Chapter 5: Reflection

559 52 18
                                    

----------

ROSE's POV.

Gusto ko ng umuwi. Gustong-gusto ko ng umuwi,  natatakot na ako. Baka hinahanap na ako ni tita. Baka nag-aalala na siya sa'kin, hindi ko pa naman alam kong nasaang lugar ako ngayon.


Naka upo lang ako ngayon sa napakalambot na sofa. Nilibot ng mga mata ko yung buong paligid, nakakakilabot pagmasdan ang itsura ng bahay nila. Malaki nga yung bahay parang isang palasyo ang dating, ngunit hindi 'ala fairy tale ang itsura. Kundi isang hunted house na madaming punit-punit na wallpapers, mga antiques na gamit, madami ring spider webs sa bawat sulok at napaka dilim ng boung paligid. Tanging liwanag lang ng buwan na sumisilip sa mga butas sa pader ang nagsisilbing ilaw sa bahay na 'to.


Pinapanuod ko lang silang nagtatawanan habang nagku-kwentuhan ng kung anu-ano. Pagdating naman kay Kurt, pangalan ko lagi ang naririnig ko pagnagsasalita siya. Nagulat nga ako ng sinabi niya ang bawat routine  na ginagawa ko araw-araw.


Kanina ko pa sila pinagmamasdan habang nag-uusap, parang may hindi tama sa kanila. Masyadong maputla yung mga balat nila para sa isang tao, tsaka yung mga mata nila mapupula ba talaga yan? o kaya may sakit lang sila? At napaka lamig din ng mga kamay nila, no'ng hinawakan ko ito para makipag handshake. Kasing lamig nito ang isang yelo na galing pa sa fredge.


Mga ilang oras na ang lumipas at nakaramdam na ako ng antok. Napansin kong may liwanag na mula sa mga kurtina ng bintana at sikat ng araw na tumatagos sa butas ng pader. Umaga na pala.


Tumayo ako at humarap sa kanila.


"Ahm. s-sorry po, pe-pero hindi n-na po ako magta-ta-tagal dito. B-baka po kasi hi-hinahanap na ako ng t-tita ko. Ka-kailangan ko na pong u-umuwi. Sa-salamat sa oras. I-I have to go. " Bulol kong pagkasabi sabay bow. Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad papunta sa napakalaking pinto na nasa harapan ko.


Hoo! Kinabahan ako dun ah! Mukhang makakauwi na ako ngayon. Ang problema nalang yung tita ko, malamang galit na galit na yun ngayon.


        "Wait. Rose!" Boses ni Kurt.


Napahinto ako sa paglalakad, at lumingon sa kanya mula sa balikat.


        "You can't go. " Dagdag n'ya.


Humarap ako sa kanya na may pagtataka sa mukha. Hinintay ko lang siya magsalita ulit.


        "You have to know something. "  Seryoso niyang pagka sabi.

        "You have to know something. About you. About us."  Dagdag ni Kora.

        "About me? Anong tungkol sa'kin?"  Tanong ko.


Out of no where, nagulat ako ng may biglang humawak sa kamay ko... Si Kurt.


Nagulat nalang ako ng makita siya. Kani-kanina lang nasa tabi siya nina Leandro at hindi ko man lang namalayan ang pagpunta niya dito sa tabi ko.

Dreams Do Come TrueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon