CHAPTER 8

3 0 0
                                    


(CHAPTER 8)

Elainne's POV

Habang kumakanta si Max ay nakatingin lang siya ng diretso sa akin. Hindi ko alam kung bakit. At kahit nakakahalata na ako ay ayoko paring umasa.

I don't want hope to conquer me like before.

Ayoko ng maulit pa ang nangyari.

Tama na ang isang beses na pagpapakatanga ko sa kanya.

Wala ng babalikan dahil wala naman talagang dapat ibalik.

Napangiti naman ako ng mapait. Habang nakatingin siya sa akin ay naaalala ko ang mga kahapong nagdaang kasama ko siya.

Mga panahong akala ko ay pareho kaming masaya......























pero ako lang pala..

Flashback

"Bhaby picture tayo.", pilit ko kay Max habang hinihila ang laylayan ng damit niya.

Nandito kami ngayon sa paborito naming lugar at katatapos lamang naming idikit ang note na isinulat namin sa board. Kahit na ayaw niya ay napilit ko parin siya.

Inilapit ko pa ang mukha ko sa kanya at ipinukos ang camera. At ng pindutin ko ito at ngumiti ay bigla niya akong hinalikan sa pisngi.

Gulat man ako ay halata sa mukha ko ang sobrang kilig.

"Kinilig ka naman. Ang babaw mo namang kiligin haha.", asar niya sa akin na agad kong ikinasimangot.

Pagkatapos pa naming kumuha ng maraming shots ay umalis din kami agad dahil magsisimula na ang klase. Pero bago kami umalis ay agad kong binalingan ng tingin ang note na isinulat namin na siyang ikinangiti ko ng sobra.

________________
"#23 Forever"

-E&M
________________

Lies In Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon