(CHAPTER 11)(March....)
Elainne's POV
Isang buwan na simula nung maging kami ni Max at araw araw ay sinusulit ko ang
bawat araw na magkasama kami. Ngayon ang 1st monthsary namin at nandito ako sa
Freedom wall.Habang naghihintay ay kumuha ako ng kapirasong papel at nagsulat bago ko ito idinikit sa board.
"Hey.", tawag sa akin ni Max pagkarating niya maya maya.
"Yow", pagkasagot ko sa kanya ay agad siyang tumabi sa akin sa pag upo sa damuhan.
"Elainne bumili ako ng paborito mong spaghetti at juice", sabi niya habang inilalabas ang mga ito sa bag na hawak hawak niya.
Iniabot naman niya ito sa akin na agad ko namang kinuha.
"Kumain muna tayo para may lakas tayo mamaya.", sabi niya sa akin habang itinataas baba ang kilay.
"Ano na naman ang nasa kukute mo. Wag kang ano ah!", sabi ko sa kanya sabay
hampas sa balikat niya habang tumatawa.Tawa lang kami ng tawa habang kumakain at nagkuwekuwentuhan. Maya maya pa ay
may iniaabot uli siyang box."Ano 'to?", takang tanong ko sa kanya.
"Basta buksan mo nalang. Monthsary Gift ko 'yan para sayo.", malambing na sagot
niya habang hindi parin mapawi ang ngiti sa mga labi."Dami mong alam Max", kinikilig na sabi ko sa kanya habang natatawang binuksan ang box.
Pagkabukas ko ay agad akong napaluha. Iba't ibang emosiyon ang namutawi sa puso at sa isip ko.
"Cookies...", bulong ko.
"Happy First Monthsary.... and yes cookies. These cookies were the same as what
you made for me. The time we broke up, pinaghirapan ko 'yang ibake magdamag ah
haha...", sabi niya habang kinuha ang isang piraso at isinubo sakin.'Sobrang saya ko pero alam kong panandalian lang ang lahat...'
"Paano mo nalaman ang tungkol dito?", tanong ko sa kanya habang nginunguya ang cookies na kinakain ko.
Hindi parin mapawi ang ngiti sa labi ko pero may bahid parin ito ng kakaibang pakiramdam.
"Sinabi sa akin ni Ash nung mga araw na galit ka sa akin. Kaya nakipag ayos ako sayo 'nung time na kayo pa ni Anthony. Naguilty ako sa ginawa ko. I didn't know na ang swerte swerte ko pala sayo...
pero pinakawalan lang kita.....
this is the reason why I realized that I love you eversince. Because I know na mahal mo talaga ako. It's just me na hindi ko nakita. But all throughout our relationship back then was true......
it is true na masaya ako kapag kasama kita....
ramdam ko ang pag aalala mo sa akin at
pag aalaga. That feeling that for the first time na may nagmahal sa akin ng totoo
pero hindi ko 'yun nakita dahil ang alam ko ay siya lang ang mahal ko....na siya parin ang mahal ko....
but I didn't know that I loved you ever since we met.", mahabang litanya niya habang nakatingin ng diretso sa aking mga mata.
Kitang kita ko ang pamumungay ng mga ito, ang dahilan kung bakit mahal na mahal ko siya.
Kitang kita ang pagmamahal at sinseridad pero minsan na nito akong nilinlang.
BINABASA MO ANG
Lies In Love (COMPLETED)
Romance(Completed Story 32 Chapters ♥️) 18+ yrs old A story of a girl who always seeks for an answer for her to finally change her nightmare. And a story of a boy who dislike and totally hate a girl who do THAT KIND OF STUFF because of her older sister's...