(Chapter 5)
(Days passed)
Kinabukasan ay nagising ako ng maaninagan ako ng sikat ng araw.
Pagtingin ko ng oras ay alas otso e'media na pala. Paglabas ko ng kuwarto ay agad kong hinanap kung nasaan sila Elainne. Ng pasadahan ko ng tingin ang buong bahay ay hindi ko sila makita.
"Ah kuya Max, wala si ate Elainne nasa bukid kasama niya kaninang pumunta si kuya Thor, ate Ash at si mama.", sabi ni Dhaine na kakagaling lamang sa kusina.
Siguro ay nagluluto siya dahil may hawak hawak siyang sandok.
"Ah ganun ba. Eh ikaw hindi ka ba pupunta dun?", tanong ko sa kanya.
"Mamaya pa pagkatapos kong magluto. Kung gusto mo kuya 'sama ka nalang sa akin tutal mag isa ka rin lang dito. Para naman makapagpasyal ka sa barrio namin.", sagot niya pabalik na siyang sinang ayunan ko.
Pagkatapos niyang magluto ay agad din akong kumain. Pagkatapos ay inihanda na
namin ang baong pagkain para sa lahat.Doon daw kami kakain ng tanghalian kaya
paniguradong marami silang ginagawa.
Pagdating namin ay agad kong natanaw si Elainne at Thor na naghuhukay ng kung ano.Pagtingin ko naman sa kubo sa di kalayuan ay nanduon si Ash at ang nanay ni Elainne
na mukhang nagpapahinga. Pagkalapit namin sa kubo ay agad kong nakita ang mga pinitas nilang gulay na nakalagay sa basket at sako. Beans at luya. Pagtingin ko sa dako nila Elainne ay duon ko napagtanto kung ano ang hinuhukay nila.At ng makita ko silang nagtatawanan ay agad napakunot ang noo ko at agad na nagtungo kung nasaan sila.
"Ehem!", tikhim ko ng makalapit para maramdaman nila ang presensya ko.
Pag angat nila ng tingin ay kita ko agad ang pagkunot ng noo ni Thor na siyang mas
ikinainis ko. Kaya bago pa man siya magsalita ay pinangunahan ko na siya."Elainne tulungan na kita", saad ko kay Elainne na naka upo.
Taka naman siyang tumingin sa akin hanggang sa natawa siya.
"Ano ka ba Max. First time mo ba sa bukid? Bakit ganyan ang suot mo? Sana sinabi
mo nalang kay Dhaine na sasamahan mo kami para pinahiraman ka niya ng damit
pangbukid.", nangingiwi niyang sabi.Duon ko naman napagtanto na naka long sleeve sila, naka bota, naka sombrero at naka maong pants habang ako ay nakasuot ng summer shorts at naka sando lang. Ang init kasi eh.
Napatingin naman ako kay Thor ng
impit siyang tumawa kaya inis akong bumalik sa kubo at humiram ng damit pangbukid kay Dhaine.Pagkabalik ko ay agad akong pumagitna sa kanilang dalawa.
"Elainne turuan mo naman ako kung paano gawin 'to. May ginagawa kasi sila Ash eh.", sabi ko habang nakatingin kay Ash at Aling Flor na ngayon ay namimitas ng beans at pagkatapos kay Dhaine naman na kakabalik lang sa pagbubungkal ng lupa.
"Alam na rin naman ni Thor kung ano ang dapat niyang gawin eh.", pagpapatuloy ko.
"Ah sige. Madali lang naman siyang gawin.", sagot naman niya na siyang ikinangisi ko kay Thor.
'Yung mokong ayaw magpatalo kaya hindi pa lumalayo. Habang itinuturo ni Elainne
ang dapat gawin ay ginagawa ko naman ito. Madali lang pala. Bubungkalin mo lang
yung lupa pero dapat ay maingat kasi baka maputol mo yung ibang bahagi ng luya.Habang ginagawa ko ito ay palagi akong malapit kung nasaan si Elainne para hindi sila magka moment ni martilyo ng bigla
kaming bulyawan ni Aling Flor.
BINABASA MO ANG
Lies In Love (COMPLETED)
Romance(Completed Story 32 Chapters ♥️) 18+ yrs old A story of a girl who always seeks for an answer for her to finally change her nightmare. And a story of a boy who dislike and totally hate a girl who do THAT KIND OF STUFF because of her older sister's...