Max' POV
Pagkagising ko ay agad akong naghanda para mag jogging. Pagkalabas ko ay siya ring pag alis ng sasakyan sa likod ng bahay kung saan ang daan papunta sa Manila.
Kunot noo ko naman itong pilit na inaaninag pero isa lang ang nasisigurado ko, sasakyan 'yun ni Ash. Kahit nagtataka ay hindi ko na ito pinansin at sinimulang magjogging. Ng mapagod na ako ay naupo ako sa malaking batong tanaw na tanaw ang dagat.
Pinagmasdan ko ang paglitaw ng araw. Napakaganda at sobrang nakakaginhawa sa pakiramdam. Habang pinagmamasdan ko ito ay naalala ko ang mga panahong masaya pa kaming magkasama ni Elainne.
Flashback
"Bhaby pahingi naman ng pictures mo noong bata ka pa. ", lambing niya sa akin sa telepono.
"Sige bukas bibigyan kita."
"Yiee thank you bhaby.", kinikilig na tugon niya.
Bahagya naman akong natawa dahil sa
reaksiyon niya. Ilang minuto pa ang tinagal ng tawagan namin bago napagdesisiyonang matulog na.Kinabukasan ay agad akong nagpunta sa garden at tinawagan si Elainne
para papuntahin dito. Pagkarating niya ay agad sumilay ang matamis na ngiti sa labi niya."Nasan na 'yung hinihingi ko?", pabirong yabang na tanong niya bago umupo sa tabi ko.
"Here.", sabi ko sabay abot ng mga pictures sa kaniya.
Isa isa naman niya itong tinignan habang nakangiti.
"Ang cute mo talaga Max.", kinikilig na sambit niya.
Sa huling litrato ay napatigil siya.
"There's only 1 thing 2 do. 3 words 4 you. I love you.", malambing na sambit ko ng makalapit ako sa likuran niya at niyakap siya kasabay ng pag abot ko ng bulaklak.
"1 I, 2 Love, 3 You, 4 Elainne... I love you Elainne.", malambing kong sambit at mabilis na humalik sa pisngi niya.
BINABASA MO ANG
Lies In Love (COMPLETED)
Romance(Completed Story 32 Chapters ♥️) 18+ yrs old A story of a girl who always seeks for an answer for her to finally change her nightmare. And a story of a boy who dislike and totally hate a girl who do THAT KIND OF STUFF because of her older sister's...