(May of 2010....)"Pahiram nga po ng cellphone mo. Magpapasa lang po ako ng music.", tanong ko habang naglilinis siya sa bakuran.
Pagkakuha ko nito sa mesa ay agad ko itong binuksan at dahil keypad ang cellphone niya ay kailangan ko pang buksan ang lahat ng files para makita ang lahat ng music ng mapansin ko ang isang file folder.
'Sweet babe'Pagkabukas ko ay agad akong nagtaka dahil isa ulit itong folder. Ng buksan ko ay
muling bumungad ang isa pa. Muli ko itong binuksan ng dalawang ulit hanggang sa
bumungad ang mga magkakasunod na videos.Muli akong nagtaka dahil sa katanungang bakit kailangan niya pa itong itago.
Ilang ulit pa akong napakurap ng tuluyan ko itong buksan. Muli ay naramdaman ko ang familiar na pakiramdam.Ang pakiramdam na pumatay sa buong pagkatao ko.
Sa pagpapatuloy ko sa panunood ay unti unti akong nakaramdam ng bahagyang kaginhawaan. Bago pa man ako tuluyang
masakop ay agad ko itong itinigil."Huy Lenlen ang tagal mo naman. Dalian mo gagamitin ko na 'yan, may tatawagan ako.", bulyaw niya ng matapos siya sa pagwawalis.
"Saglit lang. Hindi pa tapos.", sagot ko at agad na inihinto ang video.
Dali dali akong nagpasa at ng matapos ay agad ko itong ibinalik. Kinagabihan ay
binuksan ko ang cellphone ko at nanood sa kuwarto."Lenlen bumaba ka na dito. Kakain na tayo.", sigaw ni mama.
Muli kong inihinto ang panunood at dali dali itong ibinulsa bago lumabas at kumain.
"Elainne ayos ka na ba? Hindi ka na ba nababangungot?", nag-aalalang tanong sa akin ni mama.
Bahagya ko pang pinakiramdaman ang sarili ko kung okay na nga ba ako.
"Opo mama. Hindi naman na po ako masyadong nababangungot.", saglit na ngiting tugon ko.
"Maganda kung ganun kasi baka sa susunod na pasukan, hindi ka ulit makapagfocus sa pag-aaral mo. Kasama mo naman ang kapatid mo. Kapag tapos na ang pasko ay babalik ka ulit sa school. Pagbutihin mong mabuti ang pag-aaral mo anak.", nakangiting sabi niya bago uminom ng tubig."Opo.", tumatangong tugon ko.
Pagkatapos naming kumain ay agad akong nagpunta sa kuwarto upang ipagpatuloy ang panunood ko.
Habang nanunood ay mas lalo kong napapansing gumagaan ang pakiramdam ko, waring pinapaganda nito ang bangungot na matagal ng sumasakop sa buong sistema ko.Pagkatapos ng isa ay muli kong binuksan ang una kong napanood. Sa panunood ko ay hindi ko namamalayang sumasabay na pala ako.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko at ang tanging alam ko lang ay hindi na ito taliwas sa sistema ko, bagkus ay unti unting tumutulong sa aking mawala ang takot na matagal ng bumabalot sa puso't isipan ko.Muli akong napatigil sa ginagawa at panunood ng may kumatok.
"Lenlen mauuna na ako ah."
"Sige po kuya.", sigaw ko matapos niyang magsalita.
"Sige. Bukas nalang ulit.", muling sagot niya.Hindi na ako sumagot pa ng marinig ko ang paglakad niya. Ng maramdaman kong tuluyan na siyang umalis ay muli kong ipinagpatuloy ang panunood at ang ginagawa ko.
Paulit ulit ko pa itong ginagawa hanggang sa maramdaman ko sa sarili kong wala ng anumang bahid ng takot sa puso't isipan ko.
BINABASA MO ANG
Lies In Love (COMPLETED)
Romance(Completed Story 32 Chapters ♥️) 18+ yrs old A story of a girl who always seeks for an answer for her to finally change her nightmare. And a story of a boy who dislike and totally hate a girl who do THAT KIND OF STUFF because of her older sister's...