----------
ROSE's POV.
Magta-tatlong gabi na simula ng magising ako sa isang madilim na kwarto, kung saan ay tanging liwanag lang ng buwan na tumatagos mula sa maliliit na butas sa pader ang nagsisilbing liwanag sa kwartong to. At hindi parin ako lumalabas sa kwartong to simula ng pagkagising ko.
Nakahiga lang ako ngayon at nakatitig sa itaas, habang gumugulo sa isipan ko ang mga sinabi ni Kurt noong gabing yun. Hindi kasi ako makapaniwala na yung aksedenteng nangyari sakin ay totoo pala. Ang buong akala ko'y isang malaking panaginip lang, pero mali ako.
Siguro simula ngayon, hihiga-higa nalang ako dito. Patay nalang rin naman ako eh, kaya bagay lang to sa'kin. I'm maybe a vampire now, but hindi ko matanggap kung ano ako ngayon. Ayaw kong mambiktima ng mga inosenting tao, para lang makaiwas sa gutom. Mas gugustuhin ko pang magutom ako, kesa makapatay ako ng mga mortal na nilalang.
"Rose?" Boses ni Kora mula sa labas ng pinto.
Umaga't gabi binibisita ako nila dito, pero hanggang sa labas lang sila ng pinto. Ni-lock ko yun para di sila maka pasok, gusto ko kasing mapag-isa.
"Gising ka ba? Lumabas ka naman oh, nag-aalala na kami sayu. Di kapa kumakain simula ng gabing yun."
Hindi ako sumagot.
"Kung gusto mong lumabas, pumunta ka lang sa may cliff. Magpapahangin kasi kami ngayun, sana pumunta ka."
Matapos nun wala ng nagsasalita mula sa kabilang pinto, siguro umalis na siya.
Tinaas ko yung isang kamay ko. Napansin ko nalang na unti-unting nagbabago yung kulay ng balat ko, nagsisimula na itong maging maputla kagaya sa kanila. Yung katawan ko hindi na nakaramdam ng init, nagsisimula ng manglamig ngunit hindi naman ako giniginaw parang normal lang. Ganito siguro yung pakiramdam pagnagbabago ng anyo.
Napahawak nalang ako bigla sa t'yan ko. Bigla nalang kasing sumakit, malamang gutom na ako. Ilang araw na rin ako di kumakain ng kung anu, puro hangin nalang ang laman nito ngayun.
*STOMACH GRUMBLING*
At isa pa, na-uuhaw na ako. Ngayon pa ako nakaramdam ng ganitong pagka-uhaw, yung para bang gusto kong uminom ng nakakapag-init sa katawan ko.
*STOMACH GRUMBLING*
Ah... Siguro kakain na talaga ako ngayon.
*STOMACH GRUMBLING*
Baka yung mga laman ko pa ang madigest, instead na hangin.
Tumayo na ako at pumunta sa pintuan. Dahan-dahan ko itong binuksan bago lumabas, lumingon ako sa kaliwa't kanan. Ang tahimik ng boung bahay, mukhang wala nga sila dito.
Dumeritso na ako sa kusina, baka may iniwan silang pagkain para sa'kin. Habang naglalakad ako'y napatingin din sa paligid. Nakakatakot naman yung mga statue na nakatayo bawat sulok ng bahay na'to. Habang naglalakad ako parang sinusundan ako ng tingin tapus dagdagan pa ng napakadilim na bahay. Nakakatindig balahibo talaga ang lugar na to. Tumingin nalang ako sa baba at naglakad ng mabilis papunta ng kusina.