----------
It's 3:41 in the afternoon and still hindi parin ako tapos sa mga gawain dito sa bahay. Hmmf... Siguro, 'di ko to matatapos agad-agad. Maliit naman to kung titingnan sa labas ang bahay. Pero napaka luwag naman dito sa loob. Kaya hindi na nakapagtataka na nakakapagod maglinis sa bahay na 'to, lalong lalo na ikaw lang yung gumagawa ng gawain. Bakit ba kasi nagpaimpres ako kay tita kanina. Eh alam ko naman di ko 'to kaya.
Pumunta ako sa basement para kunin yung vacuum cleaner. Napaatras nalang ako nung binuksan ko yung pinto. Saka kumalabog yung dibdib ko. Ang dilim kasi wala akong halos makita. Binilisan ko ang paghahanap para makaalis na ako.
"Hello."
Napalingon nalang ako sa kaliwa, pero wala akong nakita. May narinig akong mahinang boses yung para bang may bumubulong sa tenga ko.
"Rose"
Nakaramdam nalang ako ng lamig na dumagpi sa pisnge ko. Napahawak nalang ako sa pisnge ko at nagsimula ng tumindig ang mga balahibo sa katawan ko. Lumingon ako sa likuran kung sino yung nagsalita, ngunit walang tao.
Naalala ko, ako lang pala mag-isa sa bahay at ako lang mag-isa ang nandito sa kwartong 'to. And it's to impossible na makakarinig ako ng mga boses mula sa labas ng bahay, nasa basement ako ngayon. Siguro guni-guni ko lang 'yon, kaya hindi ko nalang yun pinansin ayokong takutin ang sarili ko dito.
Pero kahit anong gawin ko hindi parin maalis yung takot sa isip ko. Lumabas nalang ako ng kwarto nang nagmamadali. Hindi ko na kasi kinaya yung takot na nararamdaman ko. Dimiretso ako ng sala at humiga sa sofa. Pinikit ko nalang yung mga mata ko at pinakiramdaman ang paghinga ko. Hangang sa bumalik muli sa dati ang paghinga ko ng mabilis.
~~~o~~~o~~~o~~~o~~~o~~~o~~~o~~~o~~~o~~~o~~~o~~~o~~~o~~~o~~~o~~~
Sa gitna ng napaka-init na araw, maraming tao ang nakikisabay sakin sa paglalakad sa sidewalk. Hindi ko alam kung anong ginagawa ko dito. Na pahinto nalang ako sa gitna ng mga taong nagmamadali sa paglalakad. Tumingin nalang ako sa mga taong naka paligid sa'kin, lahat sila'y parang may hinahabol na oras. May iba nama'y naghahabulan lang, hindi manlang nila inaalala ang pagtakbo ng oras.
Napatitig nalang ako sa isang babaeng may maikling buhok at medyo may katandaan na. Nasa tapat ko siya, nasa kabilang sidewalk siya nakatayo Habang buhat-buhat niya ang dalawang kahon ng mga fast foods na binili niya sa super market.
Maya-maya pa't tumawid yung babae, at nung nasa kalagitnaan na s'ya ng pagtawid, biglang nahulog yung isang kahun. Napahinto s'ya at kinuha n'ya.
Tumingin ako sa kaliwang direksyon ng kalye. May isang dump truck na nagkumakarapas sa pagpapatakbo.