CHAPTER 26

2 0 0
                                    


(CHAPTER 26)

Ash' POV

Pinagmasdan ko siyang inumin ang lahat ng laman ng boteng hawak niya sa iisang lagok lamang at tumayo papunta sa mesang pinagkukumpulan ng maraming tao.

"Anong problema ni Elainne?", tanong ni Colen na matamang nakatingin pa sa kanya.

"Wala na sila ni kuya kaya malakas ang loob niyang gumanyan.", sagot ko at tinitigan ang boteng nasa harapan ko.

"Hindi ka parin talaga nagbabago eh no? Takot ka paring uminom?", nang aasar na
tanong niya na agad kong sinamaan ng tingin.

"Tss. Hindi naman 'yan ang ipinunta ko dito."

"Eh ano? Naturingang tambayan pero hindi binibinyagan haha."

"Kasi nag aalala ako para sa kanya.", seryosong sagot ko at muling bumaling kay
Elainne na ngayon ay nakaupo na sa isang upuan doon at nakikipagsigawan habang
nakahawak ng baraha.

"Ano nga ba talagang nangyari?", seryoso ring tanong niya at muli ko siyang nakitang pinagmamasdan si Elainne.

"Mahabang kuwento pero gaya ng dati, nasasaktan siya kaya ganyan.", napabuntong hiningang sagot ko.

"Eh kung ligawan ko nalang kaya ulit?", birong tanong niya.

"Edi doble busted ka na niyan?.", natatawang sagot ko na agad din niyang ikinatawa.

Kaming dalawa lamang ang nandito dahil inaasaikaso nila Cindy at Jas ang mga tao.

Sila kasi ang may ari ng bar na'to.

"Eh 'yang kapatid mo, may nobya narin ba siya gaya mo?"

"'Yan? Meron na rin kaso wala dito. May LQ eh.", natatawang sagot niya.

"Hanep sa chicks ah. Guwapong guwapo eh no?!", pabirong sabi ko.

"Syempre naman. Kahit mga tomboy 'tong mga 'to eh may kamandag parin pagdating sa mga chicks.", mayabang na sagot niya na siyang ikinatawa ko.

"Oh ayan na naman siya.", nailing na sabi niya at agad ko naman binalingan ng tingin ang tinutukoy niya.

"Let's go home Ash. Nahihilo na ako.", sabi niya habang nakahawak sa ulo niya.

"Tsk tsk. Kung makapagyabang at ngumisi kanina akala mo naman high tolerance sa
alcohol. Isang bote lang nainom mo ah.", parunggit ni Colen na umiiling iling pa.

"Tsk. Shut up!. Tara na Ash.", nakuyokong sabi ni Elainne bago tuluyang maglakad
paalis.

Pinagmasdan ko na lamang siyang maglakad palabas ng bar.

Pagkalabas niya ay siya namang sandaling pagtumba niya kaya mabilis naman akong tumakbo papunta sa kanya upang alalayan.

"Kaya ko Ash. Don't you worry about me.", malumanay na sabi niya kaya wala na akong nagawa pa ng inalis niya ang kamay ko sa pag aalalay sa kanya at pagewa gewang na naglakad papunta sa pampang at naupo doon malapit sa pinag park'an ko ng kotse.

Agad naman akong sumunod sa kanya at umupo.

"Hey okay ka lang ba?", nag aalalang tanong ko sa kanya pero hindi niya ako sinagot at saglit na pumikit at muling pinagmasdan ang mga tala ng ilang minuto bago niya pinagmasdan ang kawalan ng dagat.

Kahit hindi man siya magsalita ay kitang kita kong nasasaktan siya ngayon gaya ng dati. Hindi na lamang din ako nagsalita at pinagmasdan ang dagat.

"Ayoko naman talagang maramdaman 'to eh.", natatawang sabi niya.

Hindi ko na lamang siya sinagot at tahimik na hinihintay kung ano ang susunod na gagawin niya.

Lies In Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon