako nahahalikan ni Lorenzo sa noo. It means na yung gf ni Lorenzo ang unang babaeng nahalikan niya sa noo. Maliban sa nanay niya. 

Kumirot ang puso ko. Ansakit eh. Yung bestfriend ko may mahal. At hindi ako iyon.

"Btw, princess. Meet my bestfriend," Hinila ako ni Lorenzo sa tabi niya. Masaya akong nakikita-kita na nakangiti. Pero mas lalo akong sasaya pag ako yung nagpapangiti sakanya. I smiled at Lorenzo's girlfriend. Nakangiti siya, hindi ito plastic. Lumapit siya saakin at niyakap ako. Nagulat ako sa ginawa niya. 

"Ikaw pala yung bestfriend ni Lorenzo? You're so pretty! Btw, thankyou for taking care of my boyfriend!" Sambit ng Girlfriend ni Lorenzo. Teka, ako dapat ang magsasabi nun ah? "Btw, I'm Keegan! So you're Jasmine, right?" Kumalas ako sa yakap niya. Ayoko ng germs! 

"Ah, yes." Sagot ko. Ang mean ko ba? Ganyan talaga ako sa una eh. Baka hindi ko to mapagkatiwalaan. 

"You're so pretty! Btw, prince?" ANG PANGIT TALAGA NG ENDEARMENT NILA. :((( EW EW EW. "Yes my princess?" Ngumiti si Keegan. Pati mata niya ngumingiti. Maganda siya eh, pero paano pag pangit ang ugali niya? Tss. Sayang rin.

"Hindi ba kayo nagugutom? Nagluto ako para sainyo." Pumunta siya mini kitchen nya? Woah, meron sya? Teka, royal room nga to e! It means nandito na ang lahat. Bumalik na siya...may bitbit siyang pasta! Oo, pasta. Mukhang masarap siya. ^_^ 

"Wah." Naamaze na sambit ko. Luh? XD Naamaze. Hanggang ngayon, nakangiti pa rin siya. Hmmmm! 

....May gagawin ako. Alam niyo ba kung ano yun? *evil smiles*

Titignan natin kung may tinatagong baho tong si Keegan. *smirks*

——————————————————————————————

A/N: Yan na muna po! HAHAHAHAHA. Sorry kung late yung update ko. :))) 

Bestfriend Only?! [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon