six

35 7 2
                                    

New Character on the side. <33 =)))

**

[JASMINE'S POV]

hmmm. May nararamdaman akong nakayakap saakin. Wait, nakayakap? Minulat ko ang mga mata ko at tumingin sa gilid ko. Nakadamit ito, brown na tshirt at boxers short?! >////<

"KYAAAAAAAH!!!" Nakita kong nagising siya. Waaahhh! Hinampas ko siya. Bakit ko siya katabi?! Bakit niya ako yakap?! Hwaaahhhh!! Kinusot niya ang mata niya at kumalas saakin.

"Miss okay ka lang?" Tanong niya. MUKHA BA AKONG OKAY?! Bakit ko siya yakapyakap wait.. niyakap ko siya?! I mean, bakit niya ako niyakap?! Atsaka bakit nasa tabi ko siya? Inikot ng mata ko kung nasaan ako. Wait, hindi ko to kwarto ha? Hindi purple ang kulay ng pader at anlaki pa ng kwarto na to. Mayaman ako pero mas malaki to. Color white pa, ang ganda sa mata ko. Refreshing tignan.

"Nasaan ako?! Bakit mo ko yakap-yakap?! Bakit nasa tabi mo ako?! May kinuha ka ba saaking importante?! Huwaah! Ano?!" Nakita kong tinakpan niya yung dalawa niyang tenga. Putangina!! Naiinis ko. Huhuhu. Baka kinuha niy yung v-card ko! Inaalagaan ko yun for 18 yrs eh. T^T Lumapit ako sakanya at hinampas siya ng unan. "Hayop ka!! Bakit mo kinuha?! Bakit?! Pakyu!!!" Nahihighblood ako!!!!! ARGHHHH!!!!

Hinawakan niya yung unan na hawak-hawak ko, "Teka, pwede ka bang chumill muna miss? Ieexplain ko." Pero hindi ako nakinig sakanya. Binawi ko sakanya yung unan at hinampas siya!!

"Bwisit ka!! BAKIT?! Argh!!!! Pakyu!!! Sana makulong kang gagong kang!!!!" Sigaw ko sakanya. Nakita kong inilapit niya ang mukha niya saakin. Napatigil ako. Luh? Bakit niya nilapit mukha niya?

"Buti naman na tumahimik ka," Sambit niya. "Walang nanyari saatin okay? Wag kang feeler Miss. Wala naman makikita sayo." Muntikan ko na siyang sabunutan. Tangina. Anong wala?! Meron kaya. Bwisit tong lalaking to.

"Che! Uuwi na ko!!" Sigaw ko sabay tayo. Baka hanapin na ako eh, nasa tapat na ako ng pintuan at bubuksan ito biglang nagsalita yung lalaking yun.


"Sige, umuwi ka ng nakapajama ka at paglabas mo hindi mo alam yung labasan ng subdivision. Pati wala pang trycicyle!" Pananakot niya. I rolled my eyes. Matalino ako noh. Hindi ako boba. Tse. Mananakot pa siya ha? Tch. Uso rin naman libutin yung subdivision nila diba?


Humarap ako sakanya. At nilagay ang dalawang kamay ko sa baywang ko.

"Yung pouch ko?" Nakita kong huminga siya ng malalim. "Hindi manlang siya natakot? Ayos tong babaeng to ah." Bulong niya pero rinig na rinig ko naman sinasabi niya. Hashtag medyo baliw.

Tinuro niya kung nasaan yung pouch ko. Nasa isang upuan lang pala. Shete. Gusto ko na talagang umuwi. Kinuha ko na yung pouch ko at bumaba na. Wala akong pake kung mawala ako. Tseh. Pagkalabas ko... Tangina, bahay ko ba yun?! Waw. Mawawala pala ah? *smirks*


Bago ako makapunta sa bahay namin, may humila saakin. Letse! Ano nanaman ba?! Tumingin ako kung sino humila saakin. Ay siya lang pala, naka-black na tshirt na to at nakapantalon. Bakit ganun? >///< Ang gwapo pa rin niya. >///<


"Ihahatid na kita." Umiling ako sakanya. "Andyan lang yung bahay namin, asa tapat niyo oh." Ngumiti lang siya saakin, ang gwapo niya!!! >////< Ano kaya pangalan neto?


"Frederick Guerrero." Sabay ngiti. Ha? Nabasa niya yung nasa isipan ko?! "Baliw. Sinasabi mo kaya." Ngumiti lang ako sakanya. Hehe. Nasasabi ko na pala?


"A-ah, ako nga pala si Jasmin--" Naputol ang sasabihin ko nang sumabat siya.

"Jasmine Cassandra Reyes." Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at nararamdaman kong namumula na ako. Kilala niya pala ako, pero paano niya nalaman pangalan ko?

"Hahaha. Wag mo nang alamin, pumasok ka na. Btw, sayo nalang yung pajama ko." Eto nanaman siya! >///< Bakit ganun? Parang nagugutom ako nung ngumiti siya saakin at kininditan ako?


"S-sige, salamat. At sorry nung mga sinabi ko kanina." Feel ko namumula ako!! Bwisit. Huhu. Tumango siya, ningitian ko siya. Tumalikod na ako at hinila niya ulit ako paharap sakanya. Ano nanaman? Jusko!!

Nilapit niya ang mukha niya saakin at..... hinalikan ako sa noo.


What?! Lalo bumilis ang tibok ng puso ko. Feel ko lalabas na yung puso ko sa ribcage!! Ohmygod. Bakit naramdaman ko yun? Ano yun?!

Bestfriend Only?! [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon