Chapter 14: Three on One

99 20 3
                                    

----------

ROSE's POV.

"I'll explain later." Hinatak nalang ako ni Kurt ng biglaan.


Hindi maalis yung kabang nararamdaman ko habang naglalakad kami patungo sa labasan ng building.


Gusto kong malaman kung ano bang nangyari at bakit kami nagmamadaling umalis sa lugar na'to. Bigla nalang kasing bumigat ang tension ng lahat matapos sina Kurt at Emil magkatinginan.


Sa tingin ko nag-uusap sila telipathically. Pero kung nalaman ng lahat yung pinag-uusapan nila, bakit hindi ako kasali?


'It's because hindi pa enhanced ang hearing mo and you can only hear voices kung ikaw lang ang kinakausap and so did your other senses. Pati na rin ang pagsarado ng isipan mo para sa privacy hindi mo pa kayang gawin."


Nanglaki nlang ang mga mata ko ng marinig ko ang boses ni Leandro sa isipan ko. Hindi parin ako sanay ng may biglaang nagsasalita sa isipan ko. Tsaka mukhang kanina niya pa binabasa yung isipan ko. Kaya hindi nalang ako nag-isip ng kung ano at nagfocus sa kung anong pweding masamang mangyari samin.


Nakarating na kami sa main door at agad din naman itong binuksan ni Emil.


I didn't move a single muscle sa nakita ko. Sa tingin ko nasa higit isangdaang gutom na manace ang nakatayo sa harapan namin nagyon. Nakakakilabot ang aura nila at nakakatakot din yung mga itsura nila.


Napatago nalang ako sa likura ni Kurt habang naka silip sa gilid niya. Napatingin naman ako kina Emil, Kora, Fino at Leandro. Nakikita ko yung pagkademonic sa mga mata nila naging intense red ang kulay nito. Lumalabas na rin yung ugat sa leeg at pati sa noo nila. Nakakatakot silang pagmasdan, ano mang oras handang-handa na silang pumatay ng isang nilalang


Napansin ko naman ang panginginig ng kamay ni Kurt na hawak-hawak parin yung braso ko. Dahan-dahan akong tumingin sa kanya. Parang gusto ko ng makawala sa pagkahawak niya sa'kin at umalis sa kinatatayuan ko.


Hindi siya nanginginig, kundi nanggigigil siya. Kinakagat niya ang sarili niyang labi na dumudugo na sa pagkadiin ng pangil at demonically nakatingin siya sa mga menace.


Pinikit ko yung mata ko at huminga ng malalim para kalmahin ang sarili. Pagkadilat ng mga mata ko, nakikita kong nakikipaglaban na sila sa mga menace. Doon ko nalang na realize na ako nalang pala mag-isang nakatayo sa pintuan.


Nakakalumay tumayong mag-isa at pinapanoud silang lumalaban. Blurred lines lang ang nakikita ko habang pinapauod ko silang nakikipaglaban ng mabilisan.

Dreams Do Come TrueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon