Chapter 3

3 1 0
                                    

Britania University

" Maine!!! Bilisan mo dyan nandyan na yung susundo sayo. Tsaka anong oras na, hindi ka pa rin tapos maligo, tapos kakain ka pa. Bilisan mo! Mala-late ka na sa school mo!"

Sigaw sa akin ni mama, nasa kusina siguro sya hinahanda ang almusal namin. "Opo, ma! Patapos na ako!" Sigaw ko rin pabalik kay mama.

Unang araw pala lang ng balik-eskwelahan pagkatapos ng dalawang buwan ng summer vacation, 'yan na ang bumungad sa akin... ang bunganga ni mama na parang nakakain ng megaphone at machine gun. Oh' well, nasanay na ako. Ganyan naman talaga ang mga nanay diba?

Nakabihis na ako ng pang-school uniform ko at tsaka pumunta sa mesa kung saan naabutan ko si mama na nilalapag ang plato at kutsara at tinidor. Napatingin ako sa ulam at napasimangot. Ano ba 'yan gulay ang ulam? Excited pa naman akong kumain pag almusal kasi ang madalas na niluluto mga itlog, hotdog, ham, garlic rice etc.

" 'Wag kang sumimangot dyan, may natira tayong ulam kagabi kaya ininit ko kaya 'wag kang maarte" sermon sa akin ni mama ng nakita ang simangot kong mukha, oo nga pala gulay pala ang ulam kagabi.

"Ma, alam mo naman pag gulay ang ulam, inaabot ako ng siyam siyam bago maubos yan" reklamo kong sagot kay mama.

"Eh di bilisan mong kumain at wag kang magpa-importante dahil may naghihintay sayo" masungit na sagot sa akin ni mama kaya no choice ako kundi kumuha ng isang bote ng tubig at kumain ng gulay.

Hate ko talaga ang gulay, well kumakain naman ako pero pili lang. At finally tapos na ako at dumiretso agad sa lababo sa kusina para mag-toothbrush. "Alis na ako ma" sabi ko kay mama. "Oh sige, mag-ingat ka" paalala sa akin ni mama tsaka sya pumunta sa kwarto ng kapatid ko, siguro para gisingin at para na rin kumain dahil magkasunod ang schedule namin.

Bungalow style ang nilipatan naming bahay na syang pag-aari ng mga pinsan ko sa side ni papa, kaya one level lang sya kaya madaling mapuntahan.

"Manong tara na po" sabi ko kay manong na syang mag-d-drive ng kotse, naabutan ko syang umiinom ng kape. "Oh sige, tara na" sabi sa akin ni manong at sumakay na sa driver seat at sumakay na rin ako sa likod. Pagkaupo ko tsaka umandar ang kotse at tinignan ko naman ang relo ko para tignan kung anong oras na. Seven o' clock pa lang ng umaga at may isang oras pa ako bago mag-eight na syang start ng klase ko.

"Salamat po manong. I-text na lang po kita pag uwian na po namin" sabi ko sa kanya at handa ng bumaba.

"Oh sige. I-text din kita baka matagalan ako dahil may inutos sa akin si Sir Nicholas" pagkasabi nya non tsaka ako bumaba ng kotse. At pinagmasdan ang school na papasukan ko.

Namiss ko 'to syempre lalo na yung mga kaibigan ko. Excited na ako, well at the same time kinakabahan dahil panibagong subject na naman at teacher.

Nagpasya na akong pumasok at ang bumungad sa akin ay isang mahabang bandaritas na may nakasulat na "Welcome back to Britania BU's students."

Napatigil ako bigla ng narinig kong tumunog ang cellphone ko, agad kong inalis ang bag ko sa likod at kinuha ang cellphone. Messenger chat pala ang tumunog, nakalimutan kong i-silent. Hindi ko na binasa dahil puro kalokohan lang naman ang nandon sa group chat namin ng mga kaibigan ko. Kaya sinilent ko ang cellphone ko at nagsimula ng maglakad para hanapin ang room namin.

I looked again in my schedule and I frowned. Room 402? Sa 4th floor ang room namin? Ano ba yan, ang hirap hirap umakyat, sana naman ano pumayat ako dito, siguro sa araw-araw ba naman, papayat ako. Nakarating na ako at syempre dahil maaga akong pumasok, ako pa lang ang tao sa room. Umupo na ako sa mga upuan sa bandang gitna at tsaka ko kinuha ang cellphone ko.

The Law of LoveWhere stories live. Discover now