(CHAPTER 31)
Alas 'dos palang ng umaga ay wala
paring tigil ang inuman namin. Panay lagok lang ako sa tuwing nakakaramdam ako ng kirot.Dahil kahit katabi ko siya ay sa iba siya masaya.
"Elainne tama na 'yan. Lasing ka na.", pagpipigil sa akin ni Ash sa tabi ko pero muli ko itong inagaw mula sa kaniya.
"Hindi ako lasing Ash. Gusto ko lang uminom. Hindi ba puwede 'yun?", tiim bagang na bulong ko sa kaniya bago paisang lagok na ininom ang kalahating alak na hawak ko.
"Elainne masyado ng marami 'yang nainom mo. Matulog ka na kaya.", pinagmasdan ko ang taong nasa tabi ko.
Kita ang pagkaseryoso sa mukha niya pero bakit kitang kita ko ang saya na namumutawi sa mga labi niya?
"Max okay pa ba tayo?", pabulong na tanong ko na siyang ikinanuot ng noo niya at ng pagkawala ng saya sa mukha niya.
"What do you mean?", ng mabahiran ko ang taka sa tono niya ay napangisi ako sabay kuha ng isa pang bote pero agad niya itong hinablot.
"Nakakasakal na ba ako?", malamig na tanong ko habang nakayuko.
"Ano bang sinasabi mo? Lasing ka na."
"Akala ko kaya ko pero hindi pala. Dahil kahit paulit ulit ko pang sabihing kaya ko bigo parin ako. Ayoko na Max, itigil na natin 'to."
"What?!", kasabay ng pagtayo ko ay siya ring pagtayo niya, kasabay ng lahat.
"Ano bang sinasabi mo? May nagawa na naman ba ako? Tell me!. ", nawawalang
pasensiyang tanong niya."'Yun na nga eh. Bakit kahit wala kang ginagawa nasasaktan mo parin ako?
I'm sorry kung hindi ko pala kayang mag adjust para sa inyo. Ayoko na.", bago pa man siya magsalita ay agad akong hinila ni Ash paalis sa lugar na iyon na siyang tuluyang nagpabagsak sa mga luhang pinipilit kong itago.
"Wow 'ni hindi ka manlang hinabol ah--"
"Elainne please mag-usap muna tayo.", marahan niya akong iniharap sa kaniya at
iniangat ang mukha ko.Kitang kita ko sa mukha niyang nasasaktan at nahihirapan siya.
'pero bakit hindi mo ako magawang piliin kahit hindi ko sabihin Max?'
"Please Ash iwan mo muna kami.", kasabay ng pagtulo ng di ko inaasahang luha sa mata niya ay walang nagawa si Ash kundi ang ngumiwi at umalis.
Agad kong pinahid ang luhang pumatak sa mukha niya.
"Max I need space. Hindi ko kayang makita kayong dalawa.
Ayokong makitang mas higit na masaya ka sa kaniya.
Ayokong makitang maaari ka niyang makuha sa akin."
"Elainne kahit kailan ay hindi niya ako nakuha."
"Pero minahal mo parin siya."
"Pero hindi gaya ng pagmamahal ko sayo Elainne. Please huwag namang ganito.", saglit ko siyang pinagmasdan bago gawaran ng mabilis na halik sa labi.
"I want space Max. Gusto ko munang makipaghiwalay sayo hangga't alam ko na sa sarili kong kaya ko ng makita kayong masaya."
"But--"
"Please. I promise kapag kaya ko na babalikan kita."
"Pero pa'no kung wala ka ng babalikan?", malamig na tugon niya.
Ngumiti naman ako ng mapait.
"Then it means you choose her.", pagkatapos kong sabihin 'yun ay agad akong umalis at naglakad sa kabilang direksiyon bago pa ako tuluyang umiyak sa harapan niya.
BINABASA MO ANG
Lies In Love (COMPLETED)
Romance(Completed Story 32 Chapters ♥️) 18+ yrs old A story of a girl who always seeks for an answer for her to finally change her nightmare. And a story of a boy who dislike and totally hate a girl who do THAT KIND OF STUFF because of her older sister's...