----------
3RD PERSON's POV.
"Sino ba ang mga babaeng 'yon? Ba't parang nakita ko na sila noon pa? Ba't parang may nawala sa isipan ko? Naguguluhan na ako, ano ba talagang nangyari... Sino ba ako noon. " Bulong ng isipan ng isang Illumina na may kulay pulang buhok, habang naglalakad kasama ang iba sa hallway ng school.
Mga tanong na hindi maipaliwanag ni Rose ang namumuo sa kanyang isipan, tahimik lang siyang naglalakad at habang nakayuko ang ulo simula ng lumabas sa isang silid. Habang nagkakasiyahan naman ang mga kasama niya.
"Woooooah! Ang ganda naman nito. Kuya! Dalhin natin to sa bahay ilalagay ko sa kwarto!" Sigaw ni Fino kay Kurt habang buhat buhat niya ang isang napakagandang painting ng mga bulaklak
"At kailan ka pa nagka-interes sa mga bulaklak?" Tanong ni Kurt
"Hhmn... Lumalabas na ata yung tunay na kulay ni Fino ah." Sabat naman ni Leandro.
"ANO ULIT YUN?!" Mataas na tuno ni Fino.
EMIL's POV.
Kanina ang tahimik ng boung paligid, nang simulang magsalita 'tong isang bata at ngayo'y bigla nalang umalingawngaw ang ingay sa boung lugar ang ingay.
Haaay... Kung pinapanoud ko naman silang nagkakaganyan, naaalala ko yung kabataan ko. Noong kami pa ni Kurt ang nabuo ng mga magulang namin. Ganyang-ganyan din ang ginagawa namin, kulang nalang magpapatayan sa galit ng dahil lang sa kunting bagay.
"Haaay! Kahit kailan talaga ang kulit-kulit ng mga 'to. Nakakabagot naman oh! Lakad lang kami ng lakad wala namang patutunguhan. Kung wala lang ang mga to, kanina pa siguro ako naghahanap ng pweding mabiktimang babae. Hehehehehe"
*PAAAAAAAAAAAAK! *
"ARAY! ANO BA?! KORA NAMAN!" Sigaw ko sa sakit.
"Alam ko kung ano nasa isip mo Emil! Kilala na kita ha!" Tinuro niya ako ng hintuturo niya.
"'To naman 'di ma biro." Umiwas nalang ako ng tingin sa kanya. Ayoko namang makita yung mga nanglilisik niyang mata.
Namamanhid nalang yung braso ko kung saan hinampasan ni Kora ng kanyang malaki palad. Kung hindi lang siguro to babae matagal ko na pinatulan. Pasalamat nalang at babae siya, tsaka mahal ko rin.
Nilingon ko si Kora na talak parin ng talak. Agad ko namang nasulyapan ang mga nakakaakit niyang mga mata.
Kahit kailan ang sarap titigan ang mga mata niya, tuwing ginagawa ko 'to nakikita ko yung nakaraang buhay niya lalo na yung mga araw na nakilala ko siya.
~~~¤~~~¤~~~¤~~~¤~~~¤~~~¤~~~¤~~~¤~~~¤~~~¤~~~¤~~~¤~~~¤~~~¤~~~
*FLASHBACK*