----------
PROLOGUE
----------Minulat ko ang mga mata ko at wala akong ibang nakita kundi dilim ng kwarto. Lumingon ako sa right side malapit sa bintana at ulit nakita ko na naman yung anino nakatayo malapit doon.
"W-who are you? Ba-bakit ka ba 'andito?" Sabi ko habang nanginginig sa takot.
Nakatitig lang siya sakin ng nakakatakot, at hindi manlang sinagot yung tanong ko.
"Bakit ka ba laging nagpapakita sakin?" Tanong ko ulit.
Pero di parin s'ya sumagot. Tumayo ako. Naramdaman ko nalang ang panginginig ng mga paa ko. Huminga ako ng malalim at sinabing.
"ANO BANG KAILANGAN MO? BA'T BA LAGI KA NALANG BUMABALIK SA KWARTO KO?! KUNG ANO MAN YUNG SADYA MO IBIBIGAY KO YUN SAYO. BASTA UMALIS KANA!" Sigaw ko.
Di parin siya nagsalita. Hindi man lang ako makatingin ng deritso sa kanya dahil sa natatakot akong tumingin sa mga mata niya.
Humakbang s'ya palapit sakin, then I step back. Habang palapit s'ya ng palapit sakin, kabaliktaran naman yung ginawa ko. Hanggang sa napansin kong nasa dulo na ako ng pader. Binuka n'ya yung bibig n'ya at nakita ko ang matatalim n'yang pangil.
"ikaw..." He hissed.
Napatigil nalang ako sa sinabi niya. Bigla naman s'yang tumakbo papunta sakin at tinulak ako ng madiin sa pader. Napasigaw nalang ako sa sakit ng pagkahawak niya sa magkabilang kamay ko. Pinikit ko nalang ang mga mata ko at hinintay kung ano ang kasunod niyang gawin.
~~~xXx~~~xXx~~~xXx~~~xXx~~~xXx~~~xXx~~~
AUTHOR's POV.This is my first story that I made and I hope you'll like it. Kung gusto niyo malaman kung ano ang kabuoan ng storyang 'to, pwedi niyo namang basahin mula sa simula hangang sa huli para malaman niyo. (*゚▽゚)ノ
By the way, ang kwento ko ay punong puno ng mga misspelled words at wrong grammar. Correct me, kung may napansin kayong ganon. Tnx.
Ps: this story is still on-going but medyo late late late late akong mag-update hehehe. For private reasons.