nine

32 2 1
                                    

Frederick and Jasmine on MM. ♡

Sorry. Late update. Busy ako eh. Enjoy! :))

----------------

[JASMINE'S POV]

Pinikit ko ang mata ko. Pero hindi pa rin ako makatulog. Ano ba nanyayari saakin? Tsk! Pero.. Hindi pa rin ako makamove on sa sinabi ni Frederick.. Paano? Candy...

Naalala ko nanaman siya. Kinagat ko ang ibabang labi ko. Ayaw kong maalala siya.

Kinabukasan, parang tinatamad ako pumasok. Hmp! Ewan ko kung bakit ako tinatamad <_< Mabagal akong tumayo.. at kinuha ang cellphone sa tabi ng kama. Cellphone muna bago ligo. Hahaha. Binuksan ko ang inbox ko at....

From: Lorenzo

Good morning Cassandra! :) Susunduin ko kayo ni Flarie ngayon huh? Nakakamiss kasi yung dalawa kong bestfriend. Off to your house! :D

Wait.. ANO?! Susunduin niya kami?! Para akong nilakasan nung nabasa ko text niya. Bibilisan kong maligo! Kyaaaahh! Sana wala si Keegan! >___< bestfriends bonding ito!

Dumaretso agad ako sa may banyo. At binilisan magshampoo at sabon. Magaayos pa ako. Syempre, para maganda sa paningin ng bestfriend ko. Bestfriend...


After kong maligo, hindi pa rin ako makapali. Si Lorenzo at Si Frederick. Una, si lorenzo. ba't niya akong tinawagang Jasmine? Alam kong ayaw niya akong tawaging Jasmine eh. Pag nagagalit lang siya.. Teka, nagagalit ba siya saakin? Pangalawa, si frederick. Bakit candy? Anong meron sa candy? Psh. Naalala ko talaga siya.

"Hoy! Jasmine!" Napatingin ako sa pintuan ko. Si flarie naman ang ingay. -_- Umaga pa lang ang ingay niya. Hay naku. Pinagpatuloy ko ang pagsusuot ng medyas ko. At tumingin sakanya.

"Ano problema mo pig?" Hahaha. Alam niyo ba kung bakit pig? Mahilig siyang kumain eh. Pero di naman nataba masyado. >.< Mana lang siya saakin. :P Ningitian ko siya.

Napasimangot siya sa sinabi ko.

"Bwiset! Andyan na yung mahal mo!" Nawala ang ngiti ko. Andito na siya? Sana wala talaga si Keegan. Tumango nalang ako at tumalikod. Narinig ko ang pag-sara ng pintuan.

Kakayanin ko bang harapin siya? Masakit kasi pa rin eh. Nasasaktan ako kapag nakikita kong kasama niya si Keegan. Sorry keegan. Mahal ko talaga si Lorenzo..

Bumaba na ako. Nakita ko siyang kausap niya si Flarie. Ang gwapo niya talaga noh? Pero, ang ganda rin ng ugali niya.

"Oh! Nandiyan ka na pala. Sa wakas, Jaja! Huhu. Malalate na tayo!" Tumingin ako sa orasan. Hindi ah. -_- ang aga pa naman. Sinamaan ko ng tingin si Flarie.

"Ang aga pa kaya, Flarie. Pweh. Makasabi toh. Lalandi ka lang eh." Nagpout siya. Playgirl talaga. Buti hindi niya nilalandi ang Lorenzo ko--este ni Keegan.

Bigla siyang kumapit sa braso ni Lorenzo. Tinignan ko si lorenzo, nakatingin siya saakin. Bumilis ang tibok ng puso ko at bigla kong iniwas ang tingin ko.

"Hmph! Lorenzo tara na nga! Nagtataray nanaman si Jaja!" Napatawa nalang si Lorenzo. Ang ganda pakinggan yung tawa niya. Tumingin ako sakanya. Nakikita kong nakatingin siya saakin. Ngumiti ako ng pilit. "Mauuna na ako sa kotse! Ang bagal ninyo!" Kumalas sa pagkakakapit si Flarie. At naunang pumunta sa loob ng kotse.

Biglang lumapit si Lorenzo saakin. Nararamdaman ko yung tibok ng puso ko. Ngumiti siya. Kaya ako nahulog sakanya eh. Dahil sa ngiti niya.

"Let's go na, Cass?" Ngumiti ako sakanya at tumango. Pinauna niya akong lumabas ng bahay ko. Napakagentleman niya talaga. Ewan ko, bakit ang ganda ng ugali netong Anghel na toh?

Umupo ako sa passenger seat. Which is na katabi ni Lorenzo. Siya mag-dridrive eh. Sa likod naman si Flarie. Nakahiga siya. Aba ang tindi netong bestfriend ko.


Pinaandar niya na yung kotse niya. Nakatingin lang ako sa bintana. Wala akong mood makipagusap sakanya. Ansakit lang talaga.

"Cassandra? Okay ka lang?" Tumingin ako sakanya. Hindi siya nakatingin saakin sa harap lang. Baka maaksidente kami noh. Tumango lang ako.




"Best.. Alam kong may problema ka. Sabihin mo saakin.. Bestfriend mo ko diba?" Yeah right. BESTFRIEND lang. Tumingin ako sa likod nakikita kong natutulog si Flarie. 15 mins lang naman eh.


"Wala lang ako sa mood." Makipagusap sayo. Nasasaktan lang ako. Parang pinagpalit mo na ako..


"Okay." Bakit kasi hindi ko masabisabi sakanya yung nararamdaman ko eh? Bakit niya nagustuhan si Keegan? bakit hindi nalang ako? Ansakit sobra.



Tumahimik na kami after nun. Ang awkward ng atmosphere. Buti nalang nakarating na rin kami. Ginising ko na si Flarie at bumaba bigla si Lorenzo.



Binuksan niya yung pintuan para saakin tas kay Flarie rin. Ang gentleman talaga niya. Kaya gusto ko siya. Maganda ugali niya. Bumabagay sa itsura niya. Bumaba ako mula sa kotse niya at nakita kong palapit saamin si Keegan.



Yinakap niya si Lorenzo at hinalikan naman siya ni Lorenzo sa may noo. Hindi niya talaga toh hinahalikan sa lips kasi gusto niya sa kasal pa. Alam ko yun. Sinabi niya saakin yun dati..

"Namiss mo agad ako? Hahaha." Inirapan siya ni Keegan at ngumiti. Answerte talaga ni Keegan noh?


"Ang kapal mo talaga kahit kailan." Tumawa nalang si Lorenzo. Bakit parang kami toh? Pero iba.. iba yung babaeng nagsusungit sakanya. "Oh hello Jasmine!"


I faked a smile. Ayoko ugali niya. Ewan. Nagseselos ata ako sakanya.


"Malalate na tayo KEEsses. Hahaha. I love you KEEsses ko." Tumalikod agad ako sakanila at tumakbo. ansakit lang.


"Jasmine!" Tawag saakin ng isang tao. Hindi ko alam kung sino yun. Hindi ko yun nilingon.

"CANDY!!!" Napatigil ako sa pagtatakbo at lumingon kung sino yun.



Si Frederick.

Bestfriend Only?! [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon